Chapter 4

1044 Words
Hariette's POV "So, Ms. Joey? Tapos ka na bang pagpantasyahan ako? Can we proceed now with our topic?" sarkastikong tanong niya. "Wow! Bagyo ka lang?" sagot ko sa kanya na inayos na ang sarili ko kasabay ang pagtaas ng kilay ko sa kanya. Medyo mayabang pala ang bago kong tutor. "So, are you trying to tell me that I'm wrong? Na mali pala ang nasa isip ko?" tanong niya sabay lapit pa niya sa akin. "So, what's behind of that blushing face of yours, Ms. Joey?" dugtong pa niya na itinuro ang namumula ko ngang mga pisngi. Hinahamon ba niya ako at may paglapit effect pa siya sa akin? Aba! Aba! Akala ba niya ay papatalo na lang ako sa kanya ng basta-basta? Hindi. Ako si Hariette Joey Ruiz! "Ano nga ba ang nasa isip mo, Mr. Tocson? Can you tell me what is it?" This time ako naman ang lumapit sa kanya. 'Yong dahan-dahan para malakas ang dating. "Ehem. A-ahmm. Sa itsura mo kasi, I think you're dreaming of me... k-kissing you," tugon niya na umiwas ng tingin sa akin. Ang cute niya lang kapag nahihiya siya! "So, what's the matter, if I'm dreaming of you kissing me? Is there any problem with that? Is it bad, my-oh-so hot, tutor?" tanong ko sa kanya na nilambingan ko pa ang mga huling sinabi ko saka ako ngumiti sa kanya nang mapang-akit. Tumingin lang siya sa akin na parang nakagat naman siya ng ahas, nagbawi siya ng tingin at saka muling ibinalik sa akin ang mga tingin niya. Napapitlag ako ng maramdamang lumalapit na naman siya sa akin. Palapit na nang palapit ang mukha niya sa mukha ko saka siya muling nagsalita. "What I'm trying to say is... that kiss will never be happen again! Kaya huwag mo nang isipin iyon," madiin niyang sinabi 'yon saka lumayo sa akin. Seryoso ba siya? Hindi na raw mauulit 'yon samantalang umaasa pa naman ako na may susunod pa. Hinila ko lang siya bigla pagkatayo ko sa upuan ko kaso sa katangahan ko ay napatid ako roon sa may mesa. Na-out of balance ako kaya napadapa ako at naisama ko siya. Napaibabaw tuloy ako sa kanya at nadaganan ko siya. "Hmmm...So, can we continue what happened yesterday?" malambing kong sabi sa kanya habang nasa ibabaw niya ako. Nakita ko siyang namula na parang lahat ng dugo niya sa katawan ay umakyat patungo sa mukha niya at nagtipon sa magkabila niyang mga pisngi. Ang cute niya talaga. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Napalunok lang siya at nagpakurap-kurap ang mga mata. Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko. "So... who's dreaming between us about kissing, Mr. Tocson?" sabi ko sa kanya na pinipigilan ang pagtawa dahil sa naging reaksyon niya. Lalo tuloy siyang namula. Hindi ko alam kung dahil iyon sa kanina o dahil sa galit niya ngayon pero ang cute niya talaga. Ang cute niyang mahiya ng sobra. Nakaka-enjoy siyang pagmasdan. "One point, Hariette. Zero point, Mr. Tocson!" pang-aasar ko pa. Inalis niya ako sa pagkakadagan ko sa kanya at saka umupo. Ako naman ay ginaya siya at umupo rin. "Don't play with me, you spoiled brat!" sabi niya. "I'm not playing with you. Ikaw ang nag-umpisa nito at tinatapos ko lang po, " sagot ko saka ngumisi sa kanya ng nakakaloko. Ang sarap niya kasing inisin dahil ang bilis niyang mapikon. Tatayo na sana siya pero hinila ko ulit siya para mapalapit sa akin at saka ko siya k-in-iss sa pisngi. Dahil bata pa ako ay hanggang doon lang muna ang kaya kong ibigay sa kanya. Katulad nang ginawa niya kahapon nang halikan niya ako sa aking pisngi. And on second time around, nakita ko na naman siyang mamula. 'Yong parang kamatis na ang magkabila niyang mga pisngi at natulala siya. Napangiti na lang ako dahil feeling ko ay may effect ang kiss ko na iyon sa pisngi niya dahil naka-steady lang siya at hindi pa rin gumagalaw kaya naman muli ko siyang hinalikan sa kabilang pisngi niya. Makaganti lang ako ng bonggang-bongga sa pagnakaw niya ng halik sa akin kahapon. "Three points for that, Hariette," sabi ko sa sarili ko na tumayo na baka kasi kung saan pa makarating ang kiss ko. Bago pa man ako makalabas ng pinto ay nagsalita siya, "Where on the hell are you going, Ms. Joey?" sigaw niya sa akin na nakaupo pa rin doon sa sahig. Atleast, nakakapagsalita na siya. Lumingon ako sa kanya. "Ikukuha lang po kita ng malamig na tubig, nag-iinit ka kasi, Mr. Tocson!" sabi ko sa kanya na binigyan siya ng makahulugang ngiti. "This is crazy!" 'yan ang narinig ko nang tuluyan na akong lumabas ng pintuan. Natutuwa ako sa naging reaksyon niya dahil hindi lang pala ako ang naapektuhan ng karisma niya. Siya rin pala ay naapektuhan ng kagandahan ko. ---  KANINA pa ako nakahiga at kanina pa rin ako nakatitig sa pader. Nai-imagine ko na naman kasi 'yong pagba-blush ni 'Mr. Tocson ko' kaninang umaga. He's really cute! Hindi na naman ako makakatulog agad nito kakaisip sa kanya. Bakit nga ba hindi ko mapigilan ang isipin siya? Hindi ko alam kung bakit tila nahuhulog ang loob ko sa kanya kahit na kakakilala ko pa lang sa kanya at kahit na masungit pa ito sa akin. Siya lang kasi ang tutor ko na hindi nagpapadala sa gusto kong mangyari. Siya lang ang tutor ko na hindi ko napapasunod kundi tumataliwas pa sa mga inuutos ko. Siya lang din ang lalaking nagparamdam sa akin na hindi lahat ay makukuha ko na lang dahil ginusto ko. Kakaiba siya sa mga nakilala ko. Sa kanya lang ako nakaramdam ng ganoon kaya naman sobrang naaliw ako sa kanya. Natutuwa akong makilala siya at maging tutor ko. Napangiti ako nang maalala ang sinabi ng daddy ko. Siya raw ang tutor ko na magpapatino sa katigasan ng aking ulo. Mukha ngang magkakatotoo ang sinabi ng daddy ko. Mukhang kay Mr. Tocson nga titino si Hariette Joey Ruiz. Kinilig ako sa isipin iyon. Kinikilig ako sa tuwing naiisip ko siya at sana ay ganoon rin siya sa akin. Iniisip niya rin kaya ako kagaya ng naiisip ko siya ngayon? Napabalikwas ako sa higaan. Kailangan kong malaman kasi kung hindi ay parang hindi ako makakatulog ng gabing iyon. --- TO BE CONTINUED
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD