Chapter 6

1041 Words
Ngumiti si Katrina sa anak niyang si KV na buhat-buhat ni Emitt hanggang sa makalabas sila sa bahay nila. Talagang nagising ng maaga ang anak niyang si KV para lang hindi makaligtaan ang pag-alis ni Emitt. Babalik na ito sa Manila lalo't marami itong ginagawa doon. Mukhang mas magiging abala pa ito sa trabaho lalo't ito na ang Head Car Engineer sa pinagtra-trabahuan nitong kumpanya. Everything Emitt has achieved is the result of his hard work. Hindi maipagkakailang desidido itong may marating sa buhay. Kaya kalapastanganan na ikulong niya ang binata sa kan'ya kahit may magandang buhay ang naghihintay rito. Maraming mas maayos na babae na darating sa buhay ni Emitt. Sa tingin ni Katrina ay hindi siya isa sa mga 'yon lalo't hindi 'yon patas kay Emitt. "Magpaalam ka na kay Papa Emitt, anak. Malayo ang lugar natin sa Manila kaya baka gabihin pa ang Papa mo sa daan," nakangiting sabi niya sa anak na ayaw nang magpababa sa buhat ni Emitt. Hindi na matandaan ni Katrina kung kailan nagsimula si KV na tawaging Papa si Emitt. Gustuhin man niyang pagbawalan ang anak ay alam niyang masaya ito sa pagtawag ng Papa kay Emitt. Matalino si KV, alam nitong hindi nito tunay na Ama si Emitt na siyang dahilan kung bakit alam niyang may nabubuo nang kongklusyon sa isip ng pinagkamamahal na anak. "Bye po! Mag-iingat po kayo sa byahe! Tumawag po kayo kapag nakauwi na po kayo, Papa!" bibong sabi ni KV kaya naman nakita niya ang magaang ngiti mula sa bibig ni Emitt bago ito lumapit at sinulo ang buhok ng anak niya. "Papakabait ka kila Mommy," bilin ni Emitt kay KV. Dahil nga masunurin si KV ay grabe ang pagtango nito sa sinabi ni Emitt. Emitt kissed KV on the forehead. "Opo! Pagbalik mo po rito kaya na kitang talunin sa race," sabi ni KV na tinutukoy ay ang paglalaro nila ng remote control nitong mga sasakyan. Tumawa naman si Emitt dahil sa nangangakong boses ni KV at ginulo ang buhok ng anak niya. Hanggang sa makaalis si Emitt ay kitang-kita niya ang saya sa mga mata ni KV. "Hoy bakla!" tumitiling lumapit si Raula Mae sa gawi nila ni KV at masayang-masaya ito. "Ano ba 'yon?" tanong ni Katrina lalo't masayang-masaya si Raula Mae na binuhat pa si KV at niyakap. Napailing-iling na lang siya nang hindi sumagot si Raula Mae. Hanggang sa makapasok sila sa loob ng bahay ay tahimik lang si Raula Mae pero pakanta-kanta ito. Kahit noong abala na sa pinapalabas sa telebisyon ang anak ni Katrina ay para pa ring siraulo ang kaibigan niyang parang kinikilig sa ka-text nito. "Bakla ito na 'yon," kinikilig na sabi ni Raula Mae sa kan'ya kaya naman natawa siya. "Ano bang nangyayari?" mahinang tanong niya lalo't kanina pa naiintriga sa kausap ni Raula Mae sa cellphone nito. "'Yong afam ko bakla," kinikilig na sabi nito at tila hinahawi ang imaginary hair nito. “Ano ba ‘yon?” tumatawang tanong ni Katrina habang hinahawi ang nakatabing buhok sa noo ng anak. “Ninang, masakit po sa tainga ang tili ninyo,” saad ng anak niyang si KV kaya naman hindi natigilan ang pagtawa niya dahil sa sinabi ng anak. “Aysus, ito naman… kinikilig lang talaga ako KV!” sigaw ni Eduardo kaya naman kinuha ni Katrina ang anak niya dahil nga naiingayan na ito sa kaibigan niyang baliw. "Sige na, magpahinga ka na muna sa kwarto natin at manood ng paborito mong cartoon," aniya sa kan'yang anak na agad namang sumunod sa sinabi niya samantalagang naiwan naman silang dalawa ni Eduardo rito sa sala. "Magkikita na kami ng afam ko," kinikilig pa rin na sabi ng kaibigan. Napairap sa hangin si Katrina. Simula nang huli niyang pag-ibig ay hindi na siya nagtangka pang magmahal ulit. "Seryoso ka na ba talaga d'yan?" tanong ni Katrina habang papunta sila sa kusina. Balak niya kasing magluto ng paboritong ulam ni KV. Minsan niya lang 'tong nagagawa dahil madalas ay kumakayod siya. Nakasunod lamang si Eduardo sa kan'ya at mukhang talagang gustong makipagtsismisan sa kan'ya. "Magkikita kami sa susunod na buwan sa maynila," sabi nito kaya naman kahit papaano ay natuwa si Katrina. Kung tutuusin wala talaga siyang alam sa love life ng kaibigan maliban sa may napupusuan itong tibang lahi. Kung saan naman sasaya si Eduardo ay suportado naman si Katrina katulad na lang kung gaano ito ka-supportive sa kan'ya. Sa dami nang pinagdaanan niya sa buhay ay ni minsan hindi nawala sa tabi niya ang kaibigan kaya bakit niya hahadlangan ang pagmamahalan nito at ang lalaking iniibig nito? Wala siyang kwentang kaibigan kapag nagkataon. Kung saan naman sasaya ang kaibigan niya ay sasaya rin naman siya. "Gusto mo bang sumama sa akin sa Maynila?" tanong ni Eduardo habang nagsisimula na siyang maghiwa ng karneng priprituhin maya-maya. "Nahihibang ka na ba? Alam mo naman ang dahilan kung bakit ayokong tumapak sa lugar na 'yon," aniya. Hindi talaga nais ni Katrina na pumunta pang Maynila dahil sigurado siyang mas lalaki ang posibilidad na magkita silang dalawa ni Dak na palagi niyang ipinagdadasal na huwag nang makita pa. Ayaw na niya ng komplikadong buhay at mukha rin namang limot na siya nito at ang pagmamahal nila noon na siyang dahilan kung bakit nakabuo sila ng isang anghel na sigurado si Katrina na pag-aalayan niya ng lahat-lahat. "Alam mo, 'te! May nabasa ako sa internet. Kung mangyayari ang isang bagay, kahit na ano pang pigil mo... mangyayari at mangyayari pa rin ang itinadhana kaya naman kung talagang sasadyain na magkita kayo ng ama ni KV... magkikita kayo kahit pa magtago ka pa sa bahay na 'to," mahinang sabi ni Eduardo sa kan'ya kaya naman napatigil si Katrina sa ginagawa niya. "Kaya nga pinagdadasal ko na huwag na... alam mo naman e. Siguradong masisira namin ang buhay na mayroon siya ngayon. Alam kong magagalit siya sa akin kapag nagkataon dahil inilihim ko ang tungkol kay KV," aniya. Narinig niyang napabuntong hininga si Eduardo dahilan kung bakit nawala siya sa mood. Muli niyang naalala ang nakaraan kung saan nagmahal siya ng labis-labis. "Kapag nagkataon na magsalubong ang landas nila ni KV, paniguradong makikilala niya ang anak mo. Kamukhang-kamukha niya e," saad ni Eduardo. "Kamukha ko po ang Daddy ko?" biglang tanong ni KV.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD