Chapter 7

1573 Words
Dev “KNEEL.” One word. I can feel the agony throughout my entire body just by hearing that f*****g word. I crawled to my feet and knelt, balling my fist. I can hear his sarcastic laughter. Naririnig ko ang bawat pagtawa nilang lahat. Nagpantig ang tainga ko sa boses niyang iyon ngunit kadiliman ang nakikita ko. Is this the end of me? Hindi pa pwede. Magkikita pa kami ni Nanay. “I said kneel!” His firm hand landed on my right cheekbone, causing me to squirt blood out of my mouth faster than I saw it coming. Bumagsak ang nanghihina kong katawan sa malamig na semento na nagkukulay pula mula sa dugo ng katawan ko. Hell. Buhay pa ako ngunit impyerno na ang kinasasadlakan ng buhay ko. Tumikwas ang dulo ng labi ko. What should I expect? Isang kahig, isang tuka. Isang mahirap na pilit lumalaban sa buhay ngunit mailap ang buhay para sa aming mahihirap. Tila ba, wala kaming karapatan na mabuhay dito sa mundong ibabaw. Madalas, tinatanong ko ang nasa itaas, mayaman at makapangyarihan lang ba ang may karapatang maging masaya? Hindi ba pwedeng pagtrabahuan? Magsisikap ako para sumaya naman si Nanay. My thoughts hit me. Walang posible. Dahil kung posible iyon, nakasama ko na sana si Nanay. May pamilya sana ako. Kasama sana nila ako doon sa malaking lamesa na kumakain. Ngumawa ako sa sakit nang hinawakan niya ang buhok ko at hinila upang makatayo ulit. Nanlamig ang pawis kong tumutulo sa mukha ko nang dinikit niya ang dulo ng baril sa gilid ng ulo ng babaeng mahal ko. “Huwag,” pigil ko sa mahina at napapagod na boses. “Andrea.” Humagulgol sa pag-iyak si Andrea na nakatingin sa akin. Duguan ang mukha, punit-punit ang damit, at hinang-hina na. Napapikit ako't nagpupuyos sa galit ang puso ko nang biglang narinig ko ang boses ni Calli. “Walang imposible sa Diyos, Dev. Alam mo ba na kahit hindi pa sinasambit ng ating bibig ang ating panalangin, naririnig na ng Diyos ang nasa puso natin.” Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ang sinabing iyon ni Calli sa panaginip ko. Akala ko totoong nandoon siya at kausap ko. Habol ang hininga ko, bumangon ako't tumayo at binuksan ang ilaw. Tumambad ang walang laman na gamit na silid ko. I only bought a mattress. Kahit anong sabi sa akin ni Boss Logan na bilhan ko ng gamit itong apartment ko, hindi ko ginawa. Umalis na ako sa una kong tinitirahan dahil hindi ako kumportable. Hindi ako nababagay sa ganung klaseng lugar dahil ganitong buhay ang nakagasnan ko. Sangkatutak na reklamo ang inaabot ko kay Miguel sa tuwing magagawi ang gagong iyon dito. Panay ang reklamo dahil wala siyang maupuan, walang lamesa, walang TV, walang ref. Isang bintilador, isang kutson, dalawang unan at isang kumot lang ang laman nitong maliit kong apartment. Buti pa raw noon noong nasa squatter pa kami nakatira, kahit upuan at lamesa mayroon. Samantalang kung kailan nagkapera na kami, walang laman ang bahay ko. This place is empty like my f*****g life. Walang kahit ano. “f*****g nightmares.” I murmured. Inabot ko ang kaha ng sigarilyo. Kumuha ako ng isa at dinala sa bibig. Tang ina, alas dos pa lang. Ilang beses ko nang napapanaginipan si Calli, ang babaeng mukhang anghel na kursunada ni Boss Logan. Marahas akong napabuga ng hangin. Hindi niya maaring magustuhan ang babaeng iyon. Napailing ako. Dinampot ko ang lighter sa gilid ng higaan at pumuwesto sa bintana. I combed my hair. Sinindihan ko ang sigarilyo at humithit saka ko pinatong ko ang lighter sa gilid ng bintana. Ano kaya ang pinapahiwatig at bakit napapanaginipan ko si Calli? Ilang beses din kaming nakapag-usap na dalawa. Noong una, sa charity event ni Ma'am Dorcy. Nagulat nga ako dahil kinausap niya ako at nginitian. Naabutan niya akong malalim ang iniisip. Lalapit iyon at papayuhan ako at sasabihan na mahal ako ng Diyos. I smirked. Tang ina. Buhay pa ako, sunog na ang kaluluwa ko sa impyerno. Hindi ako nababagay sa pagmamahal ng Diyos niya dahil makasalanan ako. Life was unfair. Hindi kami parehas ng buhay kaya niya nasasabi ang bagay na iyon. Simula bata pa lang ako, hindi ko naramdaman na magkaroon ng masayang buhay. O matatawag nga bang buhay iyon? Bawat butil ng kanin na kinain ko, galing sa dugo't pawis ko para makakain kami ni Nanay noon. Ang daling sabihin na may Diyos dahil hindi nila naranasan ang hirap ko, ang hirap naming mahihirap na walang pagpipilian kundi ang maging masama para mabuhay. Napapikit ako. My fist clenched. Pagdilat ko, sunod-sunod na hithit at buga ng sigarilyo ang ginawa ko. Isang hithit pa bago ko pinitik ang natitirang may sindi na sigarilyo sa labas ng bintana. Nanatili ako sa bintana. Iniisip ko si Lyn. Hindi siya maaring magtagal sa Black Eagle. Dinukot ko ang phone sa bulsa ng suot kong pantalon. Dinial ko ang number ni Miguel. “Dev, buti naman at naisipan mong tumawag. Alam mo bang—” “Kalbs.” “Putang inang pangalan na naman 'yan, Dev. Pinaganda mo lang ang kalbo.” Reklamo na naman ni kalbo. “Ipagdiinan mo pang kalbo ako.” Pinaganda ko na nga ang kalbs kaysa kalbo, reklamador ang puta. “Tsk. Gago. May ipapagawa ako sa iyo.” Pag-iiba ko ng usapan. Abutin pa iyan nh siyam-siyam ang reklamo ng hayop na 'to. “Magkano?” “Two hundred thousand.” “Ano iyan?” “Butasin mo ang gulong ng kotse ni Lyn. Sundan mo rin siya kung saan siya magpupunta hanggang nandito siya sa Manila.” “Bakit di na lang ikaw. Gagawin mo pa akong stalker. Adik ka ba o in lab ka? Mas matatanggap ko pang adik ka kaysa inlab ka.” “Gago. Ang dami mong satsat. Ano, gagawin mo ba?” “Wala bang dagdag? Syempre kakain ako't mapapagod na sundan 'yang bebe loves mo.” “Taena mo. Anong bebe loves ka diyang hayop ka. Kailangan ko lang makuha ng buo ang pera sa mission namin. Kailangan ko lang maunahan siya para sa akin lang ang pera.” Dumagundong ang dibdib ko nang maalala ang nangyari kanina sa bar. Muntik nang makuha si Lyn ng lalaking kasayaw niya kanina. Nakita kong may dalang drugs at balak no'n gamitin kay Lyn. I can't imagine if something horrible happened to her. Baka makalimutan ko ang kailangan kong gawin kapag may mangyaring masama sa kanya. “Ulol. Alam na alam ko ang kulay ng budhi mo pero di mo ako maloloko.” Natahimik ako sa kadaldalan nitong si Miguel. Napailing ako. Ilan taon na nga ba kaming magkasama nito? “Wala ng dagdag. Tang ina, ang dami mong alam.” Kailangan ko ng pera para makasali sa Foedus. Kailangan ko ang proteksyon ng organisation para makuha si Nanay. Kaya naman akong bayaran ni Boss Logan kung papayag ako pero matindi ang pagtanggi ko. Kaya kong makapasok ng Foedus sa sarili kong pera. “Hay, parang isang daan ang anak mo sa kakuriputan mo. Tang ina, Dev para ka naman may sampung pamilya. Pasalamat ka kailangan ko ng pera ngayon.” Napakamot ako ng ulo. Iyan palagi ang banat nh hayop na 'to. “Saan mo na naman ginamit ang pera mo?” Iyong huling mission namin, malaki ang bayad do'n. “Alam mo naman si ermat, akala yata tumatae ako ng pera kakasugal. Hayop na buhay 'to, hindi na umasenso.” Bumalik ako sa higaan at doon umupo. Nakataas ang dalawang binti, tinukod ko sa isang ibabaw ng tuhod ang isang kamay ko. Ganito talaga kapag galing sa masama ang pera, walang napupuntahan. Parang dumaan lang sa palad. Malakas magsugal si Aling Pasing. Palibhasa, alam niyang may pagkukuhaan ng pera si Miguel kaya walang pakialam kung buhay pa ba ang anak niya. “Yun na nga kaya ayaw kong dagdagan dahil diyan sa nanay mo. Sige na. Balitaan mo ako. Deposito ko sa iyo ang pera kapag nagawa mo na.” “Siya sige.” Pagkatapos naming mag-usap, bumalik ako sa pagkakahiga. Dinantay ko ang isang kamay sa ibabaw ng noo ko habang nakatingin sa kisame. *** Caroline Hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang naramdaman ko kanina habang nakatingin kay Dev. Nakaramdam ako ng awa na hindi ko maintindihan. Bakit pakiramdam ko, seryoso ang pagsabi niyang umalis na ako sa Black Eagle? Hindi maintindihan talaga. Minsan, gusto ko siyang makakwentuhan tungkol sa buhay niya. Nauunahan na lang ng pangugulit niya kaya madalas, nasusungitan ko na siya. Hindi ko natapos ang kailangan kong gawin dahil nagpakita din si Knight sa bar. Nagtaka lang din ako dahil malayang nakaakyat kanina si Dev kung nasaan si Mr. Liu at ang mga kasama nito. As if, kilala siya sa bar na iyon. Magaling si Dev magpanggap. Magaling siya sa trabaho niya kahit paloko-loko lang iyon. Nagising ako dahil sa mga messages ni Knight. Sa inis ko, blinock ko na siya. Dagdag lang siya sa istorbo sa trabaho ko. Isa pang version ni Dev. Umilaw ang phone ko. Inis kong itataob sana para hindi ko makita ang pag-ilaw dahil lalo akong hindi makatulog nang mahagip ng paningin ko ang pangalan ni Dev. Binuksan ko ang message niya. Dev: Umuwi ka na sa isla. Ako na ang bahala sa mission. Dev: Umalis ka na rin sa Black Eagle. Napakunot na ang noo ko sa message niya. Bakit kaya gustong-gusto niyang umalis na ako kay Boss Logan? Ano kaya ang rason niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD