Rhian's POV
"Ms. Santiago may 3 days and 2 nights kayong trip ng partner mo sa HongKong. Although you guys need a chaperon I believe naman na hindi niyo na kailangan. Bukas na ng gabi yan. Nakalimutan ko lang ibigay sainyo agad kasi kayong umuwi" andito ako ngayon sa harap ng cafe kasama ang coach namin. Inabot ang isa sa mga prize namin
"Thank you. Kung wala ka ng ibang sasabihin mauuna na ako ha? May gagawin pa kasi ako" tumayo na ako at nagpaalam ng mabuti. Paano ko kaya maibibigay kay Oliver ito?
Nag-iisip ako ng rason para siya ang makasama ko at hindi niya ibibigay sa iba. Pero alam kong hindi siya ang makakasama ko. Gusto niya ang ate ko ano pa ba malamang hindi ako ang pipiliin niya. Anyway ibibigay ko nalang ang sa kanya at gagamitin ko nalang ang akin bukas bahala siya kung ano ang gusto niyang gawin doon. Dumeretsyo na ako sa condo at kumatok sa harap ng pinto ni Oliver. Bumukas ito at niluwa ang half n***d na Oliver
"Gosh my innocent eyes. Magtakip ka nga Oliver" pero pasimple naman akong sumisilip hahaha ang hot niya. Ano ba Rhian tumigil ka nga
"Pumasok ka nalang magpalit lang ako" nang maramdaman kong wala na siya saka ako pumasok maloka naman ako sakanya
"I'm now okay. Anong meron at napunta ka dito?" Prenteng sagot niya. Ang bango niya parang nate-tempt akong yakapin siya
"Hey are you listening?" Nagulat ako ng hawakan niya ako sa balikat kaya bigla siyang napataas rin ng kamay
"A-Ah. Yung ticket pala sa HongKong. Premyo natin to sa contest" inabot ko na sakanya ang envelope na naglalaman ng ticket
"Bukas ng gabi ang flight niyan. I wanna go kasi it will be my first time going outside the Philippines" nakangiting sabi ko. Pero deep inside gusto kong samahan niya ako
"I'm sorry Rhian but I have plans for tomorrow. But i'll keep this para masabi ko namang remembrance ng pagka-panalo ko sa isang contest" ang masayang ngiti ko kanina ay napalitan na ng bitter smile
"Aw okay. Una na ako ha? Mag-aayos pa ako ng gamit" tumayo na ako at agad na nagtungo sa pinto pero huminto din ako ng may sinabi siya
"But I can go with you" hindi ko mapigilan ang pag-ngiti ng malaman ko na pupunta siya. Nag-thumbs up nalang ako at tuluyan ng umalis.
Pagkalabas ko gusto ko ng isigaw ang saya. He's coming with me tomorrow night. Magsasama muli kami yay! Papasok na sana ako ng unit ko ng may nagsalita sa likod ko kaya nagulat ako. Napalitan ng kaba ang mukha ko dahil doon
"Haha you're funny" pinalo ko si Blue dahil sa ginawa niya. Hindi magandang mang-gulat lalo na at masaya ako ngayon
"Anyway lets date Rhian. Please" naisip ko na may priorities din pala ako kay Blue pero naisip ko rin na kailangan na niyang malaman ang totoo
"Okay Blue. Pero kailangan ko rin makauwi para makapag-ayos ng gamit ko. Pupunta ako bukas ng Hongkong" bibili nalang ako mamaya ng iba-baon ko bukas
"Sige but your time is only mine okay?" Tumango ako bilang sagot kaya pumasok na muna ako ng unit para magpalit.
Nagsuot lang ako ng short at shirt. Messy bun ang hairdo ko. Naglagay na rin ako ng pagkain ni Ai in case na magutom siya. Maya't-maya lumabas na kami ni Blue. Nagpunta kami sa amusement park
Marami akong naalala sa lugar na ito. Dito rin ako dinala ni Oliver noon. Mga panahong nahulog na ang loob ko sakanya. Panahong huling pagsasama namin bago naging sila muli ni Ate Rhea.
"Are you okay baby?" Hinawakan ako ni Blue sa balikat dahilan para bumalik ako sa wisyo ko. Kinabahan ako doon
"Okay lang ako. Let's enjoy our date nalang" nginitian ko nalang siya para hindi niya mahalata na malungkot ako. I don't deserve him
Sumakay nalang kami ng mga rides ni Blue hanggang sa sumuko na kami. Kumain kami sa isang magandang restaurant. Naiilang ako sa damit ko dahil halos ng nasa loob naka-dress. Ano ba kasing pumasok sa isip ko at ito ang sinuot ko?
Hindi rin kami nagtagal sa restaurant kaya pumunta na kami sa mini mart para bumili ng babaunin ko papuntang HongKong. Excited na ako sa pag-alis bukas ng gabi.
"Rhian gusto mo bang sumama ako sayo sa HongKong? Naisip ko kasi hindi ko kaya na magkasama kayo ni Oliver. Nagseselos ako" napahinto ako sa mga sinabi niya. Paano yun?
"S-Sige. Ikaw bahala" hindi na siya nagsalita pa ng sinabi ko iyon. Hindi ako makapaniwala na sasabihin niya ngayon ito sa akin.
Hindi na kami nag-usap ni Blue hanggang sa pag-uwi ko. Hindi ko alam pero parang may mali sa mga sinabi ko kanina kaya naging ganyan siya at ayaw ko ng silent treatment na galing sakanya. Hindi ako sanay
To Blue ❤️:
Hey kung may mali man akong nasabi o nagawa sayo kanina sorry. I don't want how you treat me like that. Goodnight
Sent
Mahal ko si Oliver at mahal ko rin si Blue. Pero alam kong mas matimbang si Oliver kaysa kay Blue. Nahihirapan na akong mag-decide. What to do? Maya't-maya nag-vibrate ang phone ko nagreply siya
From Blue❤️:
You've done nothing. Nagseselos lang ako that's all. Anyway I can't make it too. I have something to do this week I need to help my mom. Enjoy your trip. I love you.
Medyo naginhawaan ako ng mabasa ko ang text niya pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang treatment niya sa akin. I need to decide after the trip. I need to choose. And its my final decision. Lord, help me to choose the right thing for the good of my love ones.