Chapter 23

1308 Words
-May- Bumalik kaming dalawa ng magkahawak kamay at may mga ngiti sa aming mga labi. Eto ba ang pakiramdam ng cloud 9? I wouldn't trade this feeling for anything. Ang cheesy ko pero I love the feeling of being of inlove. Masayang masaya ako. Papakasalan niya ako ulit. Hindi dahil sa tinakda kami kundi dahil pareho naming mahal ang isa 't isa. I couldn't ask for more. "Pahinga ka na." sabi niya Hinalikan niya ang nuo ko. Nagbihis na ako at nahiga na sa lap niya habang hinahaplos niya ang buhok ko. Hindi kami nagsasalita pero komportable naman. Maya maya pa ay napapikit ako dahil biglang sumakit ang ulo ko. Nagflash ang nakangiting mukha ng babae sa akin. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil blurry ang natatanaw ko. Sino ba siya? Mas lalo pang sumakit ang ulo ko at nakita kong iba na ang nangyayari.  May kasama na yung babae. Umiiyak siya at niyayakap siya ng kasama niyang lalaki. Hindi ko maaninag ang mukha nila. Para bang nanaginip ako kahit hindi naman ako tulog. "Wifey!!!" Napadilat na lang ako ng maramdaman ko ang pagsigaw at marahang pagyugyog ni Stephen sa aking balikat. "Are you okay?" nag aalalang tanong niya "I'm okay. Sumakit lang ang ulo ko." sabi ko para hindi na siya mag alala. Sinawalang bahala ko na lang ang nangyari. Hindi ko na dapat isipin yun dahil naiistress lang ako. **** Sa gabi, pumapasok kami sa school para sa klase at practice sa pageant. Sa umaga namin inaasikaso ang wedding namin at sa hapon kami nagpapahinga. Yeah masyado kaming busy. Wala pa kaming final date sa wedding namin pero sa tingin ko ay 2 months or less from now ang kasal namin. Pumasok na kami sa klase. Nandoon na si Andy at Sabrina. Walang pake si Sabrina sa pagpasok ko dahil nakangiti lang siya sa nakasimangot kong asawa. Well, I don't care about her either. Wag lang siyang manggulo at matuto siyang lumugar dahil kung hindi makakatikim talaga siya sa akin. Tiningnan ko si Andy na agad nag iwas ng tingin nang nagtama ang paningin namin. Nakokonsensya ako kahit alam kong wala akong maling ginawa. Hay. Mali ka May. You're hurting him unconciously. He' s your bestfriend and your hurting him. Umupo na kami. Maya maya rin ay dumating na si Sir at nagklase. As usual, hindi nakikinig si Stephen at Andy habang attentive naman si Sabrina. Nakinig na rin ako pero sa kalagitnaan ng pakikinig ko sa klase ni Sir, bigla ko ulit naramdaman ang sakit sa mark ko sa likod. Ano ba to? Ang sakit talaga. Parang sinsaksak ako. Napahawak ako sa parteng yun at agad naman akong inalalayan ni Stephen. "What's happening?" tanong niya "Hubby, yung mark." "Sh*t." rinig kong mura niya. Dahan dahan niya akong hinigit at nagpaalam kay sir. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero alam kong nasa likod to ng school. "Wifey, let me see it." Hinubad ko ang coat ko at bahagyang nilaylay ang damit ko para makita niya. Ang sakit pa rin talaga. Bahagyang napapikit  na lang ako. Nakita ko na may kinuha siya sa bulsa niya. Isang kulay bughaw na likido. Bumaling ulit siya sa likod ko at pinatakan niya ang mark ko. Naramdaman ko ang unti unting pagkawala ng sakit kaya nakahinga ako ng maluwag. "How are you feeling?" "Hindi na masakit." He sighed in relief. "Saan mo nakuha yan?" tanong ko habang tinuturo ang bote ng likidong ipinatak niya sa akin. "Kay Delphi." sagot niya Napatango ako. Gamot siguro yan sa pagsakit ng emblem sa likod ko. Isa siguro yang potion na gawa ni Delphi. Yun din siguro ang pinag usapan nila. Yun nga lang ba? **** Bumalik na kami sa klase. Nag insist siya na wag na raw pumasok pero tumanggi ako dahil marami pa kaming aasikasuhin. May practice pa naman sa pageant ngayon kaya ayokong umabsent. Besides, okay na rin naman ang pakiramdam ko effective nga yung potion galing kay Delphi. Sabay kaming pumunta ni hubby sa hall. Nandoon na lahat ng contestants. Nandoon din sila Angeli at Carmela dahil sila ang representative ng class nila. "Did you bring your pumps?" tanong ni Ms. Clein, trainor namin para pageant na to. "Yes Miss." sagot nilang lahat maliban sa akin. Hindi na kasi ako nagdala kasi pwede ko namang imagic. Keke. Ang duga ko no? "Where's your shoes May?" tanong ni hubby "Eto oh." Napatingin siya sa paa ko na may suot ng black pumps. Galing ko talaga. "How did you -- I mean it wasn't there--" nagtatakang tanong niya "Special ability ko yan hubby. Galing no?" sabi ko Napabuntong hininga siya. May problema ba to? "Yeah. It's incredible." *** Nag umpisa na kaming rumampa. Prinaktis na rin namin ang production number namin. Rumampa na si Sabrina. Nag umpisa na rin akong rumampa. Magkakasalubong kami. Kitang kita ko ang nakakainis na ngisi niya habang tinitingnan ako. Hindi rin ako nagpatalo at ngumisi rin ako. "Oops. Sorry." nakangising saad niya. Grr. Sumosobra na ang babaeng to. Binangga ba naman ako? Naout of balance ako dahil 5 inches ang heels ng suot ko. Nakakainit ng dugo. Nakaupo ako dito sa sahig habang siya ay naglakad lang at nilagpasan ako. "May!/wifey!" sabay na sigaw nila Andy at Stephen Sa isang iglap lang ay nandito na sila sa harap ko. Nakaluhod sila para magkalevel kami. "Are you alright?/ Ayos ka lang? " sabay ulit na sabi nila Nagkatinginan sila ng masama. =_= Here we go again. "Ayos lang ako." Mag isa akong tumayo at hindi ko tinanggap ang nakalahad nilang kamay. Nilingon ko si Sabrina. Mukha nakaalis na siya. That b***h. "May pupuntahan lang ako." sabi ko kila Andy at Stephen na masama pa rin ang tinginan. Iumpog ko tong dalawang to eh. "Sama ako!" sabi ni hubby "Wag na. Tinawag na kayo ni Ms. Clein. Sandali lang to." sabi ko at umalis. **** Naabutan ko si Sabrina na naglalakad sa hallway. Walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha. Pagkatapos niya akong banggain ay basta basta na lang siyang umalis. "Hoy Sabrina!" tawag ko sa kanya "What do you want?" iritang tanong niya tsaka lumingon sa akin. "Bakit mo ako binangga?" "Kasi bagay kayo ng sahig."sabi niya Impaktang to =_= "Hindi ko alam na ganito ka pala Sabrina. Napakababaw mo. Babanggain mo ako? Oh come on. You can do so much better than that." sabi ko "Bakit? Takot ka na sa akin dahil binangga kita? Hindi pa nga ako nangangalahati sa mga gagawin ko pa sayo." Tinaas ko yung kamay ko kung saan makikita ang singsing na binigay ni Stephen. "Wag ka ng mag matchmaker sa amin ng sahig and besides di ko yun type baka ikaw pwede pa. Ikakasal na ako eh. Ikakasal na ako ULIT." Nakita kong natigilan siya. Nakatulala siya habang pinagmamasadan ang singsing sa kamay ko. Nang nakarecover na siya sa pagkagulat, napalitan ang ekspresyon niya. Naging malamig ito at nakakatakot. Naramdaman ko yun. May masama siyang balak. "Don't be too confident. Sigurado ka bang matutuloy ang kasal?" Umalis na siya pagkatapos nun. Natulala ako. Inaasahan ko na ang ganoong remarks na manggagaling sa kanya pero parang nag iba siya sa kanina. Yung inakala kong b***h na Sabrina ay higit pa pala dun. **** Bumalik na ako sa hall. Andun na rin si Sabrina at parang wala lang nangyare. Nilapitan ko si Stephen. Hindi niya ng ako napansin dahil masyadong malalim ang iniisip niya. Minasahe niya rin ang sentido niya kaya mahahalatang may bumabagabag sa kanya. "Ang lalim ng iniisip natin ah." sabi ko "May." seryosong sabi niya. "Bakit?" "Two students were found dead." "Ha? Students?" "Yes. Students from this school. They've been killed." "Normal ba to dito Stephen? Bakit ganun ganon na lang ang pagpatay dito?" "No this is definitely not normal and I think it is the same killer." "Same killer?" "He also killed Olive." ***  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD