Chapter 2

1375 Words
"CJ?" Napalingon ako sa nagsabi ng Cj. "Kuya." "Kuya? Kapatid mo siya?" Gulat pang tanong ng lalaking kaaway ko. Tumango si Kuya "Oo, siya si Cj na sinasabi ko sa inyo na umuwi na galing province." "No way!" "At bakit naman?" Inis kong tanong dito. Tumawa si Kuya sa sitwasyon namin. "Cj his Sebastian Sawyer short for Basti" pagpapakilala niya sa lalaking kaaway ko, Inirapan ko lang siya. "At ito naman si Carter" turo niya sa sumingit sa away namin kanina "Last but not the least his Franky the silent type." Obvious naman dahil parang kanina pa itong tahimik.  Tanong ko nung nakaupo na kame."Sila ba mga kaibigan mo?" "Oo at anong masama dun?" Sagot naman ni Sebastian. Napatingin ako dito "Ikaw ba tinatanong ko? Manahimik ka, sasagot ka kung ikaw yung kinakausap." Inis kong sita dito. Tumawa si Carter "Yun oh! Nakahanap ng katapat." "Shut up!" Sabay naming sabi ni Sebastian kay Carter. Nagkatinginan kame muli dahil sa sabay naming salita at nag irapan muli kame. "Ssssh. Andito na yung order" singit ni Kuya. "Your favorite, Mocha Coffee" sabi ni Kuya pagkaabot sa akin. "Uy Mocha din favorite mo, Basti. Meant to be?"  Tiningnan ng masama ni Sebastian si Carter kaya nanahimik nalang ito ★ Pagkadating namin sa bahay, hinarap ko agad si Kuya. "Kuya umamin ka nga di ka parin ba umaalis?" Bigla ito napatigil at napatingin sa akin, di ito nakasagot. "Kuya naman, yan yung dahilan kung bakit namatay si Kuya Kianno. Gusto mo ba masundan?" "Konti nalang Cj, malalaman kona kung sino gumawa nun sa kambal ko." "No Kuya, that's not the right reason for you not to leave. Dahil paghihiganti ang gusto mo hindi hustisya!" "Revenge or justice is just the same." Umiling ako "Alam ba ito nila Papa?" "Ang alin?" Sabay kame napalingon ni Kuya sa pagsalita ni Papa. "Pa." Sambit ko. Lumapit ako dito at niyakap ko sila nila Mama. "I miss you two." "We also miss you honey, buti tinanggap mona ang hiling namin ng mama mo ang pagstay dito." Mom kiss me in the forehead. "Wait ano yung pinag uusapan niyo?" Biglang tanong ni Papa. Nagkatinginan kame ni Kuya "M-may group study si Kuya ngayon, kaya tanong ko kung alam niyo ba ni Mama ang tungkol dito." Nauutal kong sabi. Tumawa sila Mama "Malalaki na kayo alam niyo na ano ang dapat niyo gawin at alam niyo na ang tama o mali. Kaya okay lang na mag group study kayo." Sagot ni Mama. "Thanks Ma. Kaso inurong na namin bukas nalang sa school dahil yung iba di makapunta." Napatango sila Mama sa sinabi ni Kuya. Nagpaalam na kame na magsipasok kame sa sarili naming kwarto. Bago pa ako makapasok pinigilan ako ni Kuya. "Thank you." Tiningnan ko lang ito at pumasok na agad ako sa kwarto. Kuya Kianno is the twin of Kuya Kleindrix, Kuya Kianno died because he was a gangster, that's what they said because he was in a dispute with another group until he was killed, nakita nalang namin ang katawan nito sa kotse nito na wala ng buhay. Kaya ayokong makarinig ang tungkol sa gangster-gangster na yan. At masakit sa akin na hanggang ngayon di parin umaalis si Kuya KD sa pagiging gangster nito. Ayoko darating ang araw eh siya naman ang mawawala sa amin at ayoko ng mangyari yun. ★ Sabay na kaming pumunta sa school ni Kuya di ko parin siya pinapansin dahil mabigat parin sa damdamin ko na hanggang ngayon gangster parin ito. Pagdating ko sa room nagulat ako ng may humila sa buhok ko. "Aray" sigaw ko, dahil ang sakit ng pagkahila nito. "Nilalandi mo ba silang apat?" Galit na sabi nung humila sa buhok ko. Pagkakaalam ko siya si Rebecca leader ng barkada nito. "Sinong apat?" "Aba maang-maangan ka pa." Singit ni Emma na kaibigan nito, inilabas nito ang phone nito at may pinakita itong picture na kasama ko sila Kuya sa Coffee shop. Eto yung ayoko kasama si Kuya pinagkakamalan akong girlfriend nito at ako tong kawawa eh. "Hindi ko sila nilalandi."  "Kausapin niyo nalang siya ng maayos di sa ganitong paraan" Suway ni Amy kila Rebecca Nagulat si Michelle na kakapasok lang sa room, pinalo nito ang kamay ni Rebecca na hila hila ang buhok ko. Napabitaw naman ito "Hayop ka talaga Michelle! Wala akong pake kung Kuya mo si Lennon baka gusto mo matulog sa Cr." "Kawawa naman yung tao, tatlo kayo isa lang siya." "Eh kung di niya sana nilalandi sila Sebastian edi sana di siya makakatikim sa akin." "Andito na ang Prof.." Naupo silang lahat, huminga ako ng malalim bago umupo sa upuan namin. Parang wala lang nangyari, haaaays. Pagpasok ni Prof, ako agad tiningnan nito. "I forgot yesterday to let you introduce yourself. So can you introduce yourself?" Tumango ako at tumayo "My name is Celestine Joanne Almendras." Pagkatapos ko banggitin ang last name ko napatingin ako kay Rebecca at sa kaibigan nito na parang gulat ng marinig ang last name ko. "No way siya yung sinasabi nilang kapatid ni KD?"  "Hoy Amy ikaw tong Ex wala ka man lang alam?" "All I know na nakatira ito kasama ang lola nila sa province." Napansin kong malungkot nakatingin si Amy sa akin. Napailing nalang ako KD is Kleindrix at nalaman ko din na Ex pala ni Amy si Kuya Kianno. Pagupo ko si Michelle din pala ay gulat. "So Almendras ka pala?" Napakunot noo ako "Bakit may masama ba sa pagiging Almendras ko?" Umiling ito "Wala naman, nagulat lang ako na kapatid mo pala ang isa sa kaibigan ni Sebastian" ★ Pagkatapos namin kumuha ng pagkain naghanap agad ako ng table napansin ko ang grupo ni Kuya nasa sarili nilang table kung saan wala pwedeng ibang umupo. Nag iwas nalang ako at napansin yun ni Michelle "Bakit di ba kayo magkasundo ng Kuya mo?" "Si Kuya magkasundo kame pero yung halimaw impossible." Bigla itong ngumiti "Halimaw na gwapo" Umupo na muna ako "Don't tell me na gusto mo yung halimaw na yan?" Umupo na rin ito. Tumango ito na parang kinikilig "Di naman masama uh." Sabay tingin kung saan kila Kuya. Napailing nalang ako "Palapit Kuya mo." Nagulat ko ang buhatin niya tray ko "Dun ka sasabay sa amin." Tumingin ito kay Michelle "Hiramin ko muna yung kapatid ko." Walang magawa si Michelle kundi ang tumango. "Kuya naman." "Para malaman nila na di ka pwedeng galawin." Ts. Hindi ko parin nakakalimutan na isa siyang gangster kaya hanggang gangster parin siya di kame magkakasundo. "I can handle myself." Huminto ito at napatingin sa akin "Really? I heard Rebacca pulled your hair." "Misunderstanding yun kaya pwede ba hayaan mona ako." "NO." Padabog akong umupo sa tabi ni Sebastian yun nalang kase ang pwede kong upuan. "Kahit anong gawin mo di ko parin gusto na nakikipag kaibigan ka sa kanila at lalong lalo na di ka umaalis sa pgiging gangster." "Teka lang, bakit parang kame yung sinisisi mo?" Singit ni Sebastian sa usapan namin. "Huwag kana muna sumali, Basti." Suway ni Kuya. "No. Parang kame pa yung mali dito" humarap ito sa akin. "Ngayon magsasalita ako dahil sinali mo naman kame sa usapan niyo at may karapatan naman siguro ako."  Sa amin na nakatingin ang mga studyante na nasa loob na Cafeteria. "Hayaan mona lang, Basti." Ani ni Carter. Umiling ito galit itong nakatingin sa akin "Ano ba problema mo?!" "You." Turo ko sa kanilang tatlo "Kung totoong walang mali sa inyo bakit-bakit namatay si Kuya Kianno! At wala kayong nagawa!" Biglang tumahimik ang paligid "See. You're speechless dahil totoo! Wala kayong nagawa you left him alone." "Enough, Cj." Suway ni Kuya sa akin. Napatingin ako kay Kuya "Enough? Eh ikaw Kuya anong ginawa mo? Saan ka nung nag aagaw buhay yung kakambal mo?" Nagulat ako nung tumilapon lahat ng pagkain sa mesa dahil sa malakas nitong itinumba ni Sebastian dala ng galit. "Walang kang karapatang kwestyunan kame, when you don't know anything!" Galit na sabi ni Sebastian, ngayon lang ako nakaramdam ng takot dahil parang bigla nag dilim ang paningin nito na parang kulang nalang saktan niya ako. Pagsabi niya nun umalis na ito, narealize ko ang mga pinagsasabi ko. Tama ang sinabi nito na 15years akong wala dito kaya wala akong alam sa nangyayari kaya wala akong karapatan para pagsabihan sila nang ganyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD