-Andy- Lumabas agad ako pagkatapos kong magbihis. Sa wakas ay natapos na rin ang kacornihan ng school. Hindi ko maiwasang isipin ang sinagot ni Stephen kanina. Tsk. He's such a bastard. Tingin ko ay mali ang sagot niya. Maling mali lalo na at si May ang pinag uusapan. Napatigil ako nang makita ko si May sa di kalayuan. Mukhang may hinahanap siya kasi patakbo takbo na siya at ginagala niya rin ang paningin niya. "Hey." bati ko nang nagkasalubong kami. "Hey." sagot niya "Congratulations May." "Thank you. Congrats din sayo." "May pupuntahan ka?" tanong ko. "Uhm. Hinahanap ko kasi ang asawa ko." walang pag aalinlangang sagot niya. Bigla akong nakaramdam ng inis. Bakit ko pa kasi tinanong yun? Alangang ako ang hanapin niya eh hindi naman ako ang asawa. Great Andy hanggang pangarap na l

