Hariette's POV
“Baby, wake up!” paggising ni daddy sa akin. Kanina pa siya kumakatok sa kuwarto ko pero hindi ko pa rin siya pinagbubuksan hanggang ngayon. Tiyak na nag-aalala na ang matanda sa akin.
“What’s going on, Dad?” tanong ko ng hindi man lang iminumulat ang mga mata ko. Antok na antok pa rin ako dahil madaling araw na ako nang umuwi kanina galing sa bar kasama ko si Darille, pinuyat ako ng bakla kong kaibigan.
“C’mon baby! Don’t you know what time is it now?” napapailing na tanong ng matanda.
“No, Dad. Can’t you see, I just woke up because of your voice,” sagot ko naman.
“Did I scare you, baby?” kunwaring tanong niya. “It’s time for your class tutorial. So, take your bath now! I want to introduce to you your twelveth Tutor,” diniinan niya ang mga huling salitang sinabi sa akin
Another one? Napabuntong-hininga ako. Lahat kasi ng naging Tutor ko ay hindi nagtatagal. Ang pinakamatagal na nagtiyaga sa akin ay umabot lang ng limang araw pero sumuko rin agad.
Hindi ko kasi sinisipot ang mga naging tutor ko during our class o kaya naman ay sinesisante ko na agad sila first meeting palang namin. Hindi naman sa mga palpak ang mga ito pero, lahat kasi sila sa paningin ko ay hindi kaaya-aya. Hindi ako makapag-concentrate sa itinuturo nila dahil mas nag-fo-focus ako sa pagbibilang ng mga kapintasan sa katawan ng mga naging Tutor ko.
Most of them ay parang mga asong sumusunod lang sa utos ko para lang magtagal sa pagiging Tutor ko dahil nga sa malaking suweldong ino-offer ng daddy ko. Naiinis ako dahil alam ko naman na pinakikisamahan lang nila ako dahil sa pera. Sa pera na ibinigay ng daddy ko.
“Go, take a bath now! Hurry!” pilit ng daddy ko nang mapansing hindi pa ako natinag.
“Dad, please. I’m so tired of them.” Nagpaawa ako sa kanya. Ayaw na kasi niya manatili sa loob lang ng bahay. “Why don’t you let me come back to school instead of a home class? I’ll promise naman, I’ll behave this time. Please…” Tinaas ko pa ang aking kanang kamay tanda ng nangangako ako sa kanya.
Tila napaisip naman siya kaya napangiti ako sa aking isipan. Kapag pumayag na si daddy na bumalik ako sa school ay magpapa-party talaga ako. I was so tired of staying here alone at home.
“I don’t think that’s a good idea, baby! I said, six months ka munang magho-home school, right? Pero wala pang isang buwan ka nandito sa bahay. Go, now!” sagot nito na iginiya ako papasok sa loob hanggang sa pintuan ng bathroom ko.
“But, Dadd—"
“No buts, Hariette. Don’t be stubborn or do you want me to get your credit cards and cars?” pananakot niya sa akin.
Alam ko na hindi naman magagawa ‘yon ng aking ama dahil hindi niya ako matitiis pero may bahagi sa utak ko na nagsasabing pumayag na lamang ako sa gusto niya sa ngayon.
“Okay fine, old man! Six months and I’ll come back to school but don’t be surprised if tomorrow or the next day, I’ll kick him out!”
Nagkibit-balikat lang ito na para bang confident na hindi ko iyon magagawa sa pagkakataong iyon.
“Ano na naman kaya ang itsura ng tutor ko?” tanong ko habang naliligo.
A geek with many pimples like a frog. A nerd as petite like a matchstick. A creature with a creepy voice like a monster. Kung anu-ano ang nasa imahinasyon ko. Nang makapagbihis na at makapag-ayos ay bumaba na ako sa sala namin kung saan nandoon ang daddy ko na may kausap na isang lalaki.
“Come here, nandito na ang bago mong Tutor.” Lumapit sa akin si daddy na pilit akong nilalambing dahil alam naman nitong napilitan lang ako.
Nakatirik lang ang mga mata ko habang papalapit sa nakatalikod na lalaki.
“Mr. Tocson, here’s my unica hija... Ms. Hariette Joey Ruiz,” pagpapakilala nito sa akin. “Hariette, this is Mr. Sean Waynard Tocson your Tutor for six months."
Para namang nalaglag ang panga ko sa sahig at gusto rin atang tumulo ng laway ko dahil sa lalaking nakatayo sa harapan ko. Perfect ang singkit na mata nito. Nakakatunaw tumingin... Matangos ang ilong. Ang sarap hawakan. Makinis ang mukha at maganda ang balat. Greek god! May mapupulang labi. Kissable lips. May matipuno ring katawan. Siguradong may perfect abs. Binagayan pa ng katangkaran nito na nagpalunok sa kanya. He’s a certified hot, gorgeous and irresistible heartthrob!
“Hello, Ms. Hariette. Nice meeting you,” pagbati niya kasabay lahad ng kaliwang kamay sa akin.
Pati ang boses niya, ang cool... Gumanda ata ang pangalan ko dahil siya ang nagsabi no’n.
“Hija? Nangagawit na si Mr. Tocson kahihintay sa kamay mo,” singit ng Daddy ko.
“O-oh. H-hi Mr. Tocson... Nice meeting you too my – my oh-so-hot tutor.”
Katulad ng pagkagulat na nakita ko sa mukha nitong guwapong tutor na nasa harapan ko ng sandaling iyon ay gano'n din ang pagkagulat ko.
Nakakahiya! Bakit ko nasabi iyon? Bakit mayroon pang "hot" na kasama. Baka tuloy isipin ng lalaki na pinagpapantasyahan ko siya agad-agad kahit ang totoo no'n ay ganoon na nga.
"Nako, Mr. Tocson. Nagbibiro lang ang anak ko," ang daddy ko ang nagsalita, sabay tawa na lang nito na nagulat rin sa sinabi ko. Sinagip ako ni daddy mula sa kahihiyan! I love you, Dad! But I'm not kidding, he's totally hot!
"Oo nga po, mapagbiro pala ang anak niyo, Mr. Ruiz," sagot naman niya na nakitawa na rin sa ama ko.
Nakita ko tuloy ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin na nagbigay lalo ng dating sa kanya. Lalo siyang gumuwapo sa paningin ko. Gosh, kailan ba ako makakakita ng mali sa kanya? Ang ngiti niya ay nakakahimatay, para siyang isang model o isang webtoon character.
"So, Mr. Tocson mauuna na ako sa inyo. Ikaw na ang bahala sa anak ko. Patinuin mo," paalam ng daddy ko.
"Sure, Mr. Ruiz. I will."
Sabay tapik naman ng matanda sa balikat ko, pamamaalam nito sa akin. "Hija, mauna na ako."
Matagal nang nakaalis ang daddy ko pero heto't tulala pa rin ako, hindi matinag sa kinatatayuan ko. Naka-steady lang ako roon at hindi rin makapagsalita.
"Come on, don't just stare at me like you saw a Greek God," pagbasag ng lalaki sa harapan ko ng katahimikan sa aming dalawa.
"Come on, don't just stare at me like you saw a Greek God."
Paulit-ulit lang 'yon sa utak ko dahil hindi ako makapaniwalang nasabi niya iyon.
May taglay din palang kayabangan ang lalaking ito! Napakahangin!
"Hey, didn't you hear me? Are you deaf?" tanong niya sa akin nang hindi man lang ako natinag sa kinatatayuan ko. "Hey!" sigaw niya. Natauhan naman ako nang sigawan siya ng lalaki.
"Don't shout at me! I'm not deaf, I'm just a pretty girl!" sagot ko.
"Pretty? Nagpapatawa ka ba?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na animo'y ineeksamin ang katawan ko.
"Bakit? Hindi ba ako maganda?" mataray kong tanong.
"Definitely not!" Tiningnan niya ako ulit mula ulo hanggang paa sabay iling, "A big no!" Saka nag-smirk sa akin.
"How can? H-How can you say that to me?" Mangiyak-ngiyak ako sa narinig. Sa pagkakatanda ko kasi ay ang lalaking nasa harapan ko palang ang kauna-unahang lalaking nagsabi na hindi ako maganda. At hindi ko matanggap iyon lalo na at nanggaling iyon sa taong crush ko! Oo, crush ko siya. Crush ko ang bago kong tutor!
---
TO BE CONTINUED