Celestine
Nakabusangot ang mukha ni Michelle ng lapitan ko ito, busy ito nakatingin sa phone nito.
"Oh aga-aga di na maipinta yang mukha mo." Pinaharap niya sa akin yung phone niya at pinakita niya sa akin yung pinag-aabalahan niya kanina pa.
Nakita ko sa picture si Sebastian na kasama ni Rebecca di lang kasama kundi nakaupo sa lap nito.
"Hmmmm. Alam mo maghanap ka nalang ng iba, kase masasaktan ka lang dyan sa playboy na yan."
Umiling ito. "Siya lang gusto ko at kung siya lang naman ang para kay Sebastian, ikaw nalang nuh. Mas better kapa kay Rebecca para kay Sebastian."
"Huy girl. Kung ikaw nalang kaya kesa ako diba? Kung gumalaw ka kaya para mapunta siya sayo."
She sigh. "Impossible."
Napakunot noo ako "Bakit impossible, kung si Rebecca nga natitipuhan niya ano kanalang kaya na mas maganda't matalino at mabait. Oh diba full package, di siya magsisi."
She smiled at me. "Your too sweet. Thank you for the compliment pero kase ginawa ko nang iparamdam sa kanya but he rejected me." Malungkot niyang sabi.
Napalaki mata ko sa sinabi niya "He rejected you? Pero si Rebecca tinanggap niya? Baka nga may sira mata niya. Kaloka"
Natawa naman ito sa akin. "Ang saya mo kausap, Celestine. Pero alam mo pampalipas oras lang naman niya yan si Rebecca eh."
Di na ako nagulat sa sinabi niya. "Haaaay. Boys are boys."
Umayos na kame ng upo dahil pumasok na yung prof namin.
~
"Celestine!"
Lumingon ako kay Michelle "Yes?"
"If we hang out at my house. What do you think?"
Napaisip ako, uuwi kase sila mama ngayon eh. "Next time, promise. Uuwi kase sila mama ngayon kaya di ako pwede."
Ngitian niya ako "Sure. Aasahan ko yan." At sumakay na ito sa kotse nito.
How I wish I had a car like her, but I know my dad won't let me. I sighed
Dahil solo iha daw ako kaya ayaw nila magdrive ako ng kotse o motor ba.
Nagtaka ako ng may pumarada na namang kotse sa harap ko at alam ko si Kuya yun dahil kilala ko kotse nito.
"Im sorry." Sabi nung dumungaw ito sa bintana.
Hindi ko siya pinansin "Bunso please? Sa akin kana sumabay baka mapano kapa."
"Okay lang ako.
"Ayoko may mangyari sa bunso kong kapatid, ikakamatay ko."
Natawa ako sa sinabi niya. "Ang O.A mo naman." Pagkasabi ko sumakay na ako sa kotse nito.
"Yes! Bati na kame." Masayang sabi ni kuya at pinaandar na niya ang kotse niya.
"Marunong ka pala tumawa."
"s**t! Diba sabi ko manahimik kana lang dyan sa likod, Basti!"
Napakunot noo ako humarap dito. "Sebastian?" Di ko kase napansin na nakasakay pala ito. Nakaclose kase ang window sa likod at di na ako nag atubili pa tumingin di ko naman akalain na andito siya.
Nagkibit balikat lang ito at naging busy naulit ito sa phone nito. "Galit ka ba?" Parang di pa sure si kuya sa tanong niya.
"Kaibigan mo siya at wala na akong magawa pa."
Ngitian lang ako ni kuya.
★
Pagbaba ko naabutan ko sila mama nagaalmusal, bumalik na pala ang mga katulong namin. "Goodmorning!" Bati ko sa kanila.
"Hello sweetheart!" Sabi ni papa, I kiss him in his cheeks at si mama din.
"How is your new school? Is anyone bullying you?" Tanong ni mama.
Uminom ako ng milk sabay iling. "Ma di ako bata, kaya kung may bumully man sa akin. I can handle it."
"Fine. But still tell us if someone bullying you."
Napailing nalang ako. "Bye!"
"Sweetheart! Manong Ben is still on leave so your older brother will take you first, he has been waiting for you outside"
Tumango lang ako dito at nagmadali ng lumabas kaso napahinto ako ng mapansin kong di kay Kuya ang kotse nakaparada sa labas.
I sigh. I have no choice kundi sumakay nalang sa kotse nito.
"Sana walang magagalit sa pagsakay ko dito sa kotse mo."
Nakakunot noo nito lumingon sa akin. "Ts."
"Hello Celestine!"
Lumingon agad ako sa bumati sa akin, andito rin pala sila Carter at Franky. "Hi." Nahihiya kong bati dito.
Umupo na ako ng maayos ng marinig kong inandar na ni Sebastian ang koste nito.
Tamihik ang byahe hanggang sa makarating kame sa University. "Hirap maging gwapo pinag guguluhan ng kababaihan." Napailing nalang ako sa sinabi ni Carter. Nakalunok ata ito ng madaming hangin kaya ganyan nalang ito kung magsalita.
Bumaba na ako at what I said lahat ng babae galit kung makatingin sa akin dahil sa pagbaba ko sa kotse nito. Kaya nagmadali akong umalis sa lugar na yun.
"Hmmm. Nililigawan ka ba ni Sebastian?" Tanong agad ni Michelle pagkadating ko sa room.
"Hell no."
Ngumiti ito "In denial."
"Loka. Wala lang siya choice dahil inutusan siya ni kuya."
Umayos na ito ng upo at di parin umaalis ang mga ngiti nito sa labi.
Baliw. May gusto siya kay Sebastian tapos ako nirereto niya. Haaaays.
~
"Mauna kana sa Cafeteria at ako'y mag ccr muna."
"Samahan na kita." Michelle.
Umiling ako. " Baka maubusan tayo ng table kaya mauna kana."
"Okay."
Kaya nagmadali na ako pumasok sa Cr, pagkapasok ko sa isang cubicle nilock ko agad ito at umupo na para umihi.
Sakto pagkatapos ko umihi nakaramdam ako biglang tubig na bumuhos sa akin. Dahil sa gulat ko napasigaw ako at may narinig ako nagsitawanan.
Inayos ko muna ang pants ko pagkatapos nun lumabas agad ako ng cubicle. Naabutan ko si Rebecca at Emma nagtatawan "Basang sisiw." Sambit ni Emma
"Kawawa ka naman. Kaya ilagay mo sa utak mo na akin lang si Sebastian kung ayaw mo mangyari ulit to sayo."
"Sayong sayo na siya at wala akong pake."
"Rebecca!" Galit na sigaw ni Amy, kararating niya lang. "Your too much! Diba sabi ko wag niyo naituloy yung binabalak niyo."
"Alam mo kung siya lang naman kampihan mo edi magsama kayo, di ka kawalan." At umalis na sila na parang bula.
Lapitan pa sana ako ni Amy kaso iniwasan ko ito. "Im sorry" rinig kong sabi niya. Pero di kona siya pinansin at umalis na ako sa lugar na yun.
Pinagtitinginan ako ng mga studyante habang naglalakad ako papuntang Cafeteria.
Pagkarating ko sa Cafeteria pinagtitinginan agad nila ako, nang makita ako ni Michelle gulat ito at lumapit agad ito sa akin."Who did that to you!?" Galit nitong tanong. Kaya mas lalong nag agaw ito ng atensyon.
Napatingin ako sa gawi nila kuya kaso wala ito dun nagtama ang mga mata namin ni Sebastian agad naman ako nag iwas.
"Wala ito. Magpapaalam lang ako na uuwi ako."
"Ako na maghahatid sayo."
Umiling ako "Huwag na. May exam tayo mamaya kaya ikaw na muna ang kumausap kay prof para sakin."
"Are you sure?" Nagaalalang tanong ni Michelle saakin.
Tumango ako at lumabas na ako sa Cafeteria. Paglabas ko nagulat ako ng may humila sa akin at humarap ako dito.
"Sino may gawa niyan sayo?". Galit na tanong ni Sebastian.
Pwersa kong tinanggal ang pagkahawak nito sa risk ko. "It's none of your business."
Hinawakan niya muli wrist ko. "Answer me!"
"Si Rebecca! Ano masaya kana? Nang dahil sayo nadamay ako, at ano ba ang ikinagagalit ng girlfriend mo. Pwede i-explain mo sa girlfriend mo na hinahatid mo lang ako dahil sa kuya ko."
"She's not my girlfriend."
"Putik! Kung di mo siya girlfriend eh ano mo siya? Nung kailan lang nakaupo siya sa lap mo. Then now your telling me she's not your girlfriend! Bullshit!"
"Are you stalking me?"
"Hell no! Next time pakisabi sa mga babae mo na kapatid ako ng kaibigan mo kaya di maiwasan na magsama tayo sa iisang lugar dahil ako yung naiistorbo sa mga kalokohan niyo."
Pagkasabi ko nun iniwan kona siya. Haaays! Saan ba si kuya? Bakit kase wala siya. Magtataxi nalang ako.
Sana wala na sila mama sa bahay at baka sumugod yun dito magmakita niya yung itsura ko.