-May- Mistulang estatwa akong nakatayo habang pinagmamasadan ko ang papalapit na si Stephen. Mabilis niyang hinawakan ang leeg ko sabay sakal sa akin. Walang hirap niya pang iniangat ang buong katawan ko habang hawak pa rin ako sa leeg. "St---" Hindi ako makahinga. Sobrang higpit ng hawak niya sa leeg ko. Mukhang papatayin niya talaga ako. Kahit nahihirapan na akong huminga ay nakikita ko pa rin ang malademonyong ngiti niya habang sakal ako. Bakit Stephen? Unti unting tumutulo ang mga luha ko. Ito na ba ang katapusan? Bakit siya pa? Sa dinami dami ng demonyo dito sa mundo, bakit siya pa? Naramdaman ko ang sakit ng pagbaksak ko. Binitiwan niya ang leeg ko. "May!" sigaw ng isang lalaki sa di kalayuan. Si Stephen ba yun? Paano nangyari yun eh nandito siya sa harap ko. Hindi na ako nak

