Chapter 21

1541 Words
-May- Hindi pa dumadating si hubby dahil marami siyang aasikasuhin at hindi na rin daw siya makakasabay papunta sa mansion nila Sabrina para sa welcome party. Tsk. Ewan ko ba pero naiinis ako. Ano ba ang inaasikaso niya. Or should I say sino ba ang inaasikaso niya? "Mahal na prinsesa, nandito na po ang mag aayos sa inyo. Nag hihintay po sila doon sa spa." sabi ng katulong "Pupunta na ako." Inayos ko na ang sarili ko at pumunta na ako doon sa spa. Di ba nga may sariling spa itong palasyo? Kaya walang hirap ang pagpapaganda dito. ** Pagdating ko,nadatnan ko sila Carmela at Angeli na inaayusan ng ilang babae. "Hey May!" bati ni Angeli "May." ani ni Carmela Nginitian ko lang sila at sumunod na doon sa babae na mag aayos sa akin. Pero bago yun ay nagbihis muna ako ng robe. Tumabi ako kila Carmela at Angeli at inumpisahan na ng mga babae ang pag aayos sa akin. May nagmamanicure at may nag aayos sa buhok ko. Iba pa dun ang naglalagay ng kolorete sa mukha ko. "Siguraduhin niyong magandang maganda si May." biglang nagsalita si Angeli "Yeah. I want to see perfection." dagdag ni Carmela. "Yes, your highness." Pinagpatuloy na nila ang pag aayos sa akin. Nilagyan ako ng smokey eyes, bloody red lipstick at kinulot ang dulo ng mahaba kong buhok. "Whoaah! I love it sister-in-law! You look stunning!" "Perfect." Tiningnan ko ang sarili ko. Ang laki ng pinagbago ng mukha ko. Mas naenhance yung facial features ko. Ang galing nilang mag ayos! Ang ganda ko! "Bihisan na po namin kayo." sabi ng isang tagasilbi "Ha? Wag na. Ako na lang." Naalala ko ang sinabi ni hubby. Hindi ko dapat ipakita kanino man ang mark sa likod ko. "Sige po." Tinulungan ako ng isang tagasilbi at binitbit na nila ang gown at accessories na gagamitin ko mamaya. Sa kwarto na lang ako magbibihis. Nagpaalam na rin ako kila Carmela at Angeli na mukhang matatagalan pa ang pag aayos. **** Lumabas na ako sa palasyo. Inalalayan ako ni Christopher (butler nila) palabas. Gusto ko sanang sumabay kila Carmela at Angeli kaso nauna na daw sila. Sa labas ng palasyo, naghihintay ang isang limousine. Sumakay na ako at pinaandar na ng chauffer ang sasakyan. Pagdating ko, sumalubong sa akin ang dalawang lalaking nakasuot ng itim na tuxedo. Para silang mga bouncer dahil sa laki ng katawan nila. Actually, parang sila ang nagbabantay sa pintuan. Walang ibang guest na pumapasok. Ako lang talaga ang nandito sa labas. Asan ba kasi si Stephen? Nakakainis na. Okay, relax May. Dahan dahan akong naglakad papunta sa pintuan na binabantayan ng dalawang guards. "Madam." Didiretso na sana ako papasok nang pigilan nila akong dalawa. "Bakit po?" tanong ko sa kanilang dalawa "Can I see your invitation, madam?" sabi ng isa Invitation? Omygosh! Yun siguro yung black na envelope na nakapatong sa drawer ko kanina. Akala ko kasi kung ano lang yun at hindi naman importante. Shete. Kailangan pala yun dito. "Uhm. Kasi. Nakalimutan ko." sabi ko "I'm sorry, madam. You cannot enter unless you have an invitation." "Please po. Kailangan ko po---" Naputol ang sasabihin ko nang may dumating at nag abot ng isang black envelope sa dalawa. "She's with me." Napatingin agad ako kay Andy na nakasuot ng formal suite. Ang gwapo niya. Bagay na bagay sa kanya ang ganyang porma. "Shall we?" Tumango ako at kumapit sa braso niya. Buti na lang at dumating siya, nakakahiya na kasi eh. "You look stunning, May." "Thank you." He escorted me towards the party. I can't help but hear some compliments from the guests. Malaki talaga ang nagagawa ng magarang damit at alahas. **** Nandito kami sa isang table na para sa royal family. Hindi ko pa nakikita si Stephen. Sabi niya nauna na siya dito pero wala pa rin siya dito. Nakita ko rin sa kabilang table sila Blake na kasama din ang family niya. Hindi ko pa rin nakikita si Sabrina sa paligid. Ewan ko ba pero sumisikip ang dibdib ko tuwing naiisip kong baka magkasama si Stephen at Sabrina. Binati ko sila Queen Jocelyn, King Vladimir, Carmela at Angeli. May isa pang lalaking nakaupo sa table namin pero di ko siya kilala. Pero binati ko pa rin siya. "Good evening sir." sabi ko "May, this is my father, Sir Dimitri." Tatay pala ni Andy to? Hindi ko agad napansin na medyo may pagkakahawig sila. "It's a pleassure meeting you sir." sabi ko "The pleassure is mine, princess." sabi ni Sir Dimitri Umupo na kaming lahat hanggang sa magsalita ang isang lalaki. Mukhang opisyal rin siya dahil napakagara ng suot niya. Kasama niya ang isang babae na kamukhang kamukha ni Sabrina pero medyo mature ang itsura. **** "Thank you for making it tonight. Ladies and Gentlemen, I will not prolong this introduction. I will now call the mare reason why we are gathered here tonight. My only daughter and successor of the Vonderheide clan, Sabrina Therease Vonderheide." Nagsitayuan lahat ng guests at nagpalakpakan. Mula sa grandstaircase ay bumaba si Sabrina suot ang isang black-fitted gown. Dahil sa suot niya ay mas lalong naemphasize ang curves niya. Tube rin ito kaya makikita talaga ang kaputian at kaseksihan niya. Wala naman akong pakielam sa suot ni Sabrina ngayon. Hindi ako naiinggit o anuman. Pero ang kinasisikip ng dibdib ko ay ang makita ko si Stephen na inaalalayan siya pababa ng hagdan. Kumapit si Sabrina sa braso ng asawa ko habang sobrang lapad ang ngiti. Walang ekspresyon si Stephen pero nasasaktan ako. Relax lang May. Iniescort lang siya ni Stephen. Wag kang magalit dyan. Wag bigyan ng malisya kasi masasaktan ka lang. Matapos nun ay nagsiupo na ang lahat. May umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Kahit hindi ko tingnan ay alam kong si Stephen yun. Ayoko siyang batiin o tingnan. Ewan ko pero naiinis talaga ako kahit alam kong hindi sapat na dahilan yun para magalit ako sa kanya. Umupo rin si Sabrina sa tabi niya. Nananadya ba ang sitting position namin? Andy-ako-Stephen-Sabrina Nakakabanas talaga. You look beautiful Kinakausap niya ako sa isip. Tch. Ayoko siyang kausapin. What's wrong? Wala. "Ay!" napasigaw ako dahilan para mapatingin sila sa akin. Paano ako hindi mapapasigaw kung ang kamay ni Stephen ay nasa hita ko na!? Hindi yun makikita dahil natatabunan ng table. Bwiset talaga siya. Kung ano anong ginagawa sa ilalim ng table. Ang manyak! "May problema ba?" tanong ng hari "Uhm wala po. May surot kasi." pagpapalusot ko. May surot naman talaga dito sa ilalim ng table if you know what I mean =_= Sinawalang bahala na nila ang pagsigaw ko at nagpatuloy na lang sa pag uusap. Bwiset ka. Alisin mo yang kamay mo! Why would I? Dahil sinabi ko! Ang manyak mo ah! Tch. Then why wouldn't you talk to me? Nag uusap na nga tayo di ba? Alisin mo na yan! Sa wakas ay inalis na niya ang kamay niya sa hita ko. Grr. Sasamain talaga sa kin tong lalaking to. Sino naghatid sayo dito? Yung driver. Tsk. Sino ang kasama mo papunta dito? Si Andy. What!? Bwiset ka talaga! Wag ka ngang sumigaw sa isip ko! Fine. Pero bakit siya ang kasama mo!? Duh?! Alangang ikaw. Asan ka ba? Di ba kasama mo si Sabrina? "Ugh." bulalas ni Stephen Makikipag away pa kasi sa akin hindi naman pala kayang tapusin. "Bakit Stephen?" alalang tanong ni Sabrina Wow ha. Concerned na concerned masyado kay Stephen. Ikaw ba asawa ha!? Sarap sapakin eh. Kala ko ang cool niya yun pala aiish nevermind. "Nothing." sagot ni Stephen Dahil tinitigan pa rin ni Sabrina si Stephen ay umeksena na ako. Busy pa rin naman sa pag uusap ang ibang kasama namin eh. They don't even mind what we're doing. Pati sila Andy, Angeli at Carmela ay doon nakisali sa usapan ng mga matanda. "Hubby." malambing na sabi ko sabay hawak sa pisngi niya. "May masakit ba sayo? Okay ka lang?" wika ko na para bang concerned ako. Nakita ko ang pag iwas ng tingin ni Sabrina sa aming dalawa. May gusto nga to sa asawa ko. Halata naman eh. Malakas ang intuition ko kaya alam kong may something talaga siya para sa asawa ko. "I'm fine." sabi ni Stephen tsaka pilyong ngumiti sa akin. Bwiset talaga to. Nahalata niya na siguro na nagseselos ako kay Sabrina. *** "How's France Sabrina?" kaswal na tanong ni Carmela. "France is still France. Still the fashion capital. The Aiffel tower is still there." "Well, I'm sure you had a lot of good times in France." dagdag ng reyna "Yeah. But I missed the comforts of home." "Too bad. Wala ka dito nung wedding nila kuya. It was quite epic." sabi ni Angeli Hay naku. Inaasar na niya si Sabrina. "Sayang nga." "Kailan ang balik mo sa France?" tanong ni Andy "Hindi na. I will stay here for good. Besides I missed you guys." "I think that's a great decission, Ms. Vonderheide." sabi ni Sir Dimitri Napatingin ako sa tatay ni Andy. There's something about him that demands power and respect. Medyo intimidating din siya gaya ng hari. Magkapatid nga sila. "And I have a good news." sabi ni Sabrina "What is it?" sabi ko "I'm going to study here." Good news ba yun? Bakit parang hindi naman? ****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD