Rhian's POV
"We'll stay in one room"
"We'll stay in one room"
"We'll stay in one room"
"We'll stay in one room"
Paulit-ulit na bumabalik sa ulo ko ang sinabi ni Oliver. Akala ko noong una isang kwarto na literal. Yun pala sa isang hotel room dalawa ang bed. Nako nakalimutan ko na pwede ang dalawang bed sa isang room.
"Matulog ka na muna. Lalabas tayo mamaya" napatingin ako sa gawi niya at nakatingin ito sa akin. Agad ko siyang tinalikuran at natulog na
Nagising ako sa tunog ng cellphone ni Oliver. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko and its already 6:35PM. Tumayo na muna ako at naligo na pag labas ko ng banyo ay siya namang tayo ni Oliver at nilagpasan ako.
Na-realize ko na hindi pala ako properly dressed kaya agad akong nagpalit. Nakakahiya sa kanya buti nalang at sa banyo lang siya pumunta. Nagsuot ako ng t-shirt at pants with matching white boots. Sinusuot ko na yung white coat ko ng lumabas na si Oliver at nakapalit na siya
Lumabas kami ng hotel at nagpunta sa night market. Hindi ako pinansin ni Oliver na mamili ng mga gusto ko kundi hinayaan lang niya. Nang makabili na ako ng pasalubong ko umalis na kami doon at kumain sa isang noodle shop
"Saan mo gusto pumunta bukas?" Napaisip ako sa sinabi ni Oliver. Ano ba ang main tourist spot ng HongKong kundi ang Disneyland kaya nakangiti na akong humarap sa kanya
"Sa Disneyland" napakunot siya pero agad din siyang tumango mukang sinamahan niya lang talaga ako ayaw ba niyang mag-enjoy?
Pagkarating namin ng hotel may event na nangyayari. Parang reception yata ngayon ang hall nila ng bagong kasal. Syempre dadaanan namin sila kaya makikita namin ang bride at groom. Nang masilayan ko sila paano naman kung ako ang nasa sitwasyon nila? Magiging masaya ba ako?
"Don't idle. Let's go para makapunta tayo bukas. We have only limited time here" sinundan ko na agad si Oliver papunta sa suite namin. Nag-shower lang ako at natulog na kami
Maaga akong nagising kaya bumaba na ako ng suite namin para mag-breakfast. Wala na rin si Oliver mukhang nauna na sa baba. Pagkarating ko doon tuwang-tuwa si Oliver sa babaeng kasama niya. Tss akala ko ba si Ate Rhea lang? Heartthrob ka nga pala ng school what should I expect. Nakakaselos naman
"Hey. Nice seeing you again" lumingon ako sa taong nagsalita at nagulat ako dahil si William ito pero ngumiti pa rin ako
"William nice seeing you too. Uhh breakfast?" Pag-uumpisa ko ng topic dahil ayaw kong mailang sa taong ito at syempre wala akong kasama dahil si Oliver nakikipaglandian nanaman
"Yeah. Call me Liam. William is too long. Care to join me eat breakfast?" In-offer niya akong samahan siyang kumain kaya tumango ako bilang sagot
Nag-order lang kami ng bacon and pancakes with coffee syempre. Sagot na daw niya ang breakfast namin kasi sinamahan ko siya. Naks naman nakatipid pa ako ng pera ang saya talaga
"So vacation with your boyfriend?" Pagu-umpisa niya kaso bigla akong natawa dahil akala niya boyfriend ko si Oliver well naging fake boyfriend oo
"No we're just friends. He is my sister's boyfriend. Nanalo lang kami sa contest that's why we're here" dumating naman na ang food namin ng masabi ko yun pero hindi dito natapos ang usapan
"Pero kung makatingin sa lugar natin parang anytime i'll be lying dead on the floor" then he chuckled kaya napatingin ako sa lugar ni Oliver at kitang masama ang tingin niya sa amin
"Nevermind him. I'm dating his half-brother anyway" bigla siyang nabilaukan kaya agad ko siyang inabutan ng tubig buti nalang meron na dati sa lamesa
"Ano? Seriously? You and his half-brother and him with your sister? How in the world did that happen?" Natawa ako dahil lang dun. Small world ika nga nila.
"It's a long story Liam" nagkibit-balikat nalang siya at tinuloy ang pag-kain. Nang natapos ako nagpaalam na akong pupunta na ng hotel room namin para maghanda na
Namg marating ko ang elevator siya naman ang kita ko sa paparating na Oliver. Dinedma ko nalang siya ng makasakay ito pero akward pala dahil dalawa lang kami sa elevator hanggang sa pag-akyat ng hotel room. Hindi nalang niya ako pinansin.
"Oliver" pagbasag ko ng katahimikan. Buti at pinansin niya ako kasi nilingon niya ako. Nag-aalanganin ako sa gusto kong sabihin pero this is it.
"Can you grant my selfish request? Okay lang kung ayaw mo. Hindi naman kita pinipilit" matagal siyang hindi nagsalita it means ayaw niya. Loyal siya kay Ate Rhea anong magagawa ko
"Sure ano ba?" Parang nabuhayan ang loob ko ng sabihin niya yun kaso bigla akong nahiya ng marealize ano yung request ko kasi nakangiti na ako
"Umm. Pwede sa trip na ito. Pwede bang gawin yung tulad ng dati? Magpanggap na tayo? I mean kahit ngayong araw lang kung gusto mo" there I said it. Tango lang ang isinagot niya sa akin. And I'm happy
Nagpalit ako ng pinakamaganda kong damit. At syempre date namin ito naglagay ako ng konting make-up. Dapat mag-ayos ang isang prinsesang nerd na tulad ko hindi ba? Mamaya agawin nanaman nila sa akin ang date ko
"Lets go love" bigla akong nakaramdam ng butterflies sa stomach ko ng sabihin niyang muli ang endearment niya sa akin noon
Tumango lang ako bilang sagot at nagulat ako dahil nag-intertwine ang mga kamay namin. Aaminin kong kinikilig ako pero dapat hindi ko ipahalata. Medyo matagal kaming nakarating ng disneyland dahil malayo ito sa hotel namin pero okay lang dahil hindi pa rin binibitawan ni Oliver ang mga kamay namin
"Selfie tayo" sabi ko saka nilabas ang phone ko. Nang magpipicture na kami napansin ko na ayaw niyang humarap sa camera kundi sa akin siya nakaharap. Kinuha ko yun kasi ang sweet namin hanggang sa humarap na siya ng cam buti nalang nakuha ko yun
"We are here" napalingon kami pareho sa driver kaya nagbayad din kami agad. Pagkalabas namin sobra ang mangha ko sa Disneyland. Ang ganda ng lugar no wonder this place is the tourist spot
Nag-enjoy kami ni Oliver sa loob. Sumakay kami ng ilang rides doon at nakipicture sa mga disney princesses. Gustong-gusto ko ang mga disney princesses noong bata ako kaya sobrang tuwa ko ng makita ko sila dito. Nakita rin namin sila Mickey Mouse at friends niya syempre nakipicture kami. Hindi rin magpapahuli ang toy story cast. Nag-enjoy ako sa araw na ito dahil kasama ko siya.
Bumibili kami ng souvenirs sa isang shop ni Oliver at nakakita ako ng couple shirt. Binili ko ito agad at sinuot namin. May tatlong paper bag na hawak si Oliver ngayon habang nag-iikot pa kami ng may isang babae at lalaki ang humila sa amin at dinala kami sa...wedding booth.
"Hey what is this?" Nalilito na ako dahil inaayusan nila ako although yung buhok lang dahil may nilalagay sila sa akin. Maya't-maya tinulak na nila ako palabas
"Name please?" Tanong nung babae. Agad ko naman siyang sinagot pero dinedma lang nila yung sagot ko
"Do you Oliver Park take this young woman to be your wife?" Tanong nung lalaki na naka-puti. Obvious naman na hindi rin siya pari
"I do" napalingon ako kay Oliver ng sabihin niya yun. Siguraduhin lang nila na laro ito dahil hindi ako makakapag-decide
"Do you Rhian Santiago take this young man as your husband?" Napalunok muna ako bago sumagot. This a request from me kaya tanggapin mo ito
"I do" alam kong half-hearted lang yung sagot ko. But if he loves me then I will be happy pero parang pilit lang sakanya ito
"You may now kiss the bride" nagulat ako ng sinabi iyon ng lalaki. Oliver won't do it. Loyal siya sa----
He kissed me infront of many people. Nagulat ako doon. Alam kong mali itong ginagawa namin but it is just a game. Pagkatapos ng kasalan na yun. Pinapirma kami sa isang tablet. Then binigyan kami ng print ng love marriage certificate. Halatang fake lang ito. Binigyan rin kami ng picture to commemorate this day
Hindi na kami nag-usap ni Oliver pabalik ng hotel. Nasa akin rin yung mga nakuha namin sa disneyland. Pati yung damit na binili ko. Maybe nagsisi rin siya sa ginawa namin kanina. Napaluha nalang ako sa sakit
"I'm sorry" pabulong kong sinabi. I'm saying sorry for him, for myself and for my heart.