Daniel Valdez. Bilang pagsunod sa bilin ng kanyang ama ay napilitan siyang bumalik kinabukasan sa mansyon dahil magiging bisita nilang ngayong araw ang mga Montes. Kahit humingi pa ito ng paumanhin ay hindi pa din magbabago ang kanyang desisyon ukol sa dalaga. Hindi na ito makakapasok sa anu mang establishment na pagaari niya lalo’t hindi niya din papayagan na makalapit pa ito sa kanya o kanino mang malapit sa kanya. Pagdating nga niya ay nasa sala na nila ang pamilya Montes na nakikitaan nahihiyang expression ng makita nila si Daniel na dumating. “Oh iho buti dumating kana, Montes wants to tell you something.” Bungad ng kanyang Ama. Kaya dumiretso na siya sa upuan katabi ng kanyang ina at seryosong tinitingnan ang pamilyang Montes sa harap niya. “Hmp! Kaya kami naparito kasama ang a

