Daniel Valdez Mula ng nangyaring pagbreak down ni Catherine sa harapan niya kahapon ay naging handa siya sa mga mangyayari. Ayaw niya na may mapapahamak lalo na si Cristine. Kaya agad siyang humingi ng tulong sa ama at hindi naman siya binigo. “Oh iho hindi ka nagpasabi na dito ka pala uuwi ngayong gabi, kasama mo ba si Cristine?” Tanung ng kanyang ina. Napagkasunduan namin ni Dad na huwag munang ipaalam kay Mom ang nangyari dahil tulad ko ay ayaw ko din na magalala ang aking Ina. “No Mom she’s not with me, may pinagusapan lang kami ni Dad about sa business kaya ako dumaan dito.” Sagot niya sa ina pagkatapos halikan ito sa pisngi. “I see akala ko tuloy kasama mo si Cristine, minsan ha papapuntahan ko si Cristine at yayain kong magshopping para may kasama ako, Sawa na akong kasama ang a

