Nasa parking ako ng makita ko si Rebecca pasakay sa kotse ni Sebastian, nakaramdam ako ng konting kirot sa puso ko di ko alam kung bakit. "Miss." Napatingin ako kay manong na inaantay akong sumakay. "Lets go." Pagkasabi ko nun sumakay na ako ng kotse. Tiningnan ko pa ang kotse ni Sebastian bago kame makaalis sa lugar na yun. ° Bumaba ako ng kwarto para sana kunin yung inorder ko nang mapansin kong andun sila kuya sa sala kasama sila Sebastian, kaya yung katulong nalang muna namin inutusan ko para kunin yung order kong pagkain. Mukhang seryoso kase sila nag uusap kaya gusto ko pakinggan pinaguusapan nila. "Teka lang baka nakakalimutan mo kung ano yung kaya niyang gawin." Galit na sabi ni Vince dito. Andito din pala sila ni Jacob akala ko silang apat lang. "Bakit ba kase kailangan m

