Chapter 29

1130 Words
Rhian's POV Ito na ang oras na pupunta kami ng HongKong. Kasalukuyan kaming nag-aayos ng gamit namin sa airport ni Oliver at kasama namin si Ate Rhea. Ihahatid lang kami sa Airport "Mag-iingat kayo doon babe ha? Ingatan mo rin yang kapatid ko isipin mo nalang na ako yan" nakangiting sabi ni Ate Rhea. Edi wow hindi po tayo magka-mukha "Sige. Kami na bahala dito umuwi ka na dahil gabi na baka mapano ka pa" nakaka-inggit naman sila. Walang forever. Sana sumama nalang si Blue ~flashback~ "Hatid na kita sa airport baby. Hahabol nalang ako sa meeting namin" kasama ko si Blue sa bahay ng mga oras na iyon at dahil mabait akong bata "Pumunta ka na. Kailangan ka nila doon" pinapa-alis ko na siya kasi kanina pa siya tinatawagan at nakakainis na yung tunog dahil pati ako ginugulo nila "Okay. Basta mag-iingat ka doon ha? My brother will going to take care of you. I love you baby" hinalikan niya ako sa noo like he always do noon "I love you too. Punta ka na at mag-aayos na ako" umalis na rin siya pagkatapos kong sabihin iyon ~end of flashback~ That's why wala si Blue. Iniwan ko na muna yung lovebirds doon at pumunta sa isang stall na may mga keychains. Nagtingin-tingin muna ako doon habang inaantay yung tawag sa flight namin. Kinakabahan ako pero excitement din ang nararamdaman ko at the same time "Hey! Bakit bigla ka nalang nawala?! Nag-aalala si Rhea sayo" nagulat ako sa nangsigaw sa akin kaya nasapak ko "Sorry. Hindi ako sanay ng may nang-gugulat sa akin" although masaya ako kasi nasapak ko siya dahil sa inis "Its okay. Umalis na ang ate mo tara na sa loob. Kanina pa tinatawag lahat ng passengers yet here you are doing nothing" hinayaan ko nalang siya na hilain ako dahil parang biglang nagkaroon ng slowmo Hindi ko alam na mararamdaman ko itong muli. Ang saya sa feeling. Pero bumalik ako sa wisyo ng yugyugin naman ako ni Oliver "Ticket mo daw. Kanina ka pa lutang ah. You wanna go or not?" Agad kong nilabas yung ticket ko at inabot sa nagchecheck "Tara" yun nalang nasabi ko at pumasok na sa loob. Tinuro naman sa amin kung saan ang upuan namin at inunahan ko siya dahil gusto ko sa may bintana ako "Childish" napatingin ako sa sinabi niya. Ako childish? Saan part. Sinamaan ko lang siya ng tingin saka bumaling sa labas at tinignan ang baba "If you want to sleep just tell me" napalingon ako sa sinabi niya kaso naka-headphones na siya ng matignan ko ito Hindi ko nalang siya pinansin hanggang take-off. Inisip ko this is my first trip going outside the country without my parents and siblings. Kaya ko kaya? Sapat ba ang pera na hawak ko? At dahil sa sobrang kakaisip nakatulog ako. Nagising nalang ako dahil gusto kong mag-jingle. Then narealize ko na naka-patong pala ang ulo ko sa balikat ni Oliver at nakakumot na ako. Halos lahat ng tao tulog na kaya dahan-dahan akong umalis sa tabi ni Oliver Narating ko ang banyo at jumingle. Maya't-maya naramdaman kong parang may nagsuntok ng pinto kaya mabilis akong umuhi at nag-ayos. Pagbukas ko ng pinto may dalawang tao na naghahalikan sa may tabi ng pinto. Hindi ko alam kung bakit napako ang tingin ko sa dalawa pero naramdaman ko nalang na may humawak na sa akin "Sa susunod magpaalam ka kung may gusto kang puntahan" hindi ko alam kung maiinis ako sakanya o kikiligin pero masaya ako dahil inalis niya ako sa lugar na iyon. May innocent eyes is aching haha Napaisip ako doon sa dalawa kanina. The last time na nagkiss kami ni Oliver it was on my unit. He was drunk that time. Pero kalilimutan ko na iyon. Its not worth remembering unlike the kiss in the ferris wheel "Hey you're spacing out again. This little girl" natawa ako sa reaksyon niya. Ang cute niya kasi mainis "And there she's laughing. Halika na nga maupo na tayo" pagkaupo naming dalawa bigla niya akong kinumutan na siyang ikina-tingin ko sakanya Napatingin na rin siya sa akin at nagti-titigan na kaming dalawa. Hindi ko alam pero heto nanaman yung slowmo na nararamdaman ko. Parang unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin. Pero mali ito may mga karelasyon kaming dalawa hindi maaari ito kaya agad kong inilayo ang mukha ko "Matulog ka na" malamig niyang sabi. Wala na akong nagawa dahil alam kong kasalanan ko kaya natulog na ako at sa bintana ako sumandal Nagising nalang ako na nakasandal ng muli ang ulo ko sa balikat niya. Alam kong malapit na kami kaya kinuha ko ang oras na iyon para tignan ang mukha niya muli. Ang gwapo niya pero hindi ko alam kung paanong mahal namin pareho ng ate ko ang lalaking ito "Staring is rude. If gising ka na pwede umayos ka ng upo dahil ang bigat mo?" Na-conscious ako sa sinabi niya kaya agad akong umayos ng upo "Wag mo nang ipapatong ang ulo ko sa balikat mo kung mag-rereklamo ka lang rin" pabulong kong sabi. Tinaas ko ang nakatakip sa bintana ko kaya ngayon ay kitang-kita ko na ang baba Nalulula ako dahil ang taas namin pero exciting ito. Medyo nahilo man ako nung una pero ngayon okay na ako. Napalingon ako sa gawi ni Oliver kasi may flash akong nakita at alam kong ako ang kinunan "I'm sorry ang cute mo kasi habang nakatingin sa bintana" pareho kaming napatingin ni Oliver doon sa katabi niya "Thank you" nahihiya kong sabi. Saka ako lumingon muli sa bintana. Ang saya sa feeling pero nakakatakot kung lilingon pa ako dahil kung ang titig ay nakakamatay kanina pa ako patay dito Hindi ko na pinansin ang paligid ko at dahil sa tuwang-tuwa ako sa mga ulap mabilis lumipas ang oras at nandito na kami sa HongKong. Tahimik lang kaming bumaba ng eroplano dahil naiilang ako kasi kasunod lang namin ang nag-picture sa akin "Let's go check-in sa hotel natin" sumunod lang ako kay Oliver dahil hindi ko ramdam na pwede ko siyang awayin. Galit pa rin yata "Same hotel pala tayo. Sabay-sabay na tayo" nakangiting sabi nung lalaki. Bigla nalang ito sumulpot sa tabi namin ng marating namin ang hotel. Nginitian ko nalang siya. At si Oliver kinukuha na ang keys namin. At sumunod na ito para kumuha ng susi niya. Hindi namin siya kilala at hindi man lang marunong magpakilala. Annoying na talaga "Let's go" sinundan ko nalang muli si Oliver. Iniwan na namin yung lalaki sa front desk pero loko nga naman ang tadhana at nakasunod pa sa amin at kasama pa namin sumakay ng elevator "I'm rude am I? William Castillo is the name" sabay abot ng kamay niya. Nakaramdam ako ng chills sa likod ko pero ang rude naman kung hindi kami magpapakilala "I'm Rhian Santiago and this is Oliver Park" nakangiting sabi ko. At inabot ko na rin ang kamay niya para makipag-shakehands kaso bago ko maabot hinila na ako ni Oliver palabas ng elevator "We'll stay in one room"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD