Chapter 5

1405 Words
Nakatitig si Katrina sa mga bituin habang iniisip kung saan kukuha ng pera. Kanina nag-usap sila ng Lola niya. Hirap man sa pagsasalita lalo’t sa katandaan na rin ay alam niya at ramdam ni Katrina ang labis-labis na pagmamahal mula sa matanda. Ramdam niya ‘yon. Gustuhin man niyang idala sa kilalang facility o may mag-alagang nars sa lola niya ay hindi niya alam kung saan kukuha ng pera. Kung sapat ba ang naipon niya. May anak siyang si KV kailangan niyang pag-ipunan ang hinaharap ng anak niya lalo’t ayaw niyang nahihirapan ito ngunit ayaw rin naman niyang mawala ang Lola niya. Dahil sa katandaan ay madalas na siya nitong makalimutan at hindi na rin kayang makipaglaro kay KV. Ayaw na rin nitong ipasalamuha niya si KV dito lalo’t may sakit na raw ito at baka mahawa pa si KV. Sobrang nahihirapan ngayon si Katrina. Ang hirap ng buhay. “Lalamigin ka rito,” mahinang sabi ni Emitt kaya naman nilingon niya ang binatang inaaya siyang magpakasal. Kung magiging partikal siya ay susunggaban niya ang hiling ng binata sa kan’ya lalo’t alang-alang ‘yon sa kanilang mag-ina subalit mas masasaktan niya ito lalo’t nakakulong ang puso niya sa nakaraan. May takot ang puso niyang umibig kay Emitt lalo’t kapatid ito ng Ama ni KV. Nakakatulong sa kan’ya si Emitt at nahihiya na siya ng sobra-sobra sa binata. Alagang-alaga silang mag-ina rito kaya naman labis siyang nagpapasalamat sa busilak nitong puso. “Babalik ka na ulit sa Manila bukas para sa trabaho,” mahinang sabi ni Katrina kay Emitt na nakaupo sa tabi niya. “Oo nga,” mahinang sabi ni Emitt habang nakatitig sa mga bituin. Nalaman niyang nagkaroon ng wakas ang relasyon nito kay Megan. Hindi na ito muling umibig sa iba maliban sa kan’ya kaya pakiramdam niya kay kasalanan niyang nakakulong ito sa kanila ni KV. “Napag-isipan mo na ba ang sinabi ko sa ‘yo? Hindi mo na kailangan na mangibangbansa para magtrabaho,” mahinang sabi ni Emitt kaya mapakagat naman si Katrina sa ibabang labi niya. Pursigido talaga itong mapasagot siya ng ‘oo’ sa kasal na hinihiling nito. “Sigurado ka bang ikukulong mo sa akin ang sarili mo? Anak ni Dak si KV. Isa pa may sabit ako. Kung tutuusin may mahahanap kang mas maayos na babae,” mahinang sabi ni Katrina kay Emitt na narinig niya lang tumawa dahil sa sinabi niya. "Matagal na akong may gusto sa 'yo, ano naman ngayon kung meron si KV? Kung tutuusin kadugo ko rin si KV" mahinang sagot nito sa kan'ya kaya naman muling humugot ng malalim na hininga si Katrina. It's hard for her to decide. What is she afraid of? "You love Dak too much. Dahilan kung bakit hindi ka pa rin umuusad ngayon gano'n din ako. Masyado kitang mahal kaya ito pa rin ako ngayon sa 'yo," mahinang sabi nito kaya naman napakagat siya sa ibabang labi niya. "Mali ka," mahinang sagot ni Katrina. Hindi matanggap ang sinabi ni Emitt sa kan'ya. "Hindi ko na mahal si Dak. It's been a long time since I lost my feelings for him." Hindi nakasagot si Emitt dahil sa sinabi niya. Dahan-dahang tumayo si Katrina para pumasok na sa loob. Hindi maganda ang timpla niya dahil sa sinabi ni Emitt. Bakit ba gano'n ang iniisip nito? Mahal pa niya ang lalaking 'yon? Iniwan niya si Dak para rito at para rin sa ikakabuti niya. Para lahat sa anak niya at kay Dak ang ginawa niya. Hindi pwedeng si Dak lang ang umusad sa kanila. Masyado nang malayo ang nararating ni Dak para lang lingunin ang nakaraan nilang dalawa. Umalis siya ng walang paalam dito noon at ipinangako sa sarili niya na kakalimutan niya ng tuluyan si Dak. Paanong mahal pa rin niya ang binata? Masyado nang matagal, hindi na niya ito mahal. Si KV na lang ang iniisip ni Katrina ngayon maliban sa kan'ya at sa Lola niya. Wala na sa mga plano niya si Dak. Matagal nang nawala. Nang mahiga si Katrina sa higaan kung nasaan mahimbing na natutulog si KV ay napangiti siya. Nakikita man niya ang mukha ng anak kay Dak ay masaya siyang nagkaroon siya ng isang KV. Mahirap man ang pagpapalaki kay KV ay kinaya niya ang lahat-lahat. Ito na ang natitirang pag-asa niya upang ipagpatuloy pa rin ang hirap ng buhay rito sa probinsiya. May takot man ang puso niya na dumating ang araw na magtanong si KV ng tungkol sa Ama nito ay ipinagdarasal ni Katrina na hindi siya mahirapan sa pagpapaliwanag sa kan'yang anak. She can't handle it if KV is out of her life. Pinunan nito ang kulang sa puso ni Katrina. Nawala ang takot niya noong isinilang niya si KV. Akala niya hindi siya magiging Ina sa anak niya lalo't hindi naman siya nakaramdam ng pagmamahal sa kan'yang Ina. Walang kumupkop sa kan'ya kundi ang Lola niya lang. May malaking kasalanan ang Ama niya na siyang dahilan kung bakit pala ito nawala na lang ng parang bula sa buhay niya. Ngayon pinipilit niyang maging mabuting Ina kay KV lalo't hindi niya ito mabibigyan ng Ama. May kulang alam niya 'yon ngunit nagpapakahirap siya para maibuhos ang pagmamahal sa anak upang hindi na 'to maghanap pa ng isang Ama. Hindi iyon kailangan ni KV. Hinaplos ni Katrina ang malambot at namumulang pisngi ni KV. Ang buhay niya. "Pasensiya ka na anak, hindi kaya ni Mama na mabigyan ka ng isang buong pamilya," mahinang sabi niya. Magsisi man siya dahil sa biglaan niyang pag-iwan noon kay Dak habang mahimbing itong natutulog ay huli na ang lahat at wala sa puso ni Katrina ang pagsisisi. Walang lugar ang pagsisisi kay Katrina ngayon lalo't alam niyang may magulang buhay si Dak noon. Hindi niya alam kung hanggang ngayon. Wala naman na siyang balita. "Pakiusap... makuntento ka na sa kung ano ang kayang ibigay ni Mommy sa 'yo," mahinang bulong niya habang nakatitig kay KV. May takot ang puso niya habang nagkakaisip ang anak niya. Baka sisihin siya nito dahil wala itong Ama. Kailangan maipaliwanag niya ang lahat dito kapag nagsimula na itong magtanong tungkol sa Ama nito. Kailan naman kaya ang araw na 'yon? Kailan siya tatanungin ni KV? Kailan ito magkakaroon ng lakas ng loob na magtanong tungkol kay Dak? Nakakatakot maging mali sa harapan ni KV. Ano na lang ang magiging dahilan niya kapag nagtanong na 'to? Hindi namang pwede na bigla na lang niyang iharap si KV kay Dak. Masisira lang ang lahat-lahat. Hindi siya impokrita na bigla na lang ipapakilala si KV kay Dak lalo't baka masaya na si Dak sa buhay nito at natatakot siyang itatanggi nito si KV. Alam ni Katrina na doble-doble ang hatid na sakit no'n kapag nagkataon na itinanggi ni Dak si KV. Kaya tama lang. Tama lang na rito na lang silang mag-ina. Nakatago kay Dak upang hindi na masira ang mga buhay nilang dalawa. Dito mas ligtas sila ni KV. Hindi man alam ni Dak ang tungkol kay KV ay masaya naman siya at si KV ng magkasama. Ipapaunawa na lang niya sa kan'yang anak ang sitwasyon kapag nagsimula na itong magtanong at magsimula nang magkaisip at naghahanap ng amang mag-aaruga sa kan'ya. Sa ngayon ang iisipin na lang muna ni Katrina ay kung paano sila mabubuhay at maitataguyod ang pang-araw-araw nila. Kailangan niyang makaipon ng malaki para sa anak at Lola niya. Hindi niya kailangang gamitin si Emitt para lang magkaroon ng sapat na pera para sa mahal niya sa buhay. Masyado nang nasasayang ang panahon ni Emitt sa kanilang mag-ina. Ayaw ni Katrina na ikulong ni Emitt ang buhay sa kanilang dalawa ni KV. Wala itong aasahan na pagmamahal sa kan'ya. Natatakot na siyang magmahal. Nakakatakot ulit isugal ang puso tapos bandang huli ay mabibigo lang katulad nang nangyari sa kanila ni Dak. Nakakatakot kapag may hahadlang na naman sa kasiyahan niya. Nakakatakot lumuha ulit tapos walang ibang pamimilian kundi ang lumayo para sa kapakanan ng ibang tao. Nakakapagod pero mas gusto ni Katrina na gumapang sa kahirapan kaysa harapin ang aninong matagal na siyang hinahabol. Hindi malalaman ni Dak ang tungkol kay KV at hindi niya kailangan na kausapin si Dak para kay KV. Nasa tahimik na silang mga buhay ngayon. Hindi niya gustong manira ng ibang buhay. Tahimik na sila ni KV dito sa baryo. Masaya sila at hindi kailangan ng kahit na sino para malaman ang tunay na saya. Mas tahimit at layo sa magulong buhay sa Manila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD