Nagmadali akong maligo dahil late na ako nakagising, dahil sa sobrang taranta ko pati phone ko di kona nadala. Pagbaba ko sinalubong agad ako ni kuya. "Are you still mad?" Tanong nito sa akin "Let me think about it." Aalis na sana ako pero pinigilan ako ni kuya. "Let him drive you." I just rolled my eyes alam kona yung ibig nitong sabihin. Kaya paglabas ko kotse agad nito ang napansin ko sa labas ng bahay namin. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya sumakay na ako sa kotse nito. Tahimik lang ang byahe namin, walang gusto magsalita kahit ako ayoko nuh. Asa siya! Dapat siya una mamansin. Pagbaba ko ng kotse nito nung narating na namin ang University dun pa siya nagsalita. "Aantayin kita dito mamaya." Napangiti ako ng hindi niya nakikita nagsimula na ako maglakad ng di siya nililingon.

