Chapter 3

1153 Words
Kumatok ako sa kwarto ni Kuya ilang minuto na akong kumakatok pero di parin niya akong pinagbubuksan. Ititigil kona sana ang pag katok ko nang bigla itong bumukas. "Kuya." Kaya pala bagong ligo pala ito. "Bunso!" Gulat pa siya ng makita niya ako. "Pasok ka." Pagpasok ko umupo ako sa mini sala set nito sa kwarto. "Im sorry." Napayuko ako. Lumapit si Kuya sa akin at lumuhod ito sa harap "Hey, naiintindihan ko kung bakit nasabi mo yun. Pagpasensyahan mona si Basti mainitin lang talaga ang ulo nun." "Tama naman siya eh." Umiling si Kuya. "Ako yung dapat humingi ng sorry. Sorry, Cj. For now di ko muna pwedeng sabihin ang totoong nangyari hangga't di pa namin nakokonpirma ang lahat." "Pero Kuya." "Soon, Cj. Malalaman din natin ang totoong nangyari. I promise you that" I sighed. ★ Nagulat ako ng harangin ako ni Amy isa sa shelves ng library. "Can I talk to you?" Tanong niya agad sa akin Tumingin ako sa likod nito pagkasama niya sila Rebecca. "Ako lang, dont worry di ko sila isinama." Tumango ako at naghanap na kame ng table para saan mag usap. May nakita kame isang bakante na table na malayo-layo sa ibang studyante. Sumunod naman ito sa akin pag upo namin tiningnan ko agad ito na parang inaantay siyang magsalita. Kita ko sa mga mata nito parang naluluha na ito nagulat ako ng hawakan niya mga kamay ko. "Sorry kung selfish ako tingnan pero gusto ko lang na baka may sinabi ang kuya mo bago siya namatay." Humihikbi nitong sabi kita ko sa nga mata nito ang pangungulila "Bago siya namatay he broke up with me nang walang rason kaya nagbabakasakali ako na alam mo ang rason." Umiling ako "Im sorry, he never talked to me about you." Malungkot kong sabi.  Parang nahiya pa ito sa sinabi ko pero kase yun yung totoo. Walang nabanggit si kuya sa akin na may girlfriend ito nalaman ko nalang nung burol ni kuya na may girlfriend ito at ngayon ko lang nalaman na siya pala yung sinasabi nilang girlfriend. Pinunas nito ang mga luha nito pagkatapos nun tiningnan niya ako sa mga mata. "I love him but he face it alone na parang wala siyang kakampi or kasama sa buhay at hanggang ngayon dala-dala ko parin yung sakit na isa ako sa dahilan kung bakit siya namatay." Pagkasabi niya nun naramdaman kong may nilagay ito sa kamay ko. Tumayo na ito at iniwan ako dun mag isa tiningnan ko ang kamay ko na may nakapulupot na papel kinuha ko ito saka tiningnan kung ano yun. Tumayo mga balahibo ko nung mapansin ko na may bakas na dugo yun, napansin kong may sulat dito agad ko ito binasa. "You only have one choice to choose your twin or your girlfriend? Sino sakanila ang gusto mong sagipin?" Napatakip ako ng bibig sa nabasa ko, hinanap agad ng nga mata ko si Amy. Nung di ko siya mahagilap tumayo na ako at taranta akong lumabas sa library, pag labas ko naabutan ko si Amy naglalakad palayo kaya tumakbo ako palapit sa kanya ng makalapit na ako hinablot ko ang kamay nito at pilit ko siyang pinaharap sa akin. "Bakit ngayon mo lang to pinakita sa akin? Sa amin?" I asked. Hindi agad ito nakasalita "Sumagot ka!" Inis kong sigaw dito. "Natakot ako. Ayokong tanggapin na isa ako sa dahilan ng pagkamatay niya." "Then you dont deserve to know why he face it all alone, dahil duwag ka! Ang daming buwan na dumaan di ka man lang nagbakasakali ipakita ito kay  Kuya KD!?" "Di mo alam kung ano yung pakiramdam, isang taon kong dala dala ang konsensya at ang mga katanungan-" "You don't deserve him." Pagkabitaw ko nun iniwan kona siya, dumiretso agad ako sa room. "Saan ka galing?" Tanong ni Michelle. Di ko ito pinansin inayos ko lang ang gamit ko pagkatapos nun umalis na ako ng room.  Kanina ko pa tinatawagan si kuya pero di parin niya ako sinasagot. "Ako nalang maghahatid sayo, ano ba ang nangyari?" Pag alok ni Michelle sa akin. Umiling ako "Sasagot din to maya-maya baka kase may klase pa." "Are you sure? Kung puntahan nalang kaya natin siya sa classroom niya" Umiling ako "Sige. Iwan mona ako dito" tiningnan muna ako ni Michelle ilang segundo lang iniwan na niya ako. Sinubukan ko din idial yung driver ko kaso di din ito sumasagot. Magtaxi nalang ako at dun kona lang aantayin si kuya sa bahay. Paglabas ko sa campus wala man lang ako mahagilap na taxi na bakante. Naglakad na muna ako hanggang wala pang taxi hanggang sa makarating ako sa isang eskinita di ko namalayan na malayo-layo na pala nilalakaran ko. May napansin ako may mga kalalakihan na nag aaway,nagulat ako ng mapansin ko ang isa sa grupo na may kutsilyo sa likod ng pants nito. Iiwas na sana ako kaso nahagilap ng mga mata ko si Sebastian. Kinabahan agad ako nung makita ko siya nag susuntukan. Naalala ko na may dalang kutsilyo ang kalaban nito si kuya agad inisip ko baka kasama nito sila Basti. Di na ako nagdalawang isip na lumapit sa kanila nang makalapit ako tanaw ko si kuya na may galos na rin sa mukha nito. Napansin ko yung lalaki na may dalang kutsilyo dinudukot na ang kutsilyo nito at si Basti yung kaharap nito. Pwersa kong tinulak si Sebastian para di ito mataman kaya napasama na din ang katawan ko sa pagtulak dito.  "Cj!" Sigaw ni kuya ng makita ako. Narinig kong nagsitakbuhan mga kalaban nila naalala ko bigla si Sebastian nakahiga pala ako dito "Ang bigat mo" yan agad sabi niya ng nagkatinginan kame. Kaya taranta akong tumayo dahil parang napahiya ako, walang hiya talaga to siya na nga tinulungan iinsultuhin pa ako. Tinulungan ako ni kuya tumayo "Bakit mo ba ako tinulak?" Galit nitong tanong habang pinapakpak nito ang katawan nito dahil nadumihan ito. "She save you, Basti." Sabi nung lalaki na di ko kilala "Buti dumating kayo Vince" masayang sabi ni Carter. Ngayon ko lang napansin dumami sila bigla sila ata ang dahilan kung bakit nagsitakbuhan mga kalaban ng mga ito. "Save me from what?" Takang tanong ni Sebastian. "You're about to be stabbed with a knife because one of your opponents is carrying a knife, it is good that she pushed you away. Anyway who is this beautiful young lady?" Saad ni Vince tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Back off, Vince. She's my sister!" Naghands up agad ito. "Chill dude. I have no plans, I already have a girlfriend and I plan to stick to one" natatawa nitong sabi. Napailing nalang si kuya, napatingin ako kay Sebastian kaso inismiran niya lang ako.  "Anyway" singit ko sa usapan nila lahat sila napatingin sa akin. Inabot ko kay kuya ang isang pirasong papel na inabot sa akin ni Amy. Pagkatapos nila basahin yun muli nila akong tiningnan. "Kanino galing ito?" "Kay Amy, galing ito kay Kuya Lennon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD