Tumakbo lang ng tumakbo si Liza, hanggang sa mapagod. Wala naman siyang alam na pupuntahan. Pero walang ibang laman ang kanyang isipan kundi ang makalayo. Alam niyang kahit gaano pa siya kabilis tumakbo ay maaabutan siya, ng kung sino man kung may hahabol sa kanya. Kaya naman, ipinasya niyang tumigil sa nakita niyang maliit na daan na hindi gaanong mapapansin. Tinahak niya ang madamong parte ng daan hanggang sa makakita siya ng isang malaking puno na may mayabong na dahon. Malinis ang ilalim noon at walang damo. Pero madaming nalaglag na mga tuyong dahon. Lumapit muna siya sa puno at naupo sa tabi nito at doon tahimik na ipinagpatuloy ang pag-iyak. Samantalang dahil sa gulat ay hindi naman agad nakakilos si Dimitri pati na rin ang katabi nitong si Julz, na nakikilala din si Liza. Hindi n

