Cristine Soriano Abala siya ngayon sa pamimili ng damit na binigay sa kanya ni Daniel. Lingid sa kanyang kaalaman ay inutusan pala nito ang kanyang secretary para bilhan siya ng mga damit na puwede niyang pamalit. Nakakahiya kahit yung size ng underwear at bra niya ay alam nito. Tinanung niya nito kung paano nito nalaman ang size ng dalaga ang sagot ng binata ay dahil magaling daw itong sumukat ng anumang puwedeng sukatan. Kaya ng marinig ito ni Cristine ay hindi niya mapigilan na hindi mamula sa hiya. Kaya lalo pa siyang inasar ng binata nung nakita namumula siya kaya sinimangutan niya lang ito at niyakap naman siya ng binata habang sinasabi sa kanya kung gaano siya kamahal nito. Hindi niya akalain na may ganitong side si Daniel na kahit ilang taon ang tanda sa kanya pakiramdam niya a

