Matapos silang makakain ni Julz ay ilang sandali pa at narinig na nila ang ugong ng dalawang sasakyan. Pinatuloy naman muna nila ang mga ito. Nasa living room sila at doon naupo. Magkatabi sa pandalawahang upuan ang magulang ni Julz, ganoon din ang mga magulang ni Dimitri. Nakaupo naman sa magkatabing pang-isahang upuan si Julz at Dimitri. Nakabukas naman ang pintuan, para pumasok ang nakakarelax na hangin. Pero kahit ang hangin ay walang nagawa, para mawala ang tensyon na kanilang nararamdaman. Tumikhim muna si Dimitri, at siya na ang bumasag sa katahimikan nilang magkakaharap. "Daddy, pwede bang ipaliwanag ninyo sa akin ang nangyayari. Sino ang lalaking iyon? Bakit kailangan niyang pangunahan ang mga bagay na hindi naman niya sakop? Ang buhay ko? Ang buhay ng ibang tao. Bakit kailanga

