Caroline
My brow furrows as I cast a glimpse at Dev, driving the car. Seryoso siya. Sinusulyapan niya ako paminsan-minsan. And I do the same.
An uncomfortable silence engulfed us. I chewed my lip. Binaling ko na lang ang tingin ko sa labas ng bintana. Wala yata sa mood si Dev.
“Saan tayo pupunta?” I asked, eyes on him.
I waited for an answer but he remained silent. Mas lalong tumikwas ang kilay ko.
“Nagugutom na ako,” I added even though he didn’t bother to answer my question.
“We’ll eat after we finish this.”
Nilingon ko si Dev. His gaze remains locked on the road.
I sighed. I looked back out the window of his car, and my eyes swiveled. But I'm not sure where we're going, and I'm confused.
“Kung kumain kaya muna tayo.” Iritable kong sabi dahil nagugutom na talaga ako. “Gaano ba ka-importante ang pupuntahan natin?”
Pinuntahan niya ako sa hotel kanina kaya hindi ako nakakain bago kami umalis. At ang oras? Six thirty lang naman ng umaga!
Sanay akong gumising ng maaga dahil kay Duncan pero si Dev kung makaasta sa pagpunta sa hotel room ko, feeling close.
He shrugs off my question. Napaismid ako sa ginawa niya. He stared at me. And he smiled.
Dev is unpredictable. Or bipolar, I think. Kanina ang lalim ng iniisip niya at seryoso ngayon naman biglang ngumiti. Ano kaya ang binabalak niya?
“Get ready.”
“Ha?”
Binaba niya ang bintana sa kanyang side kaya napatingin ako sa labas ng bintana. Nanlaki ang mata ko nang makita si Mr. Liu na may kausap sa phone.
Tinaas ni Dev ang isang kamay na may hawak na baril, ang isa ay nanatili sa steering wheel.
Shit!
Sa isang kisap ng mata ko, bumagsak ang duguan na katawan ni Mr. Liu sa sahig.
Binalingan ko si Dev. His jaw is clenching.
Dev was fearless as the mafia founders' right-hand man. He's been trained. He is heartless. I suppose. He completed several of his missions in Black Eagle.
No doubt kaya siya ang pinagkakatiwalaan ni Boss Logan dahil talagang magaling si Dev. Matalino.
Binalik ko ang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Nagkagulo ang mga tao sa paligid ni Mr. Liu. They had a shocked expression on their faces. Kahit ako man ay nagulat sa ginawa ni Dev sa biglaang paglusob namin.
Lumapit ang mga bodyguards at pinalibutan si Mr. Liu upang protektahan pero malabo na mabuhay pa ito. Sa gitnang noo siya binaril ni Dev.
The sound of firearms snapped me back. Binabaril nila ang sasakyan namin!
My gaze shifted to Dev. With just one snap of his fingers, Mr. Liu was dead. Ganun kabilis magtrabaho si Dev. I couldn't say more. Ang dami ko pang plano na sundan ang target at kung paano ako makakalapit ng hindi ako haharangan ng mga bodyguards niya, samantalang si Dev harap-harapan kasama ang mga bodyguards ng target.
“Fasten your seatbelt.” He told me.
Pinaharurot niya ang sasakyan namin makalayo. I saw them running after us, firing at us. Kinasa ko ang baril na hawak at binaba ang bintana ng sasakyan at nagpaputok din sa kanila.
Hayop. Mabilis nga. Mabilis din kaming mamamatay sa ginawa niya.
“Are you out of your mind?” I grunted in between firing back at Mr. Liu's bodyguards while Dev was busy driving and firing guns. “Magpapakamatay ka ba? Idadamay mo pa talaga ako!”
“Just fire at them!”
Ano pa nga ba? Kailangan namin makatakas. I saw two cars chasing us.
I gasped. Biniglang liko ni Dev pabalik ang sasakyan and I almost got out of the car! Big thanks to the seatbelt. Sinalubong namin ang mga kalaban.
Binangga niya ang sasakyan ng kalaban. His car is bulletproof. Holding his gun, he shoots back again. Pagkatapos ay umatras kami palayo bago niya niliko sa kaliwa at pinaharurot ang sasakyan. Everything was so fast. Ganun magtrabaho ang isang Dev Villaflore!
Nang tuluyan na kaming nakalayo sa mga kalaban, pinark ni Dev ang sasakyan sa isang tabi. Tinanggal niya ang suot na denim jacket. And I did the same. Hinubad ko ang denim kong jacket at tinapon sa basurahan. Nakita ko ang pulang sasakyan na luma na.
“Get in.” He said.
We get inside the car as fast as we can. And he drove away, leaving our first car behind.
Hindi na ako nagsalita hanggang sa pumasok kami sa isang kalye somewhere in Manila. I think we're in Binondo. Pinarada niya ang sasakyan sa isang tabi. And again, lumabas siya ng sasakyan.I paid close attention to everything he did and followed him without question.
Sinundan ko siya na naglakad. Mabilis.
Nang may nadaanan kaming nagtitinda ng mga damit, we stopped.
“Two,” sabi niya sa tindera. It's a black shirt na ang korni dahil parehas ng design. Malaki lang ang pinili niyang size para sa kanya.
“What the...” Reklamo ko sa napili niya.
Pinagtaasan naman ako ng kilay ng tindera ng inabot kay Dev ang plastic.
“Miss, pagpasensyahan mo na 'tong girlfriend ko, alam mo na tinotoyo.” Nakangising sabi ni Dev sa babaeng tindera na napangiti.
“Ano'ng tinotoyo?” angal ko agad.
“See? Gutom na kasi.”
Hinampas ko siya dahil pinagtitinginan kami ng ibang nabili. Umaagaw ng atensyon si Dev. Wearing his white v-neck shirt, it perfectly suits him.
Bakit sa kanya ay bagay ang simpleng shirt?
Todo ngiti ang tindera nang tumingin kay Dev tapos nung sa akin kulang na lang sabihan akong huwag bumili. I can see the dislike in her eyes towards me.
“Halata nga, sir.” Pagsang-ayon pa ng tindera.
Inakbayan ako ni Dev at dinikit sa katawan niya. Nagpumiglas ako sa ginawa niya.
“What are we doing here, Dev?” tanong ko sa mahinang boses.
“We'll eat. Masarap ang mga pagkain dito. 'Di ba nagugutom ka?”
“Oo nga pero hindi dito.” I protested. Hindi dahil hindi ayaw ko sa lugar pero baka may makakita sa amin at baka masundan kami.
I love Binondo. Masasarap ang mga pagkain dito kaya lang medyo malapit lang ang pinangyarihan ng engkwentro namin sa grupo ng kalaban.
What if may madamay na ibang tao dito?
“Alam ko. Pero bakit dito tayo kakain? Hindi ba tayo babalik sa hotel? Ang lapit nila –”
Dev leaned closer to my face and pressed his fingertips against my chin. Nailang ako sa pagkakalapit niya sa akin.
Weird. I clear my throat to get rid of this strange feeling. Every time he's this close to me, may iba akong nararamdaman kay Dev.
“Chill, babs. Hindi nila tayo masusundan dito. C'mon, kumain na tayo.” Bumaba ang kamay niya sa kamay ko at hinawakan. Binalingan niya ang tindera. “Salamat nga pala dito, Miss.”
Humugot siya ng pera sa bulsa at inabot ang dalawang libo sa tindera. Nakalagay sa sign board na 250 lang ang damit. Sobra-sobra ang binigay ni Dev. Mas lalong lumapad ang pagkakangiti ni ate.
“Salamat pogi.” Kinilig nitong sabi pagkatanggap ng bayad. Kinuha niya ang dalawang shawl na nakasabit at dinagdag doon sa plastic na bitbit ni Dev.
I rolled my eyes. Napakababaero! Binawi ko ang kamay ko na hawak niya at tumalikod. Nauna akong naglakad at naghanap ng makakainan. Kanina pa tumutunog ang tiyan ko sa gutom.
“Babs, galit ka ba? Magpalit muna tayo ng damit,” he said and held my hand. Winaksi ko ang kamay niya.
“Ano ba?!”
“Sabi ko magpalit muna tayo.”
Kinuha ko ang plastic at kinuha ang damit saka sinuot. Pinatong ko lang dahil may suot naman akong sleeveless na top.
“Okay na? Pwede na ba tayong kumain?” sarcastic kong sabi.
He shrugged his shoulders. “Yeah.” Maikli niyang sagot at sinuot din ang damit. Pinatong niya rin ang binili niyang damit.
Naglakad kami at naghanap ng makakainan. Hindi naman malayo sa pinanggalingan namin.
“Ano naman naisip mo at ngayon mo tinapos ang mission natin?” tanong ko habang kumain kami.
Hindi ako nag-angat ng tingin sa kanya pero ramdam ko ang panitig niya sa akin. Inabala ko lang sarili sa pagkain.
“I told you to leave the Black Eagle.”
Napalunok ako at napatigil sa pagnguya. My gaze slowly reached out for his eyes to meet. Binaba ko ang chopsticks na hawak ko.
“Ano'ng rason?”
Siya naman ang nagsimulang kumain.
“Labas ka na do'n.”
“Pinapaalis mo ako sa Black Eagle tapos sasabihin mong labas na ako? Nagpapatawa ka ba, Dev?”
Tumigil siya sa pagkain at tiningnan ako sa mata. “Am I?”
We stared at each other for a moment.
“Give me a good reason. Make sure na mas mahalaga pa iyan sa buhay ni Boss Logan.” I challenged him.
Dev stared at me. Iyong tingin na parang pati kaluluwa ko ay in-e-examine niya.
“Your life.” Mayamaya ay sagot niya.
Nangunot ang noo ko. Dumating ang waiter at nagbaba ng order pa namin. We waited for the waiter to finish serving our food.
“Buhay ko? Bakit? Ano'ng alam mo?”
“No more questions, Lyn. Just do what I say.”
Nakipagsukatan ako ng titig sa kanya. Kung alam lang niya na may mission akong hanapin ang traydor sa grupo.
“Handa akong ibigay ang buhay ko Dev para sa trabaho ko.”
Tumiim ang bagang ni Dev. “Huwag mong sayangin ang pangalawang buhay na binigay sa iyo, Lyn. Remember, you were given a second life.”
My lips leave in owe. “P-paano mo nalaman?”
Wala akong pinagsabihan sa bagay na iyon. This is my second life. At si Logan ang tumulong sa akin kaya naman handa akong gawin ang lahat ng pinag-autos niya.
He smirked. “We worked in Black Eagle, Lyn. I have my ways.”
Wala sa sariling kinuha ko ang baso ng tubig at uminom.
“Hindi magbabago ang isip ko. Buo ang loob kong pumasok sa Black Eagle. Alam ko ang mangyayari sa akin at handa ako. Hindi mo ako mapapaalis dahil sinabi mo lang. I have my reasons to stay at Black Eagle.”
He balled his fist and clenched his jaw.
“How much?”
Tuluyan ko ng binitawan ang baso na hawak ko. Sinandal ko ang likod sa backrest ng upuan.
“Ganyan ka ba? Pera ang katapat? Mana ka nga talaga kay Boss Logan. Kadalasan, parehas na kayong mag-isip.”
“Caroline...”
“Hindi mabibili ng pera mo ang pangako ko kay Boss Logan na magsisilbi ako hanggang huling hininga ko. You should know that.”
Dev let out a frustrated sigh. Dinampot ko ang kutsara at tinidor na binaba ko sa plato at muling pinagpatuloy ang pagkain ko. Nawalan na ako ng gana kumain pero sayang ang pagkain.
“Tapusin na natin ang pagkain, Dev. Walang patutunguhan ang usapan natin. Ihatid mo na ako sa hotel pagkatapos ay babalik na ako sa isla. Tutal, tapos na ang mission natin.”
“Ganitong buhay ba ang gusto mo?”
Hindi ko alam kung ano ang gustong mangyari ni Dev. Naguguluhan ako. Pero kung sasagutin ko ang tanong niya... Hindi ito ang buhay na gusto ko pero wala akong pagpipilian. May mission akong kailangan tapusin dahil malaki ang utang na loob ko.
Napalunok ako't ngumiti nang sarcastic sa kanya.
“Oo. Kaya sana tigilan mo ang pangingialam sa akin. Kaya ko ang sarili ko Dev kaya huwag kang mag-alala.”
Hindi na muling nagsalita pa si Dev ngunit hindi na niya tinuloy ang pagkain niya.
Pagkatapos namin kumain ay hinatid na niya ako sa hotel. Katulad kanina ay wala kaming imikan na dalawa sa loob ng sasakyan.
Baba na sana ako ng sasakyan ng bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko. Kumunot ang noo ko.
Ipipilit na naman ba niya ang gusto niyang iwan ko ang trabaho ko?
“Pwede ba–”
Hinawakan ni Dev ang likod ng ulo ko. Nilapit ang mukha ko sa kanya at hinalikan ako sa labi!
I didn't expect that he would kiss me! Gumalaw ang labi niya at pilit akong pinapatugon sa kanyang mapusok na halik.
I was nervous and tense. Parang may humahalukay sa tiyan ko. For a moment, I lost the ability to protest his kisses, to push him away from me. I felt weak.
Mas lalo akong nilapit ni Dev sa kanyang katawan. Nakakapaso ang sobrang lapit ng aming mga katawan. His kiss was rough and all I did was close my eyes and feel his hot lips kissing me.
Hindi ko naiwasang tugunan ang mainit niyang halik. A moan escaped from our lips. I felt so hot. Bumaba ang kamay niyang nakahawak sa likod ng ulo ko papunta sa baywang. Ang isang kamay naman ay nasa leeg ko at umaalay sa ulo ko. My heart is beating fast. Para na iyong dinadambol.
Nang naramdaman kong gumapang ang isang kamay niya sa hita ko, doon ako nahimasmasan. I opened my eyes and pushed him.
Nagulat siya sa ginawa ko. Kahit aki man ay nagulat sa nangyari sa amin. I wiped my lips using the back of my palm. I was panting. My body betrayed me! Nakaramdam ako ng hiya.
Nagmadali akong binuksan ang pinto ng sasakyan at bumaba. I never heard a word from him. Kahit man siya ay nabigla rin siguro sa nangyari. Hiyang-hiya ako sa sarili ko habang nagmamadaling maglakad.