-Stephen- (Pageant Day) Nagpaalam ako kay May na may pupuntahan lang ako saglit. Hindi ko alam pero hindi maganda ang kutob ko. May alam ba si Sabrina? Kailangan ko siyang makausap. Rinig ko ang yabag ng aking mga paa habang papalapit ako sa silid na kinaroroonan ni Sabrina. Mabagal din ang aking paghinga dahil sobra akong kinakabahan. Sana mali ako. Sana hindi siya yun dahil kung hindi, hindi ko na alam ang mangyayari. Pero sa isang bagay lang ang sigurado ako, gagawin ko ang lahat para maprotektahan si May. You have to be a monster to fight another monster. Pinagbuksan ako ng pinto. Pumasok ako at bumungad agad sa akin ang nakatalikod na pigura ni Sabrina. "Sabrina." Nilingon niya ako at masisilayan agad ang mga ngiti sa kanyang mga labi. "I'm glad you came." nakangising saad niya

