Chapter 10

2537 Words
Caroline BUMALIK ako ng isla pagkaalis ni Dev. I started packing right away when I got to my room. Nanghina ang tuhod ko ng mga oras na iyon. Halos hindi ko na nga naalala kung paano ako nakaakyat ng room ko sa sobrang occupied ng isip ko sa ginawa ni Dev. But I fought myself to suppress my feelings when he kissed me. It's new to me. Para sa akin ay trabaho lang ang lahat ng nag-uugnay sa aming dalawa ni Dev. Pero bakit nga ba niya ako hinalikan? Binubuhay lalo ni Dev ang curiosity ko sa pagkatao niya. He's a total pain in my ass. I unconsciously touched my lips. Halos ramdam ko pa ang init ng labi ni Dev na lumapat sa akin. It was hot and wet. He kissed me fast and rough. Parang may hinahabol. It was so... intense. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman ko habang napapaloob ako sa kanyang mga bisig. Uminit ang mukha ko sa naisip. Pinilig ko ang ulo upang iwaksi sa isipan ko ang nangyari kanina. “Grec?” Nakatayo si Grec at naghihintay sa akin pababa ng chopper. “Pinapatawag ka ni Boss Logan. Nasa Piacarre siya ngayon.” My gaze roamed over his back. Hindi umuwi ng isla si Dev? “Ano?” sigaw ko dahil sa ingay ng chopper. Grec leaned closer to me. “Ang sabi ko pinapatawag ka ni Boss Logan!” He's shouting. Napatingin ako sa likuran niya ng may umakyat na kasamahan namin. May kung anong disappointment akong naramdaman na hindi si Dev ang umakyat. Shit. Nasa Maynila nga naman kasi siya. Bakit ko ba kasi siya hinahanap? “Caroline?” My thoughts snapped back when Grec spoke. I swallowed. I'm still wearing the shirt that Dev gave to me. Napatitig si Grec sa damit ko. May pagtataka. “Damit ba 'yan ni Dev?” Nakakunot ang noo niya. My cheeks flared as Grec examined my shirt, like he was teasing me. Hindi ko na nagawang magpalit ng damit dahil nawala na ako sa focus kanina sa ginawa ni Dev. Pagkadating ko dito sa isla, ito na nga bumungad na si Grec na pinapatawag ako ni Boss Logan. “H-hindi. This is mine.” “Parang 'yan din ang suot niya kanina no'ng bumalik siya galing sa lakad niya.” Sabi nito na hindi kumbinsido na akin ang damit na suot ko. “Sa akin nga 'to!” “Oh, bat defensive ka?” Nakakairita din 'tong si Grec. Lalampa-lampa na nakakainis sa walang preno ding bibig. “Hindi ako defensive. Huwag kang makulit kung ayaw mong kumain ng bala.” He rolled his eyes. “Sungit. Parehas talaga kayo ni Dev.” “Dami mo kasi napapansin. Asikasuhun mo na lang 'yang necktie mo!” “Abat!” Pinanlakihan ko siya ng mata. “Bakit, papalag ka?” Kumibot-kibot ang labi niya. Gusto yata akong patulan. “Gagawin kitang giniling 'pag 'di ka tumigil.” Pananakot ko sa kanya. Madali kasing matakot itong si Grec kaya masarap asarin. “Subukan mo lang at sasabunutan kita.” “Bakla!” “Hmp!” Nilampasan ko na siya at iniwan. Nauna akong bumaba. Narinig ko pa ang pahabol niyang reklamo. Iniwan ko muna sa kwarto ko ang dala kong maleta at naligo na rin bago umalis. Nagsuot na lang ako ng black shorts, black body suit na nilagyan ko ng black na jacket. Pagdating ko sa bar ay madaming tao. As usual, wala namang araw na hindi puno itong bar ni Boss Logan. In-escortan ako ni Jim papunta sa kinaroroonan ni Boss. Prenteng nakaupo si Boss sa circular couch. Nakasandal at nakade-kwatro ang paa. Mag-isa. Walang ibang kasama. May hawak na sigarilyo. Ang baso ng alak ay nasa ibabaw ng mesa. Nanatili akong nakatayo sa harap niya. He's billowing smoke from his cigarettes. Lumayo sina Jim sa amin. I cleared my throat. “W-wala pa akong nahuhuli, Boss.” I'm referring to my mission. His brows raised. “f**k. Wala ka pa rin nagagawa?” His lips pressed together in a thin line. My lips leave in owe. “Boss, nasa bahay niyo ako at nag-aalaga kay Duncan.” “I don't f*****g care! Hanapin mo ang traydor sa akin! You will stay here. Babalik ako ng Sta. Monica kasama si Calli. And when we come back, I need results. Do you get it?” Maiiwan si Duncan sa akin. Paano naman ako makakalakad nito? Bakit hindi na lang nila isama ang anak niya? I slowly nodded as I looked at him. “What a f*****g look like that, Caroline!” He gave me a harsh glance. Bawal ba siyang tingnan? Kapag mainit ang ulo niya parang lahat mali sa paningin niya. “W-wala, Boss. Sorry.” Parang si Dev din itong si Boss. Minsan malamig, minsan mainit ang ulo. Pero mas madalas ang mainit ang ulo. Buti nga ngayon nabawasan na simula ng dumating sina Miss Calli at Duncan sa buhay niya. Nautusan pa nga ako minsan na akitin ko raw siya sa harap ni Miss Calli. Kumuha ako ng damit ni Miss Calli sa kwarto nila dahil nag-iiyak si Duncan. Simangot na simangot ng araw na iyon si Miss Calli ng binuksan ko ang butones ng uniform kong suot para ipakita ang may umbok kong dibdib. Hindi ko pa siya nakitang nang-irap pero para talaga akong kakainin ng buhay. Mapapakamot na lang ako ng ulo kay Boss sa gusto niyang mangyari. Alam niyang iritado sa akin si Miss Calli, gusto pa niyang ako ang magdala ng pagkain nila sa kwarto. Mukha namang malakas pa rin ang karisma ni Boss sa mga babae. Hindi ko lang maintindihan pagdating kay Miss Calli tumitiklop. “What are you looking at?!” Pinapaalis na ba niya ako? Wala naman siyang sinabi na umalis na ako. Ang gulo din. Bat sa akin binubunton ang init ng ulo? “Aalis na po ako, Boss.” I bowed to him. “Just f*****g leave!” he shouted and puffs his cigarette. I sighed. Nagkatinginan kami ng bodyguard niya na nakatayo sa di kalayuan sa inuupuan ni Boss. Napailing na lang ako. Pagkaalis ko sa bar ay hindi agad ako umuwi sa bahay. Pinarada ko ang sasakyan sa gilid ng kalsada. I leaned my body against my car. Pumuwesto ako sa hindi matao at tumingala sa langit. Who would have thought there's an exclusive island here for Foedus members? This island was built by the founders. Sa isang pitik ng daliri nila, lahat ay susunod. They are wealthy and influenced people. We are protected here. Kaya malaki ang utang na loob ko kay Boss Logan. And my thoughts fly to the time I still have my family. Ang swerte ng iba dahil buo ang pamilya nila. I heavily sighed. Nag-iisip na naman ako sa mga bagay na wala na. Tumuwid ako ng tayo para bumalik na sa loob ng sasakyan. Pagkabukas ko ng pinto ng sasakyan ay sakto naman na may dumating. Napahinto ako sa tuluyang pagpasok dahil huminto ang kotse sa tapat ng nakaparada kong sasakyan. Bumukas ang pinto at niluwa doon si Dev. May pagmamadaling lumapit siya sa akin. Ilang hakbang lang. Akala ko nasa Maynila pa siya? Si Jim kasi at Grec ang kasama ngayon ni Boss dito sa isla. Kumunot ang noo ko. “Dev? A-anong ginagawa mo–” His mouth ravaged my lips without saying a word. My chest pounded fast. I tried to push him but he was firmly grasping my waist. Nakapaloob agad ang katawan ko sa kanyang bisig. “Kiss me, babs. Kiss me, please.” Nagsusumamo niyang pakiusap in his sensual voice. Pinagbunggo niya ang noo naming dalawa. Ang katawan namin ay magkadikit na magkadikit. Nagdidikit na ang dulo ng ilong namin sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Nagkusang humawak ang kamay ko sa kanyang dibdib, gently caressing his chest na siyang kinapikit ni Dev. “f**k, babs.” He cursed, panting, and almost pleading. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanyang mga mata at labi. Namamasa pa iyon at nagdulot ng kakaibang init sa pagitan ng hita ko. He bit his wet and red lips, seducing me. I did the same. Kinagat ko ang labi. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. Napalunok. Breathing heavily. Binaba ko ang ulo niya upang mahalikan siya. Walang pag-aatubiling tinugon niya iyon nang mapangahas, may pagmamadali. It's like a signal to him to kiss me more. To touch my body. Panandalian niyang binitawan ang labi ko dahil bumaba ang labi niya sa panga ko. Tinaas ko pa ang mukha ko to give him full access to my neck so he can kiss me. Napasabunot ako sa kanyang buhok. He's kissing me, biting my skin, and leaving a trace on every surface his lips touched. Nag-init bigla ang pakiramdam ko. His warm tongue explored my mouth like it was dancing. And I let him thrust and explore inside. The way he's rough-kissing me, a moan wants to escape from my mouth. Naramdam ko ang pagbuhat niya sa akin at pinaupo sa loob ng sasakyan habang siya ay nanatili sa labas without cutting our kisses. Ramdam ko ang init ng paligid. O sadyang nakakadarang lang itong ginagawa namin? “Babs...” He whispers. Sisiilin sana niya ulit ako nang mapusok na halik ng biglang nag-ring ang phone niya. Nagmura siya ngunit imbes sa labi niya ako hahalikan, bumagsak ang mukha niya sa leeg ko pababa sa dibdib. Hindi niya pinansin ang tawag. Nilabas lang niya ang isa kong dibdib sa suot ko at nilantakan na parang pagkain. Malakas akong napaungol sa ginawa niya. I can't believe this. We're making out in a car. Napaliyad ako at napayakap sa kanyang leeg. Ngunit itong phone niya ay hindi tumigil. “S-sagutin mo kaya.” Pinigilan ko siya dahil ang ingay ng ring-tone. Dinukot niya ang phone sa bulsa ng pantalon niya ng hindi ako binibitawan. “Boss.” Damn. Si Boss Logan. Nagkatinginan kaming dalawa. He frustratingly sighs. “Copy, Boss.” “Umuwi na tayo, ” sabi ko sa kanya dahil mukhang importante. Nakakunot kasi ang noo niya at napapikit ang kanyang mata. Inayos ko ang suot kong bodysuit at muling binalik sa loob nito ang nakalantad kong dibdib. Nakaantay ang nakabukas niyang palad na ibigay ko sa kanya ang susi ng kotse. Napilitan akong iabot sa kanya. Lumipat ako ng pwesto. Panay ang pagmumura niya sa tabi ko. Awkward. • • • • Ellice BUMALIK ako sa hotel ng alas sais ng umaga. Maghihintay ako dito hanggang alas dies dahil may interview kami ni Stella. Malapit lang dito ang pinag-applyan namin ng trabaho. Wala namang masama kung umasa ulit ako. Hindi na ako nagpaalam kay Stella at Rene na dito ako pupunta kaya maaga akong umalis. Ang sinabi ko lang kagabi bago kami natulog na may dadaanan ako saglit. Sinadya kong tulog pa sila nang umalis ako para hindi ako pagdudahan at hindi ako pigilan. “Caroline!” tawag sa akin ng lalaking kabababa lang ng kanyang sasaktan, nakasuot na black na long sleeves. Gwapo siya at matangkad. Pero mas gwapo pa rin si Dev ko para sa akin. Dev is ruggedly handsome. His eyes are expressive, but he gives off a bad-boy impression. Iyon bang feeling na masarap mahalin ng isang Dev dahil kapag may nagkamaling saktan ka, wala siyang sasantuhin. Nilingon ko ang kaliwa't kanan ko para i-check kong ako ba iyong tinatawag niya dahil sa akin siya nakatingin. Wala naman akong kasama dito na nakatayo. Imposible naman ako ang tinatawag niya. Niyakap niya ako pagkalapit niya sa akin. Ang bango niya. I pushed him. “Mister... Sandali, bakit mo ba ako niyayakap?” I kept a distance from him when I freed myself from his body. Marahan siyang natawa. “After you blocked me, you're pretending that you didn't know me? C'mon, Caroline.” Nakapameywang niyang sabi. Sinipat niya ang ayos ko mula ulo hanggang paa. Nakalugay ang straight kong buhok na lagpas balikat. Kakapakulay ko lang din ng buhok na kulay brown noong Sabado dahil nilibre kami ni Rene. I'm wearing a pencil-cut skirt and a blazer. “Excuse me? Hindi kita kilala.” Lalong kumunot ang noo niya. Natatakot na ako sa kanya. “Are you drunk this early?” “Baka ikaw.” Sabay atras ko. Mukha ba akong umiinom? “C'mon, let's just have breakfast. Sinadya kitang puntahan dito ng ganito kaaga kahit may meeting ako.” Hinawakan niya ang kamay ko at hinila na pumasok sa loob ng hotel. Nagpumiglas ako. “Ano ba? Hindi nga kita kilala, Mister.” “Stop making fun of me, Caroline.” Wala akong nagawa kun'di ang umupo sa silya ng pumasok kami sa restaurant nitong hotel. “I'm sorry, Mister, but I'm telling you the truth. My name is Ellice and not Caroline.” He stared at me for a moment. Sinipat niya ulit ang kabuuan ko mula ulo hanggang paa. “Ellice?” I nodded. “Yes. At hindi ko kilala ang sinasabi mong Caroline na 'yan.” “But you looked like her.” “Ah, marami naman talagang magkakamukha sa mundong 'to.” Sabi ko at nilingon ang lobby. Glass wall kaya kita ang mga pumapasok at lumalabas ng lobby. “Maybe...” He said though he sounded unconvinced. “You're waiting for someone?” Binalik ko ang tingin sa kanya at ngumiti. Hindi ko naman pwedeng sabihin na may hinahanap ako dito. “Oo, iyong kaibigan ko. M-may interview kasi kami diyan sa Ayala.” “Interview.” He repeated. And he smiled. Tumango lang ako sa kanya. Mukha naman siyang mabait. Dumukot siya sa wallet niya ng isang calling card at inabot sa akin. Nag-alinlangan pa akong abutin iyon. “Just go there. Isama mo ang kaibigan mo. You're hired.” “Ha? Hired agad ng walang interview? Mister, hindi kami sumasayaw sa club, a!” Malakas na tumawa ang lalaking kaharap ko. “Ano'ng nakakatawa?” I feel offended. “I'm sorry. By the way, I'm Knight. My family owns that restaurant. It's in there.” Turo niya sa calling na hawak ko. Napalunok ako sa pagkapahiya. I bite my lips. “Totoong restaurant ba 'to? H-hindi ba 'to club?” For the second time, tumawa ulit siya. He even shakes his head. “B-bakit mo ako binibigyan ng trabaho? Dahil ba kamukha ko iyong babaeng tawag mo sa akin kanina?” He nodded his head. “You needed a job, Ellice, like what you said. Pero kasama na rin ang dahilan. You looked like Caroline. Mas mahinhin ka lang tingnan sa kanya.” Nahiya naman ako bigla. Compliment ba iyon? “T-hanks. Pupuntahan namin ni Stella.” Tumayo ako't dinampot ang shoulder bag. “Where are you going?” “Hinahanap na ako ni Stella. Thank you dito.” Sabay taas ko ng calling card. I appreciate his help. Magaan naman ang loob ko sa kanya at mukha naman siyang mabait. “Have breakfast first.” Tumayo rin siya. Umiling ako. “Hindi na. Salamat.” “Okay. I'll see you then at the restaurant.” Ngumiti lang ako sa kanya bago lumabas. Hindi naman niya ako pinigilan. Tinawagan ko agad si Stella at binalita ang offer ni Knight. • • • •
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD