Chapter 2

1387 Words
-May- "Yah! Bakla tara na!" Inip na sigaw ko. "Kalurkey kayo! Eto na!" maarteng sabi ni Andy. Kanina pa kami naghihintay dito nila Amanda at Jessica sa labas ng dorm ni bakla. Ang bagal kumilos daig pa ang babae. Nasa men's dormitory kami ngayon. Sakop pa rin ng school ang dorms - sa east side ang sa babae at sa west side ang sa lalaki. "Gwapo mo!" More of insult ni Jess kay Andy. Ayaw niya kasing tinatawag siyang gwapo dahil maganda daw siya. "Che! I'm pretty kaya!" agad na angal ni Andy. Napailing na lang ako. Gwapo naman talaga si Andy. Lalaking-lalaki siya pumorma, iyon bang stylish tingnan na panlalaki. Hindi siya nagdadamit babae o nagmamake-up. Neat lang talaga siyang tingnan kaya nga hindi mo mapagkakamalang bakla. Marami ngang nagkakacrush diyan eh. Kung alam lang sana nila na kalahi rin nila si Andy. "Tara na. Late na tayo," sabi ko. Naglalakad na kaming apat nang makita ko si Stephen palabas ng dorm niya. Ang gwapo niya, in fairness - messy hair na poker face pero gwapo. Siya yung tipong tahimik pero malakas ang appeal. "Hoy! Tutunganga ka pa diyan!" sigaw ni Jess. Tumigil na pala ako sa paglalakad kaya naiwanan ako. Hinabol ko sila at sumabay ng maglakad. Nagdaydream pa kasi kay Stephen. Ayan tuloy, naiwan na ako. *** "Class, I have assigned your partners for your talent show, so here it is." Nagtawag na si Ma'am ng pangalan. Hindi naman 'to 'yung bonggang talent show. Ito 'yung sa classroom lang na magshoshowcase ng talent. "Stephen....and May." Nanlaki naman ang mga mata ko ng marining ko iyon. What? Stephen!? The weirdo? Ayoko! "Ma'am!" "Is there a problem May?" "Uhm. Can I change my partner?" Tiningnan ko si Stephen. Nakaub-ob lang siya sa upuan, natutulog at mukhang walang kamalay-malay sa mga nangyayari. "Why?" tanong ni Ma'am. "Errr. Because ---" Bakit nga ba? Kasi nakakatakot siya? Kasi nahihiya ako sa kanya? "How about you, Stephen? Do you want to change your partner?" Nagising na pala si Stephen. As usual poker face lang at parang walang pakielam sa mga nangyayari. Sana naman pumayag siyang magchange partner kasi sigurado akong super awkward nito sa part ko. "No. I want her." Is it just me? Pero bakit parang kinilabutan ako doon sa I-want-her na sinabi niya? Parang may ibang meaning eh. "Gusto mo ba talagang magchange partner May?" Hindi ko alam pero napailing ako. I know this is a wrong decission. How am I gonna approach him? No one ever tried to talk to him. I'm a dead meat! ** "Tara na May!" yaya ni Jessica. "Mauna na kayo," sabi ko. "Bakit? Babantayan mo ba si Papa James?" usisa ni Amanda. "Eh wala naman silang practice ngayon eh," sabi ni Andy "Mauna na kayo may gagawin lang ako." "Sige." Actually, susundan ko si Stephen. I am just gonna ask him about the talent show. Hindi ko kasi siya kayang iapproach dito sa school. Nakita kong lumabas na siya sa gate kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad ko. Sinundan ko siya. Ang bilis nga niyang maglakad but I can keep up. Kanina pa siyang naglalakad pero parang hindi naman siya napapagod. Hindi ko na nga alam kung saan talaga siya pupunta. Habang tumatagal, lumalayo kami sa school. Napunta na kami sa slum area. "I'm lost." Nawala na sa paningin ko si Stephen. Bakit ko pa kasi siya sinundan? Ako pa talaga na walang sense of direction. Bilib din ako sa katangahan ko, sinundan ko 'yung taong hindi ko pa nakakausap ni isang beses. Naglakad-lakad na lang ako. Nakakatakot na ang lugar na ito. Maggagabi na at ako lang mag-isa. You could imagine the slum area in the city at 'yon din ang dinadaanan ko ngayon. I feel like crying. Natatakot na ako dito. Hindi naman kasi ako pala-gala lalo na sa ganitong lugar. I heard news about these kinds of places and they are not good. Napadaan ako sa isang tindahan na may apat na lalaking nag-iinuman. They look like drunk maniacs. Kitang-kita ko rin ang malalagkit na titig nila sa akin. "Miss! Miss!" Patuloy lang ako sa paglalakad. Hindi ko sila pinapansin. Naiiyak na ako. Wala pa namang katao-tao at ang dilim na. Nakakatakot ang mga itsura nila - may mga tatoo at maskulado pa. Hindi ko alam kung nabagok sila noong pinanganak dahil sa mga itsura nila. Nagulat ako sa biglang paghablot sa akin ng isa sa mga lalaki. Iwwww, kadiri ang tingin niya! "Miss, baka pwede namang sumabay ka muna sa amin." "Ah--ano--po---a--alis na ako." "Sige na naman, Miss." Hinawakan ng isa 'yung kamay ko pero mabilis ko itong tinanggal. "A-alis na po talaga ako." "Wag kang magmadali, Miss." Hinapit niya ang bewang ko. I immedietly flinched. Dahil na rin siguro sa reflex ko, nasipa ko siya "doon" at kumaripas ako ng takbo. Feeling ko nanginginig ako sa sobrang kaba at takot. Nagtago muna ako doon sa isang sulok. Nanginginig ang kamay ko at pinipigilan kong humikbi. Patuloy ang pag-agos ng luha ko dahil sa sobrang takot at kaba "Aww. Nandito ka lang pala. Hahaha." Nakita ko 'yung apat na lalaki. Natatakot na talaga ako dahil wala na akong tatakbuhan. I'm cornered. Pader na itong nasa likod ko. "Wag kang---" Napapikit ulit ako. Nagsisi na ako sa mga desisyon ko. Dapat hindi ko na sinundan si Stephen. Mamatay pa yata ako dito. *blaag* Napamulat ang mata ko nang marinig ko iyon. A familiar figure stood, his back is turned against me but I know who he is. A minute later, I saw Stephen gave punches to those goons. Iyak pa rin ako ng iyak. Naghahalo ang emosyon ko. Natatakot ako para kay Stephen. There were four goons at isa lang siya. Paano kung mapahamak siya? Pero di ko inaasahan na mapatumba niya lahat ng goons.  It seems like he has this super strength, his really weird. There is something odd about him that I can't point out. Lumapit siya sa akin, pero ako, umiiyak pa rin. I can't find the right words to say. Tiningnan niya lang ako. He's not doing anything but there is something in his eyes that shows concern. Hindi ko alam pero bigla ko na lang siyang niyakap. Hindi siya gumalaw sa una pero nagrespond rin na siya sa yakap ko. He gently caressed my back and it made me relaxed a bit. I felt secured in his arms. "T-thank you." Bumitaw na siya sa yakap at tiningnan niya ako. Okay, I'm drooling here. He's super handsome lalo na sa malapitan. "Come." Bigla siyang lumuhod pero 'yung patalikod. I don't get it? Lumingon siya at tiningnan niya ako ng are-you-kidding-me look. Doon ko lang nagets. He was trying to give me a piggyback ride. "Ok lang ba?" Hindi siya sumagot. Hindi naman talaga na nagsasalita 'to. Hindi na ako nag inarte pa at sumakay na ako sa likod niya. Naglakad na siya. Tahimik lang kami. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Magsosorry ba ako?  "Uhm. I was gonna ask you about our project. D-di ba p-partner t--ayo?" I was just trying to lighten up the mood so I started a conversation. Ayoko na kasing isipin 'yung kanina, natatrauma lang ako. "'Yun ang dahilan mo kung bakit sinundan mo ako?" That was his longest sentence so far. (Party na May!!!) Wait. Sinusundan ko pala siya. Baka isipin niyang stalker niya ako. Waah! "Oo. Sorry talaga. Hindi kasi kita maaproach sa school. You know---." "6pm, tommorow, sa garden ng school." "Huh? Bakit? Anong meron doon?" Binaba niya na ako. Nandito na pala kami sa dorm sa school. In fairness nakaya niya akong pasanin hanggang dito. Di ata uso ang taxi sa kanya eh. Pinasan niya talaga ako nang ganoon katagal. Nakita ko ang mga kaibigan kong nakalaglag ang panga. Siguro kating-kati na ang mga 'yang tanungin kung bakit kasama ko si Stephen. Nandito pa rin si Stephen kaya bumaling ako sa kanya. "Uhm. Ano nga pala 'yung bukas?" "Practice." Iyon lang ang sinabi niya at umalis na. Dumiretso na ako sa mga kaibigan kong kanina pang nakanganga sa may pintuan. "Galaw-galaw din pag may time baka mastroke kayo!" singhal ko. "Oh" "Em" "Geeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!!" At iyon na po ang katapusan ng kwento, tuluyang nabasag ang aking eardrums dahil sa tili ng kinakatay na bakla. Mag-eexplain na naman ako ng pagkahaba- haba nito. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD