Nang makarating sila sa bahay nina Lucas ay unang sumalubong sa kanila si Manang Fe. Hindi na ito, nakasama sa reception ng kasal ni Diesel. Dahil after sa simbahan ay sumama ang pakiramdam nito, kaya naman nauna ng umuwi ng bahay. Maayos na ito ngayon, kumpara noong nasa simbahan sila. Masyado daw napagod si Manang Fe, dahil sa excitement sa kasal ni Diesel kaya naman ang ending mas nauna pa itong, nakauwi ng bahay dahil need nito ng pahinga. "Okey ka na Manang?" Nag-aalalang tanong ni Anna ng makitang binuksan nito ang front door. "Okey lang ako hija. Nasaan ang mommy at daddy ninyo? Nakaalis na ba ang bagong kasal para sa honeymoon nila. Sayang lang talaga at hindi na ako nakasama sa reception, para kasing kailangan na kailangan ng katawan ko ang pahinga." Masayang wika ni Manang Fe,

