Celestine Pinahinto ko si Edward nung mapansin kong malapit na ito sa Village namin, ayoko kase magtiwala baka kase pinagloloko lang ako nito. Bago ako bumaba hinarap ko muna ito. "Why?" Napakunot noo pa ito sa tanong. "Mukhang nasabi kona ata lahat uh." Pabiro pa nitong sabi. "I mean bakit dinukot mo ako? Bakit ako lang?" Bigla itong ngumiti "Remember nung nilusob niyo kame? You saw me smiling right? I was stunned by your beauty kaya nga di ko masisisi na pinag aagawan ka ng dalawa." Napailing ako sa sinabi nito. "And also alam kong makikinig ka sa sasabihin ko kase pag sila yung dinukot ko baka suntukan lang magagawa namin sa tatlong oras." Natatawa nitong sabi. "Thank you hindi mo ako sinaktan." Sabi ko pa dito. "Bakit naman kita sasaktan baka sarili ko pa yung saktan ko kapag na

