Michelle Pagdating ko sa bahay naabutan ko si kuya nakaupo sa sala. "Michelle." Kaya napatigil ako at hinarap ko ito. "Yes?" "Why did you act like that all of the sudden?" Tanong ni kuya tumayo ito at hinarap niya ako. "What do you mean?" "Sinadya mo ba ang lahat? When you text me na pinapasabay ako ni Cj na maglunch, si Cj ba talaga ang may sabi nun o ikaw?" "Kuya." "So you knew na sasabay si Sebastian sa inyo at pinasama mo pa ako. For what? Para pag awayin si Cj at Sebastian? Alam mong sila na pero pinagmukha mo akong tanga para lang sayo?" "Kuya hindi sa-" "Stop making excuses! What happen to you? Hindi ka ganun klaseng tao pero why did you act like that? Diba kaibigan mo si Cj?" Umiling ako. "Ewan ko kung bakit hindi ko matanggap na sila na, akala ko kase okay na ako pero n

