Chapter 19

1753 Words
-May- Parami ng parami ang nakikiusyoso dito. Tulala pa rin akong nakatitig sa bangkay ni Olive. Nagkalat din ang mga handouts ni Sir dahil nabitawan ko yun kanina dahil sa pagkagulat sa nakita ko. Who did this to her? At bakit? Nagsidatingan na rin ang ilang bampira. Mukhang sila ang nag iimbestiga dito. Nakablack cloak sila at mukhang malalakas. Naramdaman ko ang pagyakap ni Stephen sa akin. Hindi ko nababasa ang iniisip niya pero sigurado akong naguguluhan na rin siya sa nangyayari. Maski ako rin naman. Sino sila? They are the peacekeepers. They will investigate this crime. Hindi na ako nakipag usap sa kanya sa isip at tiningnan ko na lang ang mga peacekeepers habang may kung ano ano silang ginagawa sa katawan ni Olive. I was too occupied by my thoughts that I didn't even noticed that one of the peacekeeper is in front of me. Nagbow siya as a sign of respect dahil na rin yan kay Stephen na prinsipe nila. "Pwede ko po bang makausap ang prinsesa?" magalang na sabi ng peacekeeper "Abou what?" tanong ni hubby. "About Olive Santillian's death." "Don't involve my wife to any of this." "With all due respect your highness, I believe your wife is not in her class around 8:00- 9:10pm and Ms. Santillian's estimated time of death is around 8:20pm which makes your wife a primary suspect of this crime." Hindi. Hindi ako ang pumatay kay Olive. "Narinig ko sila sa hallway kanina. Nagbabantaan pa sila ni Olive na papatayin ang isa't-isa." "Oo nakita ko rin yun." "Hindi kaya ang prinsesa talaga ang pumatay?" "Shh. Baka marinig kayo." Ilang metro ang layo nila pero narinig ko pa rin ang pinag uusapan ng ilang estudyante at mukhang narinig rin yun ng mga peacekeepers. "I see. You have a motive to kill the victim. We need to talk to you." diretsang sabi ng peacekeeper sa akin "Ok." sabi ko Napatingin si Stephen sa akin dahil doon. Wala akong dapat ikatakot dahil hindi ako ang pumatay kay Olive. Muntik niya na akong mapatay dati pero hindi ko naman siya magagawang patayin kung wala siyang ginagawa sa akin. "No need. She is not the killer." Napalingon kami sa babaeng nagsalita. Maganda siya at may katangkaran. Ibang klase ang ganda niya. Para siyang dyosa. "Ms. Vonderheide." sabi ng peacekeeper na kausap ko at yumuko doon sa babaeng tinawag niyang Ms. Vonderheide. "Rin." rinig kong bulong ni Stephen kaya napalingon ako sa kanya. "Hindi siya ang pumatay kay Santillian. Let me explain what happened." sabi ni Ms. Vonderheide tsaka pumunta sa mismong pwesto kung saan natagpuan ang bangkay ni Olive. Hinawakan niya ang ilang patak ng dugo na nagkalat sa sahig at sa dingding. Mula sa brown ay naging pula ang mga mata niya. Nag umpisa na siyang magsalaysay ng mga umanong nangyari sa powder room at kung paano pinatay si Olive. Para bang siguradong sigurado siya sa sinasabi niya at para bang nandoon talaga siya sa mismong lugar at oras kung kailan pinatay si Olive. "7:45pm pumasok si Olive dito para maglinis. She was doing her job when she suddenly felt uneasy. She sensed someones presence. Its like someone is watching her. Pero di na lang niya yun pinansin at nagpatuloy na lang siya sa paglilinis. 8:00pm, hindi niya na matiis ang nararamdaman niya at kinakabahan na rin siya. She was about to get out when a man came across her way. Hindi ko masabi kung sino ang lalaking to dahil nakamask siya. Takot na takot si Olive sa nakita niya. She stepped 3 steps backward." Ginawa niya rin yun at animo'y dinidemonstrate kung paano ang paggalaw ni Olive sa mismong oras na pinatay siya. Paano niya nasasabi to? Paano niya nalaman? "After that, she frozed. I think the killer's special ability is hypnotism dahil parang wala sa sarili si Olive at hindi manlang siya nanlaban. She just stood here and did nothing. He stabbed Olive's chest with a silver knife that caused her instant death at exactly 8:22pm. She layed here in this exact area at bigla na lang maglaho ang lalaking nakamask. 8:30pm pumasok si May dito to check where the smell of blood came from. May dala rin si May na mga papel at nabitawan niya yun nang makita niya ang walang buhay na katawan ni Olive. Therefore, I am a hundred percent sure na hindi si May ang killer. At kung sino man ang killer na yun, I'm sure that he is a powerful vampire." Pagkatapos niyang sabihin yun ay bumalik sa dati ang mata niya tsaka tumitig sa kin? O sa asawa ko? There something weird about her. "Show off ka masyado Sab. Walang thrill. Ikaw agad ang nagsolve ng case." Napalingon kami sa lalaking dumating. Ngayon ko lang ulit siya nakita sa dinami daming nangyari although magclassmate kami. "Come on, Blake. I'm like a breathing CCTV. So what do you expect?" natatawang sabi ni Ms. Vonderheid. Breathing CCTV? So that's her special ability. She can tell exactly what happened to a specific place and time na para bang CCTV kaya kung magsalita siya ay parang nawitness niya ang buong pangyayari. That's quite impressive. "Thank you for your help, Ms. Vonderheide." sabi ulit ng peackeeper tsaka dumiretso na sa mga kasama niya para linisin ang crime scene. "Let's go." sabi ni hubby. Hihigitin na niya sana ulit ako nang magsalita si Ms. Vonderheide. Kasama niya pa rin si Blake. "Stephen! Its been a long time." Nilingon namin siya. Matamis ang ngiti na ibinibigay niya sa amin. Ang amo talaga ng mukha niya mukha talaga siyang anghel. "Yes. It's been a long time, Rin." sagot ng asawa ko sa kanya. Hindi ko alam pero iba ang pakiramdam ko. Para bang hindi lang cold expression ang binibigay ni Stephen. Para bang may halo yung lungkot. "Namiss ko ang pagtawag mo sa akin sa ganyang pangalan. About what happened--I'm sorry--I--." "Wala na yun Ri--Sabrina. Nakalimutan ko na. It was a bad memory that I would never want to remember ever. I have my life now and its my wife." Hinawakan niya ang kamay ko tsaka ngumiti sa akin. Hindi ko rin maiwasang hindi mapatingin kay Sabrina. Malungkot ang expression niya. Ano ba siya ni Stephen at ganito na lang kaapektado ang asawa ko? Kahit alam kong assurance ang ngiti sa akin ni Stephen, alam ko ang totoong nararamdaman niya. Gusto kong malaman ang tungkol sa kanilang dalawa. **** Mag uumaga na. Hay naku, ang boring! Nandito ako sa kwarto namin ni Stephen. Wala nga siya dahil pinatawag siya ng parents niya. Kaya mag isa ako dito. Gusto ko sanang maglibot kaso parang tinatamad ako. Nakakastress din ang nangyari kagabi at gusto ko lang magrelax. Ano kaya ang pwedeng gawin?Aha!! May naisip na ako!!! Kaso pwede kaya to? Okay, dapat praktisin ko tong kapangyarihan ko. Matry nga. Inisip ko ang isang flat screen tv. Nagconcentrate akong maigi. Miss na miss ko ng manuod ng tv kaya sana hindi pumalya to! At sa isang iglap.. Nagawa ko! Emeged! "Waah!!! TV! I miss you!!" Pumunta agad ako sa tv at binuksan yun. Waah! Ang galing ko talaga!! Teka. Asan ang remote? Nakita ko yun sa may gilid ng tv at kinuha ko agad yun. Prenteng umupo ako sa couch dito sa kwarto namin. Yehet! Namiss ko to! Marami ring channel kumpleto nga eh. Anyare na kaya sa mundo? Wala na akong kalam alam eh. Napatigil ako sa isang channel. Pinapalabas ang EXO showtime. Kyaah! Eto talaga namiss ko eh! (Sensya fangirl mode si author) Omygoossh! Ang kulit nila! Ang hot talaga ni Kai! Siya kasi ang bias ko. Ang galing niya kasing sumayaw parang si hubby ko. Waah! Kamukha nga siya ni hubby eh. Pero mas gwapo si Kai my laaabs. Wag niyo akong isusumbong kay Stephen ah!! "Ano yan?" Napalingon ako sa pumasok. Hala. Bawal ba to? "Uhm. Tv. Bakit?" Pumasok sila Angeli at Carmela. Nakasimangot sila at nakakunot ang kilay habang tinitingnan ang tv. Pero ilang minuto ang nakalipas ay nakinuod na rin sila. Nakiupo na sila sa couch at nawili na sa panunuod. *** "Bwahahahhahahahahahha." tawa naming tatlo dahil pinagkakaisahan nila si Kris. Komportable na akong kasama ang dalawang to. Kala ko puro katarayan lang ang alam nila eh. "Sino siya?" sabi ni Angeli sabay turo kay Luhan "Ahh. Si Luhan yan." sagot ko "Ang ganda niya!" sabi niya "Lalaki yan." sabi ni Carmela na hindi na masyadong poker face. Mukhang enjoy rin siya eh. "Okay. He's attractive. I think I like him." sagot ni Angeli "Hep! Oo sige sayo si Luhan pero akin si Kai." sabi ko "Sinong Kai?" tanong ni Carmela "Yung lalaking medyo maitim. Ang hot niya di ba?" sabi ko "He looks like kuya Stephen." ani ni Angeli "Medyo hawig lang!" sabi ko "Yeah. I also see the resemblance." Pagsang ayon ni Carmela. Matapos ang EXO showtime ay nanuod pa kami ng movies. Ngayon naman ang pinapanuod namin ay anime, Vampire Knight. "Mortals really have idea on how we live."sabi ni Carmela "Yeah. I agree."sabi ni Angeli Mabait naman pala ang dalawang to. Hay. Sana ganito na lang sila lagi. Namiss ko tuloy sila Jess at Amanda ganito kasi lagi ang gimagawa namin. "Bakit nga pala kayo napadaan sa kwarto namin?" tanong ko "Its because we heard the noise from this tv." sagot ni Angeli "At nandito rin ang Sabrina na yun." iritang sabi ni Carmela "Nandito siya?" "Yes. Our parents invited her." sabi ni Angeli tsaka nilaro laro yung remote "They invited that snake in the palace. How disgusting." inis na sabi ni Carmela. Galit sila kay Sabrina. Bakit kaya? Mukhang mabait naman si Sabrina ah. "Kasama niya si kuya ngayon." Biglang may kung anong sumakit sa dibdib ko pagkasabi nun ni Angeli. Magkasama pala sila ni Stephen. Biglang nag-iba ang pakiramdam ko ngayon. "Don't worry. Alam kong di magpapaloko si Kuya sa pangalawang pagkakataon." sabi ni Carmela Pangalawang pagkakataon? Napayakap ako sa unan ko. Ano ba tong nararamdaman ko? Naiinis ako kahit alam kong wala silang ginagawang masama. Wala nga ba? "By the way, I had a great time. Nung una mainit ang dugo ko sayo, May, but you're not so bad afterall." sabi ni Angeli "Yeah. Me too. Mas gusto kita kay kuya kaysa kay Sabrina." dagdag ni Carmela "Thank you." "Alis na kami. May, siguraduhin mong mag aayos ka mamaya. Kailangan magandang maganda ka." wika ni Angeli "Anong meron mamaya?" tanong ko "Welcome party para kay Sabrina." sagot ni Carmela at tuluyan na silang umalis ni Angeli sa kwarto ko. Sabrina... Sino ka ba talaga? ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD