“Tagal mo naman kanina pa ako nagaantay sa iyo.” Sita ni Catherine sa taong katagpo. “Bakit mo ako gustong makita? Anu ipapagawa mo?” Tanung nito kay Catherine. Sa narinig biglang nagpantig ang tenga ni Catherine at walang anu anung hinawakan ng mahigpit ang leeg nito. “Bakit ang pakiramdam ko, nagrereklamo ka na ngayon? Sawa ka na ata sa kalayaan na tinatamo mo sabihin mo lang.” Sabi nito sa kanya. Dahil hirap magsalita, tanging iling lamang ang naisagot nito sa dalaga at nung nakita nito na namumutla na ito ay biglang binitawan ito ni Catherine habang ang isa naman ay umuubo at pilit hinahabol ang hininga. “Kaw kasi darling pinapainit mo ulo ko alam mo naman na maikli lang ang pasensya ko.” Sabi nito sa kanya. Habang hinahaplos niya ang mukha nito. “So let’s proceed sasabihin ko a

