Rhian's POV Pagkarating namin ng hotel nag-shower na ako para matulog na. Bukas ng gabi aalis na rin kami. Uuwi na kami ng Pilipinas. Nag-paakyat din ako ng tao na kukuha ng madumi naming damit para mai-laundry para konti lang ang madumi naming damit uuwi. Hindi kami nag-iimikan ni Oliver. Lumabas pa ito ng hotel. Hindi ko sana balak siyang antayin pero baka kung ano ang mangyari sa kanya lalo na't wala kami sa Pilipinas. Matutulog na sana ako dahil 11:55pm na nang may biglang kumatok. Nakalimutan niya ba ang susi niya? Binuksan ko ang pinto at tumambad sa akin si Oliver na pulang-pula ang mukha. May hawak pa siyang bote. Agad ko siyang inalalayan papunta sa bed niya. Kinuha ko ang bote at tinabi sa lamesa. Bigla niya akong hinila at hinalikan "Oliver stop it. You're drunk" pagtutulak

