Chapter 5

1404 Words
Hariette's POV Agad akong lumabas ng kuwarto at pumunta sa office ni daddy, I'm sure that he's still awake because of his works sa company. Kumatok ako sa office nito. "Yes?" si Daddy iyon. "Daddy, can I come in?" tanong ko. "Yes, my baby. Come here." Dahil super masunurin ako ay pumasok na ako agad. Nakaupo lang si daddy sa swivel chair niya habang nakatingin sa mga document niya. Somehow, naawa ako sa kanya. He's too busy working for me. Iyon ang sabi niya, for my future, pero heto't napakapasaway ko pa. "Daddy, do you want some coffee? Ipagtitimpla po kita," tanong ko sa kanya. Parang nakalimutan ko na kung ano ang pakay ko kanina kung bakit ako nagpunta rito. Minsan lang kasi kami magkita ni daddy dahil lagi itong busy sa trabaho niya. "Oh, yes, please. Thank you, Baby," maikling sagot niya. Agad naman akong pumunta sa kusina at ipinagtimpla siya ng kape. Si mommy ang laging gumagawa no'n sa kanya dati no'ng nabubuhay pa ito. Pero, siyempre nang mawala na si mommy ay wala na ring nag-aasikaso kay daddy, ako na lang. Supposedly, ako nga sana pero ang nangyayari ay ako na lang lagi ang inaasikaso ni daddy because of my sickness. Maya-maya ay bumalik na ako dala ang kape nito. "Here, daddy." Inabot ko na ang kape niya at ininom na niya agad iyon. "Hmm, it tastes so good. Thank you, my baby." Tapos napabuntong-hininga siya. "I remember your mom, I miss her so much." "Me too, Dad," sabi ko. Namatay si mommy dahil sa sakit sa puso at namana ko 'yon sa kanya. Kaya naman alagang-alaga ako ni daddy, ayaw niyang mawala rin ako sa kanya. "Kaya baby, please, behave now? Don't be so stubborn," sabi niya sa malungkot na boses. 'Yes, Dad," tugon ko. "So, why are you still awake? Have some problems with your tutor?" tanong niya, pag-iiba ng usapan. Alam kong ayaw na rin niya na maalala pa ang pagkamatay ni mommy. "Want to get rid of him now?" tanong nitong muli pero umiling lang ako. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin kay daddy na gusto kong makuha ang number ni Mr. Tocson. I want to know if he's thinking of me too. "So, you like him, huh?" tanong niya ulit. Tumango lang ako. "Well, that's good." Ngumiti siya ng malawak iyong parang nanunukso. "I knew it from the start that Mr. Tocson is the one for you." "Huh? Alam niyo po?" tanong ko. Ano pinagsasasabi ng matandang ito? Hay, si daddy talaga. "Yeah, alam kong siya lang ang may kayang magpatino sa matigas mong ulo." "Daddy! Matino na po ako, hindi na kailangan pa ng magpapatino sa akin," reklamo ko. Pero kung si Mr. Tocson naman ang magpapatino sa akin, why not coconut? Puwedeng-puwede naman. Sige na nga, pasaway na ako. "So, do you want me to fire him now?" tanong niya na may halong pananakot. Parang alam na alam niyang hindi ako papayag na tanggalin ito bilang tutor ko. Nag-pout lang ako ng lips. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, bakit ba ako inaasar ni daddy? Nakakainis! "Just kidding. Sleep now, Baby," sabi niya pero nanatili lang akong nakatayo at nakatitig sa kanya. Lahat talaga ng gusto ko ay ibinibigay ni daddy sa akin kasi mahal na mahal niya ako. "Hmmmm... Daddy?" "Yes?" "Can I get the contact number of Mr. Tocson?" tanong ko sa kanya. Finally, I said it. Nakakahiya kahit pa daddy ko siya. Baka sabihin niya pa ay may gusto ako kay Mr. Tocson.  "Why?" tanong naman niya. Hindi ba puwedeng huwag na lang tanungin kung bakit?  "Ah-ahmmm, I just want to thank him for..." naputol iyon dahil wala akong maisip na idahilan. "For?" "For... Ahmm... please! Daddy, I need it. I need his number. I need to call him kasi may sasabihin po ako." Gusto ko na lang na kainin na ako ng lupa sa sobrang hiya. "It's too late, Baby, madaling araw na. Magkikita naman kayo bukas, hindi ba?" tanong niya pa. Gusto ko lang talagang kausapin si Mr. Tocson. "I can't wait 'til tomorrow," pabulong kong sabi. Tatalikod na sana ako pero nagsalita ulit si daddy. "0926*******" Napangiti ako at agad na s-in-ave sa cellphone ko ang number ni Mr. Tocson. Hindi talaga ako kayang tiisin ng daddy ko. "Thanks, Daddy. I love you po! Good night!" sabi ko sabay nag-kiss at hug sa kanya. "Matulog na po kayo." "Good night, Baby." --- KANINA pa ako nakabalik dito sa kuwarto pero nagdadalawang-isip ako kung tatawagan ko nga ba itong tutor ko o hindi. Parang nakakahiya naman kasi na ako pa ang unang tatawag sa kanya pero... My oh-so-hot Tutor dialing... Nakailang ring din iyon bago niya sagutin. "Hello?" bungad niya na halatang kakagising lang dahil sa boses niya. "D-Did I disturb -yyou?" putol-putol kong tanong sa kanya. Matagal tumahimik ang kabilang linya. Ano na ang nangyari? "Are you still there?" "Ms. Joey? Is that you?" tanong niya. Natuwa naman ako dahil na-recognize niya ang boses ko. "Yes, it's me. Alam na alam mo ang boses ko, ah." "How can I forget that irritating voice?" pang-aasar niya. "You're so mean!" inis kong sagot. Ang sama talaga ng ugali ng lalaking ito! Ganito ba talaga siya sa mga magagandang babae? "Bakit ba napatawag ka? Madaling araw na, hindi mo ba alam, spoiled brat?" iritang tanong niya, lagi na lang siyang naiirita pagdating sa akin. "Alam ko po at hindi ako spoiled brat!" "Oh. I thought you are," sagot niya. Pinaiinit ba talaga niya ang dugo ko? "Ano na? Bakit ka tumawag? And how did you get my number?" "I got it from my dad." "Why?" "I just want to ask if..." "If?" napalunok ako. Kinakabahan akong tanungin siya. "If... if you mis—" hindi ko iyon matuloy. "I-If what are the lessons you will going to discuss tomorrow, because ahmm- ah... I-I want to know," sabi ko na lang. Gosh! I failed! Nice question! Kailan pa ba ako naging interesado sa idi-discuss niyang lessons? "Huh? Are you dead serious? You called to me just to ask if what lessons I'm going to discuss tomorrow? Are you stupid? Sinira mo ang tulog ko para lang d'yan," sigaw niya. Ang sakit lang sa tainga!  "Can't you wait for our class to know what will I discuss? You know, You-you are really a spo—" naputol 'yon ng magsalita ako. "I just want to know if you are thinking of me too," Napahikbi na ako, hindi naman niya kasi kailangang sumigaw. Honestly, hindi ko pa ito naranasan sa kahit na sino. Sa kanya lang ako nagkaganito. Gusto ko lang naman talaga malaman kung iniisip din ba niya ako. Hindi kasi ako makatulog. Ang sabi nila, kapag daw hindi ka raw makatulog, someone is thinking of you or dreaming of you. I just want to know if that's true. "W-What did y-you just say?" "You heard me, right? I don't want to repeat it again." "I want to hear it again,'' mahinahong sabi niya. Sa kalmadong boses niyang iyon ay napatigil ako sa paghikbi. Tila bigla itong bumait at naging kalmado. ''I said, I want to hear it again. Are you deaf?" tanong niya. Hindi ko alam pero nang narinig kong nagsalita muli siya ay awtomatikong napasunod ako sa inuutos niya. "I-I just want to know if y-you're thinking of me too," nahihiya kong sabi. Ewan ko ba kung bakit pagdating sa kanya ay nagkakaganito ako. It's the first time na nagtanong ako ng ganito sa isang lalaki. I've never felt this way before. What's in him that makes me act like this? Matagal siyang hindi sumagot, tila nag-iisip ito nang isasagot sa tanong ko. Nanatili naman akong tahimik sa kabilang linya. Hinihintay ko ang sagot niya. "Hmmmmmm..." Pabilis naman nang pabilis ang pagtibok ng puso ko sa kakahintay sa sasabihin niya. "Well, why would I think of you?" tugon niya. Napatulala na lang ako nang marinig iyon mula sa kanya.  Narinig ko na lang na nawala na ang tao sa kabilang linya. He hanged up pagkatapos niyang sabihin iyon. Ang sama-sama niya talaga kahit kailan! Hindi man lang siya marunong makaramdam ng feelings ng isang dalagang babae! Umaasa pa naman ako na iniisip niya rin ako. Naiinis akong humiga sa aking kama. Anong gagawin ko sa iyo, Mr. Tocson? "Aaaah!" napasigaw ako sa sobrang inis. You'll see, magsisisi ka! You should have said yes! --- TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD