Hariette's POV
Sa school namin ay ako ang tinaguriang Campus Princess at lahat ng kalalakihan doon ay nagkakandarapa sa akin. Pati nga ang mga naging tutor ko ay gandang-ganda sa akin.
"I'm just telling the truth. Bawal magsinungaling," sagot ni Sean na hindi man lang inaalala ang mararamdaman ko na mangiyak-ngiyak na roon dahil sa sinabi biya.
"Are you crying?" tanong niya sa akin habang nakakunot ang noo nang mapansin niya ang pamumula ng aking mga mata. "Para iyon lang ay umiiyak ka na?"
"Oh, Yes! I am!" sigaw ko naman habang nag-iiyak-iyakan pa rin para aluin ako ng binata.
Parang nahulaan naman niya na nagkukunwari lang ako dahil biglang sumungit na naman aura niya.
"Hindi mo ko makukuha sa pag-iyak-iyak mo riyan! Ni wala ka ngang luha at hindi ka naman talaga maganda. Para kang bata kung umasta," sabi pa niya.
Napatigil ako sa paghikbi at bigla na lang akong sumalampak sa sahig at naglupasay doon ng parang bata. "Waaaaah!" pagngawa ko na rinig sa buong bahay sa lakas.
"Hey! What are you doing? Tumayo ka nga r'yan!" nataranta naman si Sean at lumapit sa akin pero sa halip na itayo ako mula sa pagkakasalampak sa sahig ay sinipa lang niya ako ng bahagya. Hindi pa rin ako tumitinag at pinagpatuloy ko pa rin ang aking pagngawa.
"Stop it! You're so annoying! Ano ka ba? Bata ka ba?"
"Sabihin mo muna na maganda ako." Naghikbi-hikbian pa rin ako. Hindi ako magpapatalo sa kanya. Gusto kong mapasunod ang lalaki sa mga kamay ko.
"Never! Manigas ka riyan sa pag-iyak mo hanggang magsawa ka!" matigas na pagtanggi ng lalaki.
"I will!" sagot ko sa kanya. "Hanggang sa marinig ng lahat ng maids namin at isumbong ka nila kay daddy for making her pretty princess cry!" banta ko.
"Go ahead! Do what you want! Hindi ako natatakot sa iyo. Para kang bata na ewan, act like you are a seventeen-year-old girl!" sagot naman niya.
Hindi pa rin ako susuko na mapasunod siya. "Waaaaah!" Nagpatuloy ako sa pagngawa at sinigurado ko pa na mas malakas pa iyon kaysa sa kanina para tuluyan na talaga siyang mainis sa akin. "Waaah..."
"Hey! Will you shut up your mouth?" Tinakpan ni Sean ang magkabila niyang tainga, halatang rinding-rindi na talaga siya dahil sa pagmamatigas ko. Hindi siguro niya inaasahan iyon mula sa akin.
"Waaaaah!" Hindi pa rin ako tumigil at lalo pang inilakas ang pagngawa ko.
"Fine! I'll say it, just stop and shut up!" pagsuko niya.
Bumakas naman sa mukha ko ang kasiyahan dahil nagtagumpay ako sa plano ko.
"Okay. Say it, say it, say it! I'm waiting!" excited na sabi ko.
Napabuntong-hininga pa si Sean bago siya nagsalita.
"Maganda ako!" diretsang sabi niya sa akin ng walang kurap-kurap. "So, are you happy now?"
"What?" Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig. "Don't tell me, you are... you are gay? Gosh. Bakit hindi ko kaagad nahalata?
Sa sobrang inis ng lalaki ay binatukan siya nito.
"Ouch!! How dare you! Bakit mo ko binatukan? Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatan para gawin 'yon sa akin, huh?" sigaw ko sa kanya na hinawakan ang bahagi ng ulo kong binatukan niya. Kahit mahina lang iyon ay binatukan pa rin niya ako.
"Yang katangahan mo! Anak ka ba talaga ni Mr. Ruiz o ampon ka lang siguro? You're so slow, I can't believe this." Napailing-iling pa ito.
"Gosh! Bading ka nga?" Napatakip ako ng aking bibig. Kung kanina'y abot langit ang pagpapantasya ko sa lalaki, ngayon naman ay kinikilabutan na akong isipin iyon.
"Nagtatanga-tangahan ka lang ba o inborn na 'yan? Ikaw itong nagsabi sa akin na sabihin ko ang mga salitang 'yon tapos ngayon tatanungin mo ako kung bakla ako? Gaano ba kaliit 'yang utak mo?" sigaw na naman niya.
"Oh. I got it!" Napangiti ako. "So, you're not a gay, right?" Nagpakurap-kurap pa ako at nagpapa-cute sa lalaki.
"Stop saying that, will you?" Halatang naiirita na ang lalaki.
"Nagtatanong lang namin kasi ako, ayaw mo pa sagutin," sagot ko sa kanya at saka ako nag-pout ng lips ko.
"I'm not gay, okay? Happy?"
"Yes! I'm happy!" sagot ko naman na ngiting-ngiti.
SEAN'S POV
Napahawak na lang ako sa aking noo. Nabanggit na sa akin ni Mr. Ruiz ang kakulitan at pagiging pasaway ng anak nito pero hindi ko ine-expect na mas malala pa pala ito sa inaasahan ko. Nakakaubos ng pasensiya! Bakit ko nga ba tinanggap ang trabahong ito kahit hindi ko naman kailangan?
"Let's go," aya niya sakin, sabay kapit pa niya sa braso ko at hinila ako. Close ba kami?
"Huwag ka ngang kumapit sa akin!" Tinanggal ko ang pagkapit ang braso niyang nakakawit sa akin at nagpatiuna na akong maglakad papunta sa room. May sarili kasi itong mini class room na ipinagawa talaga ni Mr. Ruiz para sa anak nito.
Naramdaman ko na lang na may humawak sa kamay ko. Ang kulit niya talaga! Konti na lang at mapupuno na talaga ko sa batang ito.
"I said, don—" naputol 'yon ng magsalita ang babae.
"Sabi mo, huwag akong kumapit sa iyo. Nakahawak lang naman ako," paliwanag niya at muling nag-pout ng lips.
"Bakit ba ang kulit mong bata ka?" inis na tanong ko.
"Hindi na ako bata, dalaga na ako! Saka gusto kasi kita kaya pasalamat ka sa akin," diretsong sabi niya.
"Hindi naman kita gusto kaya no, thanks," sagot ko pero lalo lang niyang ikinapit ang kamay niya sa braso ko. Konti na lang talaga at mauubusan na ako ng pasensiya sa batang ito.
"Gugustuhin mo rin ako." Tatanggalin ko na sana ang kamay niya ng bigla niya akong hilahin palabas ng bahay nila.
"Teka! Ano ba? Saan mo balak pumunta?"
"We are going to eat our breakfast together, nagugutom na kasi ko. Okay ba iyon?" Hinimas pa niya ang tiyan niya.
"Don't you know what time is it? It's ten am, it's the time for our first class tutorial and not the time to eat your breakfast."
"I'm hungry. Hindi ako makakapag-focus ng maayos sa ituturo mo sa akin. So, let's go..." Hinila niya ako ulit palabas.
"Then, you better eat alone." Sabay bawi ko ng aking kamay mula sa babae.
Natigilan siya na parang nasaktan ata sa pagkakahila ko ng kamay ko mula sa kanya. Hindi ko naman iyon sinasadya. Tinalikuran ko na siya at babalik na sana ako sa loob ng bahay nang magsalita siya.
"You're totally gay!" sigaw ni Hariette. "Ang sama mo! You don't even know how to respect a girl like me! Wala ka man lang pagiging gentleman sa katawan mo kahit kaunti! You're a gay! A gay! A gay! A gay!" pinagdiinan pa niya ang huling sinabi.
Narindi ang tainga ko sa aking mga narinig. Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay ang sinisigawan ako at ang sinasabihan ako ng ganon. Lalo na at manggagaling lang 'yon sa isang isip bata at walang alam sa mundo na katulad niya!
---
TO BE CONTINUED