Celestine Lumabas na ako ng kwarto nakakapagod din pala yung andoon kalang sa loob, nakakabaliw. "Manang, hindi parin ba nakauwi si kuya?" Tanong ko habang busy ako kumakain ng cookies. "Wala pa iha pero baka maya-maya andito na yun." Napatango lang ako dito, nagbeep phone ko kaya kinuha ko ito sa bulsa. "Gurl, chin up. Huwag mo ipakita kay Rebecca na talo ka. Pati pag aaral mo dinadamay mo dahil sa gagong yan." Text ni Michelle sa akin. Dahil sa sinabi niya parang natauhan ako, ilang days na rin ako absent baka tawagan na nila si mama baka mabuking ako ni mama pagnagkataon. Ibinalik kona yung phone ko sa bulsa ko. "Celestine." Parang ako nanigas sa kinatatayuan ko ng marinig ko boses niya, nagbingi-bingihan ako. Nagulat nalang ako nasa harap kona siya. "Can we talk?" Tanong niya.

