Chapter 3

1310 Words
HARIETTE'S POV Hindi ko alam kung bakit ko iyon nasabi sa lalaking nasa harapan ko. Kahit alam ko naman na hindi talaga siya bakla. Sa inaakto niya kasi ay nainis ako. Naiinis talaga ako kaya naman gusto ko lang din sana na inisin siya. Nagulat ako dahil sa isang iglap ay nasa harapan ko na si Sean at hawak na niya ang kamay ko sa may bandang pulso. Ang higpit ng pagkakahawak niya roon. "What did you say?" tiim bagang tanong niya. Nakatingin siya sa akin ng diretso. Mas nanaisin ko pa atang kainin nalang ng buhay ng buwaya kaysa unti-unting maupos ng parang sigarilyo sa titig niya. Nakakatakot! "Ah.. Ahmm, you're g-gay." Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin ulit ang mga katagang iyon sa kanya kahit na nanginginig na ako sa takot dahil sa lalaki. Parang kanina lang mukha siyang anghel pero ngayon mukha na siyang devil. Naramdaman kong lalong humigpit ang pagkakahawak ni Sean sa braso ko. "I-Iyong braso ko..." Pilit niyang inaalis ang mahigpit na hawak nito. Nagtagis ang mga ngipin ni Sean saka niya ako isinandal sa may pinto. "A gay, huh?" ulit niya saka niya inilapit unti-unti ang mukha niya sa aking mukha. Para namang naparalisa ako ng mga sandaling iyon. Hindi ako makagalaw o makaiwas man lang kahit alam ko naman na kung ano ang mangyayari. Napalunok ako at unti-unti ay naramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Hinalikan niya ako. Ang first kiss ko! He stole my first ever kiss! Tumagal 'yon about ten seconds siguro at ganoon din katagal nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Sa isang iglap ay nawala ang first kiss ko... Iyon ang first kiss ko sa gilid ng aking mga labi. Lumayo na ang lalaki sa akin. Napalunok ako nang makita ang mukha niya. Ang walang emosyong itsura ng mukha ni Sean na galit pa rin. Dali-dali siyang lumabas ng gate at sumakay sa motor niya roon. Iniwan ako ng lalaki na nakatulala at nanginginig pa rin. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa takot o sa gulat dahil sa halik niya sa akin.  Maybe, both? Nakakapanghina pala ang halik dahil kahit na sa gilid lang iyon ng mga labi ko ay ramdam na ramdam ko pa rin ang mga labi niya sa akin. Bakit nga ba sa gilid lang ng mga labi ko? sigaw ng malandi kong utak.  --- NINE na ng umaga at ngayon lang ako naging. Talagang antok na antok pa ako dahil hindi ako pinatulog ng 'Magna' kong Tutor. Magnanakaw ng halik. Nawala na tuloy ang first kiss ko. Until now kasi ay parang nakadikit pa rin sa labi ko 'yong labi niya dahil nararamdaman ko pa rin iyon ng malinaw. Hay. Baliw na ba ako? Nabalik ako sa realidad. Nagmamadali akong naligo at ginawa ang mga ritwal ko sa buong katawan. Nagmadali rin ako sa pagbibihis dahil ang tagal bago ako nakapili ng damit na susuotin ko ngayon. Kailangan ay maging magandang-maganda pa ako lalo sa paningin ng Tutor ko. Iyong tipong makalaglag brief and what-so-ever eklavu chuvachuchu. Nang matapos na akong mag-ayos ay dali-dali akong bumaba at nagpunta sa sala dahil late na ako. Oh, yes! I am late. Thirty minutes late na ako sa klase namin. Patay ako nito! Katulad ng inaasahan ko ay nandoon si Sean, nakaupo sa sala, at tingin nang tingin sa relo niya. Naku, lagot ako! Pero okay lang dahil sulit naman ang paghihintay niya sa kanyang prinsesa dahil magandang-maganda na ako. "Hello, Goodmorning!" malambing kong bati sa lalaki. Nagbabakasakaling makalimutan niya late ako. "What's good in the morning if you're thirty-five minutes and forty-five seconds late, Ms. Joey?" supladong sagot ni Sean sa akin matapos tumingin sa relo niya. Talagang kinalkula pa niya iyon. Ang aga-aga ay badmood na agad siya! Nagpaganda nga ako para sa kanya tapos magagalit siya agad. Hay! "Don't call me by my second name, Sean! I don't like it." I said. Naiinis ako dahil ayaw na ayaw ko na tinatawag ako na 'Joey' dahil panlalaki ang pangalan na iyon samantalang, babaeng-babae naman ako. "You can't just dictate what I'm gonna say. Yes, I'm just your Tutor but not your slave. Never, Ms. Joey." madrama niyang sagot sabay tinalikuran ako at naglakad na patungo sa mini classroom namin. "Hey! wait for me." Habol ko sa lalaki na hinawakan ko pa sa braso niya. Pero agad rin iyong binawi ng lalaki mula sa akin. May nakakahawa ba akong sakit at kung makailag naman siya sa akin ay gano'n na lang? Hahawak lang naman ako pero kung makaiwas siya sa akin ay wagas. Ang sama lagi ng aura niya pagdating sa akin. "Don't touch me, sundan mo lang ako," tumalikod ulit siya pagkasabi no'n. Ano bang problema niya? May period ba siya ngayon? Is he still mad at me because of what happened yesterday? 'Di ba, dapat ako nga iyong magalit dahil ako ang nawalan ng first kiss at siya ang stealer no'n? Bakit kung maka-emote siya ay parang siya pa ang agrabyado sa aming dalawa? Halikan ko kaya siya! Dahil sa mabait na bata naman ako nang araw na iyon ay sumunod na lang ako sa masungit na lalaking ito. Ayaw ko namang mag-alboroto pa sa galit ang Tutor ko kapag nagmatigas pa ako. Mahirap na at baka halikan niya ako ulit. Hindi pa rin nawawala sa isip ko iyon. Pagkaupo ko sa isang desk doon ay agad namang naglabas si Sean ng libro at nagsulat sa may blackboard. Maya-maya ay nagsimula na siyang magturo ng first lesson nila. Kaninang-kanina pa salita nang salita ang lalaki pero wala roon ang isip ko. Hindi ko naiitindihan ang itinuturo niya sa akin. Ni hindi nga man lang pumapasok sa tainga ko ang mga sinasabi niya. Hay. Heto na nga ba ang sinasabi ko, eh. Hindi rin pala ako makakapag-aral. Ang akala ko pa naman, kapag 'guwapo' at 'hot' na ang Tutor ko ay makakapag-focus na ako ng maigi sa pag-aaral ko ng mga lessons sa school, pero lalo lang lumala ang sitwasyon dahil mas nagfo-focus lang ako na titigan ito. Hindi para laitin o bilangin ang mga kapintasan ng lalaki sa katawan dahil wala naman akong makita sa kanya no'n maliban lang sa ugali nitong masungit. Mas nagfo-focus akong pagpantasyahan siya na kasama ko sa aking Dreamland. Kung saan lahat, puwede. Lahat masaya. Lahat perpekto. Iyong tipong si Sean iyong Prince at ako ang magandang Princess niya. And we lived happily ever after. The end. Oh, 'di ba? Ang saya ko lang. Napangiti ako sa isiping iyon habang nakapangalumbaba sa may desk. Nakatingin lang ako sa lalaki na patuloy pa rin sa pagsasalita kahit hindi naman ako nakikinig. Naalala ko tuloy iyong nangyari kahapon. No'ng isinandal niya ako bigla sa may pinto tapos unti-unti na niyang inilapit ang mukha niya sa akin saka niya ako hinalikan ng dahan-dahan. Waaah. Nag-iinit ng sobra ang mga pisngi ko sa sobrang kilig! Na-imagine ko pa na napayakap ako sa lalaki at niyakap din niya ako ng mahigpit na mahigpit na parang hindi na niya ako papakawalan pa. Napamulat ako ng aking mga mata nang maramdaman ko na ang sarili ko lang pala ang akng kayakap sa sandaling iyon. Para akong tanga dahil napanguso na rin pala ako na tila may iki-kiss. Umagang-umaga ay kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko dahil kay Sean. Kasalanan kasi ito ng Tutor na ito, eh. Kung hindi niya ninakaw ang first kiss ko, eh, 'di sana hindi ko na naiisip ang mga iyon! Nagulat ako nang mabalik ako sa aking diwa at makita ang nasa harapan kong lalaki na nakakunot ang noo pero guwapo pa rin talaga. Ang tutor ko. Nakanguso pa rin ako ng mga sandalingniyon habang ang lalaki naman ay nakatitig lang sa akin na tila nagtataka sa ginagawa ko. Nahuli niya ako! Ang awkward!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD