Chapter 4

1378 Words
Dumiretso agad kame sa bahay namin dahil di daw nila pwede pag usapan ang ganun bagay sa labas. "All this time nasa kanya to?" Parang inis na tanong ni kuya. "Nakita niya yan nung ilang buwan nang wala si kuya. Di niya alam kung sinadya ba ni kuya iwan sa mga gamit niya o nahulog ito kay kuya." Napasuntok si Sebastian sa wall "Tangina! Kung sino man ang may gawa nito sisiguraduhan kong sobra pa sa ginawa nila kay Kianno ang mararanasan nila." Nagulat ako sa reaction ni Sebastian sobra ata silang close ni kuya. Napatingin muli ako kay kuya napailing ako ng makita kong sugatan ito "Hindi ka dapat kasali dito, Cj." Napakunot noo ako "Baka madamay kapa" "Sana inisip niyo ni Kuya Kianno na possible madadamay kame sa paggiging gangster niyo nung una palang." Inis kong sabi dito. "Bakit ba galit na galit ka sa pagiging gangster namin?" Biglang tanong ni Sebastian sa akin. Tiningnan ko muna siya ng ilang segundo bago sagutin ang tanong niya. "Dahil pahamak lang ang dinadala niyo, di ba obvious ang pagkamatay ni Kuya Kianno?" "Next time, Klein huwag na huwag mong isasama yang kapatid mo. Nakakasira ng araw." Pagkasabi niya nun, umalis na ito ng walang paalam. Di na ako sumagot pa sa sinabi nito. Padabog din akong umakyat sa kwarto ko dahil sa inis. Kung ayaw niya akong makita mas lalong ayaw ko siyang makita. ★ Free time na namin kaya dumiretso na kame ni Michelle sa cafeteria. Kumuha na kame ng makakain namin at umupo na sa table. Lumingon ako sa table nila kuya, kaso dahil sa ginawa ko nagtama ang mga mata namin ni Sebastian. Bigla itong tumayo at umalis. Ts. Napailing nalang ako sa ginawa nito. "Okay ka lang?" Tanong ni Michelle. Tumango ako bilang sagot dito. "May nakaaway ba si Kuya Kianno dito bago siya namatay?" Napahinto ito sa paginom ng juice at napatingin sa akin. Umiling ito "Wala naman. Till now di niyo parin alam kung sino ang may pakana ng lahat?" Umiling ako. ° I was waiting for Manong Ben outside the University when a car parked in front of me. Suddenly the door to the passenger seat opened. I got a glimpse of who it was. Nagsisi tuloy ako kung bakit ako sumilip ng makita ko pagmumukha niya. "Get in the car." I heard him say with anger in its tone. Di ko siya pinansin, sinubukan ko ulit kontakin si Manong Ben. "Yung driver mo may emergency sa bahay nila kaya pinaleave ito." Tiningnan ko ito saglit at sinubukan kong ikontact si Kuya. "His busy." I sigh. Pinagtitinginan na kame ng mga kaschoolmate namin kaya wala akong magawa kundi sumakay dito. "Don't worry because I also don't want to be with you I just have no choice because Klein just asked me to pick you up." Pagkasabi niya yun inaandar na niya ang kotse nito. Tumahimik nalang ako kase feeling ko mas babae pa to sa akin kung makasalita. Ilang minuto rin nakarating na kame sa bahay, di kona inantay pagbuksan niya ako ng pinto. Di naman ata siya gentleman para pagbuksan ako at wag na ako umasa na may mabuting loob ito. "SALAMAT" pwersa kong ibinagsak ang pinto ng kotse nito. Di na ako lumingon pa baka may marinig na naman ako dito. ~ Naabutan ko si Kuya na kakapasok lang ng bahay kakauwi niya lang ata anong oras na at ngayon lang ito umuwi. Bumaba na ako ng hagdan "Bakit ngayon ka lang?" Di niya ata ako nakita kaya nagulat ito sa akin "Ano ba naman Cj, bakit nanggugulat ka?" Pero parang mas nagulat ako nang makita ko yung mukha niya may dugo sa bandang labi niya at sa pisnge. "Sinong gumawa niyan sayo?!" Buti nalang pala parati wala si mama at papa dito kundi yari to kila mama pagmakita siya sa ganung sitwasyon. Di niya ako sinagot at dumiretso ito sa kusina. "Ito ba dahilan kung bakit di mo ako masundo?" "Bukas nalang tayo mag usap." Sabi nito sa akin, lumapit ito sa refrigerator para kumuha ng maiinom, wala parin kase mga katulong namin dahil pinaleave ito nila papa. "Kuya nama-" "Shut up!" Nagulat ako dahil ngayon niya lang ako sinigawan. "Enough! Stop acting as if ikaw si mama, stop lecturing me. Alam ko yung ginagawa ko!" "Fine. Next time huwag ka nang mag abala pa na ipasundo ako kay Sebastian. I can handle myself like I use too." Pagkasabi ko yun sa kanya tinalikuran kona siya. "Cj!" Hindi kona lang siya pinansin pa, I get it. Kung feeling niya masyado akong atribida sa buhay then fine! Be it. Walang pakealaman, period. ★ Di na ako nag almusal pa, kaya lumabas na agad ako ng bahay. Naabutan ko si Kuya nasa harap ng kotse nito pero dinaanan ko lang siya. "Cj." Di ko ito pinansin. "Celestine, Im sorry. Pagod lang ako kaya nasabi ko yun sayo." Napahinto ako at hinarap ko muna siya "Don't be. Naintindihan kona kung ano yung gusto mo iparating sa akin." Nagbeep phone ko alam kong si Michelle yun naghingi kase ako ng favor dito na sunduin ako. "No-" Umiling ako at tinalikuran kona ito. Michelle pm me na nasa labas na daw siya ng village namin. Buti di gaano kalayo yung bahay namin sa gate ng village na ito. Kaya hindi nakakapagod lakarin, nung tanaw kona ang kotse ni Michelle kumaway muna ako dito. "Thanks." Sabi ko pagsakay ko. "Psssh. Maliit na bagay." Nakangiti nyang sabi, pinaandar niya na ang kotse nito. Habang nasa byahe kame bigla open topic si Michelle. "How about Kleindrix? Di ka niya ba pwede ihatid?" "Akala ko ba okay lang na sunduin mo ako? Bakit parang nagrereklamo ka ngayon?". Tumawa ito "Di naman. Natanong ko lang, ito naman." "Di kame okay." Tumango-tango ito. "Diba si Basti ang naghatid sayo kahapon pauwi?" Napatingin ako dito naalala ko may gusto pala ito kay Sebastian. "Huwag kang magselos dahil ginawa niya lang yung pakiusap sa kanya ni Kuya." Ngumiti naman ito. "Di ako nagseselos uh" Deny niya habang may ngiti sa labi. Di na muli ako nagsalita, nang mapansin ko nakapasok na pala kame sa Campus. Pagbaba namin nakita ko sila Rebecca naglalakad kakarating lang din ata nila. Lumingon sila Rebecca sa amin ng makita niya ako namuo agad sa mukha nito ang galit. Dahan-dahan ito naglalakad palapit sa amin, mga ibang studyante din pinagtitinginan kame. I sigh. Not now... "Oh nasa loob ba ang kulo mo?" Biglang tanong ni Rebecca sa akin. "Rebecca, wala na kayo ni Sebastian kaya wala kang dapat ikagagalit diyan." Sabi ni Amy dito. "Siya kakampihan mo? Dahil ba kapatid siya ng Ex mo?" Umiling ito. "Totoo naman sinabi ni Amy uh. Ano ba ikinagagalit mo? Yung paghatid ni Basti kay Celestine?" Bigla tumawa si Michelle pagkatapos niya sabihin yun."Lame reason." Dahil sa sinabi ni Michelle kay Rebecca sa kanya na ngayon nakatingin si Rebecca. "Oh my dear Michelle! Are you talking to me?" Dahan-dahan nito inilapit ang mukha kay Michelle. Hinawakan ko yung wrist nito at pilit ko siyang ipaharap sa akin. "Stop wasting your energy to us. Kase kung si Sebastian naman pala gusto mo kaya ka nagagalit sa amin then bakit di siya yung lapitan mo?." Hinawakan ko si Michelle. "Lets go, Mich." Di ako pala away kaya pagkasabi ko yun sa kanya nagmadali na akong maglakad habang hila-hila si Michelle. Nakalayo na kame dito napahinto ako ng marinig kong tumatawa si Michelle. "Why are you laughing?" Taas kilay kong tanong. "Are you scared? Kase kung makahila ka saakin parang may humahabol sa atin uh." "Like duh. Di ako mahilig makipag away nuh, kaya ko lang naman sinabi yun para tantanan niya na tayo." "You know what di mo kailangan matakot, kuya mo kaya si Klein na kinatatakutan ng lahat." "What's your point? Kung kuya ko siya then? Di naman siya may hawak ng buhay ko para iasa lahat sa kanya eh. At hindi sa lahat ng oras ay mapoprotektahan niya ako." "Aray naman. Oo na ako na itong umaasa sa kapatid ko." "Di sa ganun magkaiba naman kase tayo ng sitwasyon." Inakbayan niya ako "Oo na. Kailangan na natin magmadali baka malate tayo." Kaya wala kaming magawa kundi mag running-walk dahil malapit na mag time at baka di na kame papasukin sa room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD