Rhian's POV
Maaga akong nagising dahil sa kahol ni Ai. Kaya ginawa ko na ang daily routines ko. Sumunod ko namang ginawa ay naglagay ng pagkain at tubig ni Ai sa plate niya at sabay na kaming kumain. Nag-scroll muna ako sa f*******: ko at may nag-pop sa friends button. Agad kong pinindot ito at nakitang si Eulycis lang pala ito.
Cinonfirm ko naman na siya baka sabihin niyang snobera ako. Nag-scroll down pa ako muli at may nakita akong picture nila ate at Oliver. Edi sila na sweet walang forever! Hmmp in-off ko nalang ang f*******: ko dahil naiinis na ako.
"Bakit ganun Ai? Hindi ba maganda si Mommy kaya sa nasa iba ang mahal ko?" Nakasimangot na sabi ko pero tinignan lang niya ako. Aba't itong aso na ito tinignan lang ako hmmp
"Behave ka ha? Aalis na ako. Mamayang 7pm pa ako makakauwi. Papapuntahin ko nalang si Kuya Rico dito para bigyan ka ng pagkain mamaya" bago ako umalis hinug ko muna siya. Pagbukas ko ng pinto nagulat ako dahil nasa harap ko si Oliver
"What took you so long? Kanina pa ako dito. Tara sabay na tayo pumasok" sabi niya saka ako hinila. Buti nalang na-ilock ko ang pinto bago niya ako hinila
"Bakit ba sabay tayong papasok? Bakit hindi mo sunduin si Ate Rhea tulad ng ginagawa mo sa akin noon?" Nagtataka ako dahil sinusundo niya ako kahit malayo dito kay ate hindi niya pa ata nagawa
"S-Sabi niya tayo nalang d-daw ang sabay kaya stop asking questions malalate na tayo" kaya binilisan niya ang paglakad and as if I have a choice
Sumakay na kami sa kotse niya at nagmaneho na siya papuntang school. Wala na talaga akong choice kundi ba-baba sa parking lot kung saan nakikita pa ng mga students.
"Gosh magkasama sila nerd at Prince Oliver. Hindi pa ba sapat na inagaw na niya si Prince Blue sa atin?" Girl 1
"The nerve of that nerd! Iniwan na nga siya ni Prince Oliver pero nakadikit pa rin ito sakanya?" Girl 2
"Ano nalang ang sasabihin ni Lia pag nakita niya ang boyfriend niya kasama ay si Nerd" Girl 3
Boyfriend ni Lia si Oliver? Tinu-two time niya ba si Ate Rhea? This time ako ang humila kay Oliver papunta sa likod ng building saka ko siya binitawan.
"Tell me Oliver. Are you two-timing my sister?" Pagkasabi ko noon biglang lumaki ang mga mata niya. So totoo nga? Pero biglang kumunot ang mga kilay niya
"Where the hell did you get that? I'm not two-timing Rhea! I love her so why would I fcking two-time her?!" Galit na sabi niya na tila ba nakalimutan niyang may feelings pa ako sakanya darn it. Sana hindi ko nalang tinanong. Sinaktan ko nanaman ang sarili ko
"Narinig ko lang sa isang mga nagbubulungan na babae na boyfriend ka daw ni Lia. Maybe I heard them wrong" sabay talikod ko. Aalis na sana ako ng may sinabi pa siya
"She wants to talk to you. Pero she doesn't have enough courage. Nahihiya daw siya sayo kasi parang ibang level na ang dating mo" at nilagpasan na niya ako
Pumasok na ako ng classroom at nagtama ang tingin namin ni Lia pero agad niya itong iniwas. Pero hindi yung tingin na gusto kong makita dahil galit naman talaga ang nakikita ko sa mga mata niya. I want to confront her pero mamaya nalang after class. Nag-discuss na si ate ng subjects at nakinig lang ako. Hindi ko na rin namalayan natapos na rin ang morning class ko.
"Rhian may laro ako mamaya. Kaya baka hindi kita maihahatid pauwi sorry" nakasimangot na sabi ni Blue. Nginitian ko lang siya.
"Okay lang hanggang 7pm lang ang praktis namin. Goodluck ha" magaling siya sa basketball kaya doon siya sasali para sa foundation. Pumunta na muna ako sa locker ko para i-check ang ibang gamit ko
Malapit na ako sa locker room nang may humila sa akin. Sa isang storage room. Tinulak pa nila ako dahilan para matumba ako sa mga malalaking box na nakalagay doon. Agad ko namang tinignan kung sino ang mga ito at nanlaki ako ng makita ko sina Girly at Hilda. Matagal-tagal na rin ng huli nila akong binully.
"I miss you Rhian. Tagal nang nangagangati ang kamay ko na sumampal ng nerd na katulad mo" sinampal niya ako ng napakalakas dahil ramdam ko ang hapdi at pag-iinit ng pisngi ko
"I'm waiting for this day to happen Nerd. Hindi ka nababagay dito alam mo ba iyon? Sa basura ka nababagay" at sinampal naman ako sa kabilang pisngi ni Hilda
Ang sakit ng ginawa nila sa akin. Hindi ko na narinig yung ibang sinasabi nila sa akin dahil nakatuon ang pansin ko sa mukha kong namumula na sa sakit. Paniguradong lagot nanaman ako sa mentor namin pag nakita niya ito.
"Girls tama na yan" nagulat ako sa taong nagsalita dahil hindi ko talaga inaasahan na matatagpuan niya ako dito. Salungat sa mga sinabi ni Oliver
"Hi Rhian. Miss me? Alam mo konti nalang sana at mapapasa-akin na si Oliver. The fianceé thing? I just made that up. Kinaibigan lang kita noong una dahil katabi mo ng upuan si Oliver. But now I'm his seatmate. Gigil na gigil ako sayo ng malaman ko na kayo ni Oliver. Hindi mo ba alam na gusto kitang patayin dahil doon? Girls hold her" hinawakan naman nila ako sa magkabilang kamay ko. I thought she's a good friend. Why could she?
"Aww. So innocent so naive. You trust me that much that I couldn't even do this kind of thing?!" Napapikit ako dahil sa sakit na dulot niya sa paghawak ng buhok ko
"Isa ka lang na nerd. Ako dapat ang partner ni Oliver sa pageant at hindi ikaw. I'm more perfect than you are. Tell me sineduce mo ba si Alex para maging ikaw ang partner ni Oliver?" Nakangising sabi niya sa akin.
"Ganito ka pala Lia? I thought you're too innocent pero mali pala ako dahil may baho ka palang tinatago. Tulad ka rin lang nila. Don't compare me to your stupid attitude. My sister is perfect than you are kaya hindi ka napansin ni Oliver dahil mahal niya pa ang ate ko!" Sigaw ko. But then I realized its a wrong move. Hindi ko dapat sinabi ang mga iyon
"May affair si Ma'am Rhea at Oliver? Oh my god. This is a great news. Mapapatalsik na rin ang babaeng iyon" nakangising sabi ni Hilda
"I hate that Teacher. She always make recite me" maarteng sabi ni Girly
"Wala silang affair. Ex-girlfriend niya ang ate ko! Kaya wag niyong papakialaman ang ate ko kung ayaw niyong kayo ang malalagot" banta ko sakanila. Sana bilhin nila ito dahil ayaw kong masira sila ate ng dahil sa akin kahit masakit
"Natakot kami Rhian super" nanglolokong ngiti ang binitawan niya sa akin at bumelat pa siya sa akin.
"Bakit nandito kayo? Rhian?" Gulat na gulat si Eulycis ng makita ako. Medyo nararamdaman ko na ang pagod ko. Ang sakit pa kasi ng sampal at sabunot ni Lia
Binitawan ako agad nila Girly at Hilda saka sila tumakbo. Napahiga ako dahil hindi ko na kaya pang buhatin ang katawan ko. Sinilip ko pa si Lia at nakita ko ang reaksyon niya na para bang takot. May sinasabi si Eulycis sa kanya pero hindi ko alam kung ano iyon.
"Lets get you to the infirmary" binuhat niya ako ng bridal style. Hindi na namin pinansin ang nasa paligid. At mamaya ko nalang itatanong kung paano niya ako nahanap. Pumikit na ako ng nasa tapat na kami ng clinic
Nagising nalang ako sa sigaw ng boses ni Ate Rhea. Nakita ko rin sa wall clock na 4:20pm na kailangan ko ng bumangon at magpunta sa praktis.
"Stay. Kailangan pa nating ayusin yang pisngi mo. Namamaga pa" sabi ng nurse sa akin. Napaka-strikto naman nito
"What happened to you? Who did this to you?" Halos gusto ng maiyak ni ate ng makita niya ako kaya agad ko siyang niyakap.
"I'm sorry ate"