May pagmamadali ang pagmamaneho ni Dimitri. Lalo na at nakatanggap pa siya ng text galing sa cellphone niya, na hindi nito gagalawin si Liza, kung pipilitin niyang iwasan ito. Masakit man para sa kanya, kaya lang kailangan niyang sundin muna ang mga sinasabi ng taong iyon, bago siya gumawa ng aksyon. Hindi niya ito kilala. Wala din siyang kilala na naagrabyado niya. Kaya naman nagtataka talaga siya kung sino ang taong iyon na ang lakas ng loob para panghimasukan ang buhay nila. Ang buhay niya. Sa isipan niya, kailangan muna niyang makausap ang kanyang ama at ina, para malinawan kung sino ang taong iyon. Kung ano ang ibig sabihin ng taong nakausap niya. Bakit ang pakiramdam niya ay malaki ang galit nito sa kanya? Natatakot siya sa pwedeng gawin, ng taong iyon sa pamilya ni Liza, pag hin

