Cristine Soriano Maaga siyang hinatid ni Daniel sa kanilang dorm dahil may pasok na ulit siya. Dahil nga hindi doon sila nagstay ng kasintahan sa mansyon ay maaga silang umalis para hindi siya mahuli sa klase at wala din siyang dalang gamit at uniform. Sabi nga ng Ina ni Daniel kung puwede nga daw ay dun si Cristine tumigil kapag weekend pero mariing tumanggi si Daniel dahil ito lang daw ang araw na masosolo niya ang dalaga aagawin pa daw ng Ina. Kaya laging nagbabangayan ang mag ina dahil lamang sa kanya. Dahil inaagaw daw ng kanyang atensyon ng dalaga na ayaw niyang mangyari. Gusto kasi ng binata na sa kanya lang ang atensyon ng kasintahan. Pagbaba niya ay laking tuwang niya ng siyang labas naman ni Toneth sa dorm nito kaya tinawag niya agad ito. “Toneth.” Tawag niya dito. Kaya napa

