Chapter 21

1239 Words
Rhian's POV Naikwento ko lahat kay ate ang mga dinanas ko kanina sa storage room. Iyak siya ng iyak dahil daw sakanya kaya daw ako nagka-ganito. Okay lang daw sakanya na mawalan siya ng trabaho dahil break lang naman niya yun. Guilty pa rin ako kasi parang ang labas noon pinaghihiwalay ko silang dalawa. "Rhian yung pose mo. Ayusin mo! Late ka na nga lang tapos ganyan ka pa!" Bulyaw ng mentor sa akin. Inayos ko nalang ang pose ko. Hindi naman ako marunong sa ganito pero heto ako inaayos ang sarili ko sa isang pose "Relax ka lang Rhian. Isipin mo nag-popose ka mag-isa sa banyo" napalingon naman ako sa bumulong noon at nanlaki ako dahil si ate iyon. "Ate baka marinig ka nila. Ssh ka lang please" nakita kasi ako ni ate noon na nag-pose sa banyo. Dahil idol ko si ate ginagaya ko rin siya noon. Pambihira naman humagikgik lang siya sa gilid "Okay good now do the catwalk" inisip ko nalang yung mga sinabi ni Ate Rhea kanina. I can do this I will apply what I've learned from her before. "Good Ms. Santiago" natuwa naman ako dahil positive ang nakuha kong komento. Pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko para matapos na. Matapos ang ilang oras okay na kami. Bukas nalang kami magpraktis muli. Inayos ko na ang gamit ko wala na rin si ate tapos gabi pa. May praktis pa sa basketball si Blue. Uuwi nalang ako sa condo dahil meron pa si Ai. Hindi ko natext si kuya para bantayan si Ai dahil sa ginawa nila Lia.  "Lets go" nagulat ako sa boses na nanggaling sa likod ko. Bumilis pa ang t***k ng puso ko. Kinuha niya ang bag ko na parang daig pa niyang boyfriend ko. Kinikilig ako pero hanggag friends nalang kami Sumunod na ako sakanya hanggang sa sasakyan niya. Tahimik lang kami buong byahe hindi kaya alam na niya ang nangyari sa amin kanina ni Lia? Alam din kaya niya na nasabi ko ang tungkol sa kanila ni ate? Sana hindi. Bumaba na ako sa sasakyan niya ng nakapag-park na siya ng kotse niya. Agad kong kinuha ang gamit ko sa likod baka bitbitin pa niya itong muli nakakahiya naman sakanya kung ganoon. Medyo akward na nga kami ng dahil sa maraming issues maki-feeling close pa ba ako? Sabay na kaming sumakay ng elevator at sobrang tahimik talaga. Para bang strangers lang kami na coincidence lang kami nag-sabay. Hanggang sa paglakad papuntang unit sabay pero bago kong mabuksan ang kwarto ko... "Thank you. Good job for today" pagbukas ko ng pinto saka naman ang lapit ni Ai sa akin at galak na galak akong makita. "Malaki na pala siya? Parang kailan lang ng binili ko siya para sayo" nakangiting sabi niya habang nakatingin kay Ai. "Oo. Salamat pala sayo kaya nagkaroon ako ng kasama. Nagpapaalalang hindi tayo pwede" pabulong kong sinabi ang panghuli "Ano yun? Hindi ko narinig medyo humina ang boses mo" deretsyo na siyang nakatingin sa akin ngayon. Nakaka-akit ang mga mata niya pero bakit parang unting-unti lumalapit ang mukha niya? Hindi kaya? Ilang inch nalang at malapit na ang mukha niya sa akin. Is he going to kiss me? Halos sabay na kaming pumikit at ramdam ko na ang hininga niya...hanggang sa tumunog ang cellphone niya at sabay kaming napadilat at nilayo ang mukha. "S-Sorry. Have a good night sleep Rhian" at umalis si Oliver. At heto ako natunganga sa nangyari na muntikan kami maghalikan pero naudlot dahil sa tawag. Medyo rinig ko pa na kausap ni Oliver si Ate Rhea. Now I know. Sinara ko ang pinto at pinakain si Ai. Nagluto nalang ako ng cup noodles at iyon ang kinain ko for the night after that nag-shower na ako saka humiga sa kama. Nag-open muna ako ng cellphone at saktong tumatawag si Blue. "Hello Baby! Katatapos lang ng praktis namin nakauwi ka na ba?" Rinig kong nag-aayos siya ng gamit niya sa kotse niya katatapos nga lang. "Yeah. Nakahiga na ako sa kama matutulog na sana" sabay nagkunwaring hikab ako "I see. Sige matulog ka na baby. I love you" pagkasabi niyang iyon pinatay ko na ang tawag. I never said 'I love you too' sakanya eversince na maging kami ulit. Agad akong nakatulog dahil siguro sa pagod na nangyari ngayong araw. Pero akala ko goodnight sleep lang ang meron. Naalimpungatan ako sa kahol ni Ai kaya tumayo ako agad. Malakas ang kahol nito tila parang may pilit pumasok ng unit ko. Lumapit ako sa pinto at sinilip kung sino ito at lumaki ang mata ko ng malaman kong si Oliver ito at may bitbit itong alak. Kinabahan ako bigla hindi kaya alam na niya? Galit ba siya? Pero pinipilit niyang buksan ang unit ko so it means akala niya kanya ito? Maya't-maya tumigil na ang pagtunog ng pinto. Sinilip ko siya at parang wala na yata saka ko binuksan ang pinto. "Retard" nagulat ako sa boses na yun dahil sa sobrang cold. Napalingon ako sa kanan ko at nakita ko si Oliver pula ang mata at amoy alak nga ito. "Lasing ka Oliver. Doon tayo sa unit mo" balak ko siyang tulungan kaso tinabig niya ang kamay ko at kusa nalang pumasok ng unit ko. Feel-at-home ang peg niya ha? "Ai! Come to daddy" nagulat ako sa sinabi niya. Daddy? At itong aso na ito biglang tumalon kay Oliver. Samantalang kay Blue hindi niya ito ginawa napapasunod lang pero hindi nilalambing. "Good boy. Labas tayo sa susunod okay? May I borrow him next Saturday? I'd like to have a time with Ai" nakangiting sabi niya. Kung hindi lang siya lasing sasabihin kong sama ako kaso nakakahiya naman kaya tumango nalang ako at mas lumawak ang ngiti niya "Thank you" saka siya nagpaalam. Ngumiti lang ako hanggang sa siya ay makalabas. Pinat ko ang ulo ni Ai saka bumalik ng kwarto at natulog. Maaga akong nagising at pumasok sa school pero napansin kong wala halos tao at nabasa ko sa bulletin na walang pasok ngayon at praktis lang ang meron. Kaya pumunta na ako sa gym at nakita ko ang iba doon. Kaso wala pa si Oliver. "Today I want this day to make as an exemption. Kailangan niyong magpahinga then do your talents. That's all goodbye" pambihira ang aga ko pa naman pumasok "Where are they? I'm late right?" Nagulat ako sa nagsalita sa likod ko at nakitang pagod ito dahil sa katatakbo "Yeah disqualified na daw tayo" malungkot na sabi ko pero deep inside natatawa ako dahil ang itsura niya ay parang disappointed rin. Hindi ko na mapigilan ito realtalk "Why are you laughing?" Naiinis niyang sagot. Pero hindi ko siya sinagot kaya agad itong tumalikod kaya agad kong sinundan "Hey joke lang. Mag-praktis daw muna tayo para sa talent natin" tumango naman siya at napadpad kami sa hindi ko alam na lugar. Ang tahimik dito at parang hill ito. "Anong gagawin natin dito?" Pero hindi niya ako inimik. Humiga siya sa ilalim ng puno kaya sinundan ko lang ito at tumabi. "I've heard everything from Rhea" nakapikit niyang sabi kaya kinabahan ako. Hindi kaya patayin niya ako? Baka matanggal ang mahal niya sa school namin eh "I'm not mad. Well last night yeah but not at you. Hindi ko naisip na may mangyayaring masama sayo after that. I'm sorry for being a jerk Rhian. Anyway let's stay as friends okay?" At nilahad nito ang kamay niya. Masakit man tinanggap ko na ito dahil baka hanggang dito na nga lang talaga kami Pagkatapos noon hindi ko na namalayan nakatulog kami pareho sa ibaba ng puno. Magkasama sa lugar na kami lang dalawa. Sa lugar na walang problema. Sana ganito nalang at huminto na ang oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD