Chapter 9

1392 Words
Ellice I blinked twice when I saw a familiar man inside the car. My movements towards the door came to a halt slowly. Tila bumagal ang paligid ko. I felt nervous and tense. Napalunok ako ng wala sa oras. Nag-init ang sulok ng mata ko habang hindi ako makagalaw sa nakikita. Oh, how much I missed him. Ang laki ng pinagbago ng katawan niya. It's been two years since the last time I saw him. Lumapad ang kanyang balikat. He looked so manly wearing a shirt. Dumoble ang bilis ng puso ko. Ang tagal kong hinintay ang araw na 'to. Na muli siyang makita. “Stella... Si D-dev.” Kinakabahan kong sabi. Katatapos lang ng interview namin ni Stella sa hotel. Ang sabi sa amin ay tatawagan na lang kami kung nakapasa kami. Nang nagside view si Dev mas lalo kong napatunayan na siya nga! Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-igting ng panga ni Dev. Hinampas niya rin ang manibela. He looked frustrated. “Dev...” Hindi ako nag-aksaya ng oras at tinakbo ko ang sasakyan niya. It's him! “Ellice! Ellice! Wait lang. Saan ka pupunta?” Dinig kong tawag ni Stella. Mabilis ang pagpaandar ng sasakyan ni Dev pero sige lang ako takbo baka sakaling mapansin niyang humahabol ako. “Dev! Dev! Dev!” Hindi ko alintana na nakasuot akong ng heels at skirt dahil formal attire ang suot ko sa interview. At hindi ko rin alintana ang mga taong nakatingin sa akin. Wala akong pakialam sa kanila. Ang mahalaga sa akin ay si Dev na maabutan ko siya! Hindi tumigil ang sasakyan. Nanlabo ang paningin ko sa luha. "Dev..." nangapos ako ng hininga sa pagod sa pagtakbo. Naglaho ng tuluyan sa paningin ko ang sasakyan kung saan siya nakasakay. Sino kaya ang pinuntahan niya dito sa hotel? Napaluhod ako sa kalsad sa sobrang pagkalugmok dahil nawala si Dev ng hindi man lang ako nakita. Paano kapag hindi ko na ulit siya makita? “Ellice...” Stella was panting when she finally reached me. "Ellice, tumayo ka diyan." Inalalayan niya akong makatayo dahil nanlalambot ang tuhod ko. "Nawala ulit si Dev, Stella." Hagulgol ko. Hinawakan niya ako na makaupo sa gilid ng kalsada. Ang bawat na dumadaan sa amin ay napapatingin at napapahinto. "Si Dev? Iyong gwapong nakita natin na nabugbog tapos tinapon sa bakanteng lote na malapit sa bahay niyo noon?” pangungumpirma ni Stella. I nodded my head. Inabutan niya ako ng tissue at tinulungan na punasan ang mukha ko na basang-basa sa luha. Tumayo ako nang maalala ang hotel. Doon siya galing. Marahil nakacheck in siya doon o may kilala siya doon. Magtatanong ako. "Oh, saan ka na naman pupunta?" May pag-aalalang tanong ni Stella. Inayos pa niya ang pagkakasukbit ng kanyang shoulder bag dahil nakalaylay na ang isang strap ng bag niya. "Sa hotel. Magtatanong ako doon." Bumalik agad ako sa hotel upang tanungin sa receptionist kung nakacheck in si Dev dito. “Good afternoon, Miss Abedes.” magalang na bati sa akin ng receptionist. Nakangiti din siya. Nagtaka man ako sa last name na binanggit niya ay hindi ko na lang pinansin. “Miss, may nakacheck-in bang Dev ang pangalan dito? Dev Villaflore.” “We're sorry, Miss Abedes, but we are unable to provide you with any information about our guest at this time. You can reach him if you know his phone number." “Miss, matagal ko na kasi siyang hinahanap. Nakita ko ang sasakyan niya sa labas. Baka naman pwede mo akong matulungan.” “I'm sorry, Miss. For the confidentiality of guest information, we refused to give any details of their information.” "Miss, please lang. Nakikiusap ako. Kailangan ko siyang makausap." Hinawakan ako sa balikat ni Stella at pinaharap sa kanya. Lalo akong naiiyak dahil ayaw nilang ibigay ang information ni Dev kung dito nga siya nakacheck in. “Stella, si Dev ang nakita ko. Hindi ako maaring magkamali.” Binalingan ni Stella ang receptionist. “Miss baka naman matulungan mo ang kaibigan ko. Maaawa ka na sa kanya. Ang tagal na niyang hindi nakikita ang fiance niya.” Nagdalawang isip ang dalawang babae. Wala pa namang ibang guest. “Please, Miss. Pakicheck lang kung may Dev Villaflore na nakacheck-in dito. Hindi kami gagawa ng eksena.” She stared at me and then she sigh. Naawa sila marahil sa hitsura ko na mugtong-mugto ang mata. “For a moment.” I smiled at her. I was hoping na makikita ko siya ulit. “Thank you.” May tiningnan ang babae sa computer. “I'm sorry pero walang nakacheck in na Dev Villaflore dito.” Umahon ang kaba sa puso ko. Naghalo-halo na inis at kaba. Frustration is eating me. “Miss pakidouble check naman. Kakaalis lang niya dito. Nanggaling siya dito.” May pagtaas na ang boses ko dahil natatakot ako na wala akong makuhang impormasyon kay Dev. Kumunot ang noo ng babae. “Siya po ba iyong kasama ninyo, Ma'am? Iyong gwapo na mukhang tisoy? ” “Oo! Siya nga.” “Uhm... Kasama mo siyang umalis kaninang umaga, Ma'am. Sinundo ka po niya kanina dito.” “Ha? Nanggaling ka na ba dito kanina, Ellice?” Malakas akong umiling kay Stella. “Hindi. Sabay tayong pumunta dito, 'di ba?” Nagkatinginan kaming dalawa ni Stella na parehas na nalilito. “E, bat sabi niya?” turo ni Stella sa babae. “Hindi ko alam.” "Is there something else, Miss Abedes?" Napilitan akong umiling dahil inulit na naman niya ang Miss Abedes. Hindi ko kilala kung sino man iyon pero iyon ang kasama ni Dev kanina. Hinila ako ni Stella. Dahil nanghihina ako at wala sa sarili, madali lang niya akong nakaladkad palabas ng hotel. “Narinig mo bang sinabi ng babae, may kasamang iba si Dev. Hindi kaya ang Miss Abedes na sinasabi niya ang babae ng nobyo mo? Hindi nama kaya siya hindi nagpapakita sa iyo dahil may iba na siya? May ibang babae nang umaaligid kay Dev mo.” Maiyak-iyak akong tumingin kay Stella. Ang tagal kong hinintay na magkita kami ulit. Madami akong gustong sabihin sa kanya. Madami akong katanungan sa kanya. Bakit hindi na siya bumalik? Nakalimutam na ba niya ang pangako niya sa akin? Hindi ko kayang marinig o malaman na may ibang babae na si Dev. Nangako siya sa akin babalikan niya ako. Ang sabi niya sa akin ay mahal niya ako. Walang araw na hindi ako umasa na magpaparamdam siya sa akin. Nagpunta kami dito ni Stella sa Manila upang maghanap ng trabaho. Pagkatapos namin maka-graduate ni Stella sa Palawan ay lumuwas kami ng Manila. Maraming opportunity dito. At isa pa, matagal ko ng gustong makita si Dev. Ang sabi sa akin ni Rene, ang bakla naming kaibigan na nagta-trabaho sa bar ay nakita niya minsan si Dev sa BGC. Nagbakasakali ako na makikita ko rin siya dito kaya lumuwas ako. Ilang buwan na kaming naghahanap ng trabaho dito pero hindi pa rin kami natatanggap. “Tama nga si Rene. Nandito lang si Dev. Naku, kapag nakita natin ulit ang lalaking iyon, masasapak ko talaga. Ang tagal niyang hindi nagparamdam sa iyo.” “B-baka... nakalimutan na niya ako, Stella.” Garalgal ang boses kong sabi. “Ano ka ba naman, Ellice? Huwag ka ngang umiyak diyan. Magkikita ulit kayo ni Dev. Hindi imposibleng mangyari iyon. Punta tayo minsan sa BGC baka sakaling makita siya doon. Nagyuko ako ng tingin dahil tuluyan ng pumatak ang luha ko. Baka kaya hindi ko siya mahanap dahil ayaw niyang magpakita sa akin. Kinalimutan na niya ako. “Hoy, ano ka ba? Huwag ka ngang ganyan. Madami lang inaasikaso si Dev pero nangako naman siya sa iyo 'di ba na babalikan ka niya.” Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi at tumingin kay Stella. “Ilang taon na ang nakalipas, Stella. Hindi siya bumalik. Hindi niya ako binalikan katulad ng pingako niya sa akin.” “Hindi ko alam ang sasabihin, Ellice. Pero hindi naman ganun ang pagkakakilala natin kay Dev.” Nagpaalam siya sa akin noon na hahanapin niya ang Nanay niya. Pagkatapos ay wala na ako naging balita sa kanya. Niyakap ako ni Stella kay lalo akong napaiyak. Saksi ang dalawang kaibigan ko kung paano ako lumaban at naghintay sa taong mukhang nakalimutan nga yata talaga ako. Abot kamay ko na siya kanina pero sadyang hindi kami pinagtagpo ng tadhana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD