Nagsimula na kami sa activity hindi na delikado ang pinagawa sa amin at nagpunta kami sa market para bumili ng sangkap sa pagluluto. Ang pangalawang activity na binigay sa amin magluto ng pagkain para sa partner namin hindi pa naman ako marunong magluto ng may sabaw. Binilinan kami na huwag humingi ng tulong sa pamilya namin kaya iniiwasan kong mag-text may sumasagi sa isip ko na gusto kong i-luto. "May naisip ka ng iluto, brad?" pagtatanong ni Mat sa tabi ko kasama ko ang mga kaibigan ko para bumili. "Wala pa, brad blangko nga eh wala akong maisip," sambit ko sa kanilang tatlo naghahanap lang kami ng sangkap na ilalagay sa iluluto namin. Bumili na lang ako ng isdang tilapia at bagus mabuti naalala ko ang niluluto ni Mama sa pamilya namin. Sinamahan ko na rin ang mga kaibigan ko bumil

