Cristine Soriano Dahil na din sa pamimilit ng magulang ng kasintahan ay sa mansyon na sila matutulog ngayong gabi. Gusto nga ng Ina ni Daniel ay sa ibang kuwarto matutulog si Cristine pero mariing tumutol ang binata sa narinig. “Hell no Mom. She’s sleeping with me in my room.” Seryosong tutol nito sa sinabi ng Ina. “See Edward I told you kailangan na talaga natin mag schedule ng pamamanhikan sa pamilya ni Cristine. Iha kailan ba kami puwedeng pumunta sa inyo ng makilala namin ang pamilya mo?” Baling ng Ginang sa dalaga. Pagkatapos sitahin ang asawa sa inasal ng anak. “Hmm siguro po Tita pakikilala ko po muna si Daniel sa amin baka kasi po magalit sina Inay at Itay kapag bigla po kayo pumunta doon” Magalang na sagot nito sa Ginang. “Sabagay. Anyway Daniel update us if you already meet

