Cristine Soriano Nakaalis na si Toneth sa kuwarto ko at nagpaalam na babalik na sa kuwarto niya,kaya sabi ko kumuha siya ng pagkain kasi may mga sobra pa para mabigyan niya si Liza. Nilagay ko din ang mga sobrang pagkain sa mini ref na meron ang kuwarto,para bukas iinitin ko nalang at pang almusal namin ni Toneth,sabi ko kasi ay bumalik siya bukas dito para sabay kami magaalmusal,buti na lang at may microwave mapapainit ko ang pagkain bukas. Maghahanda na sana ako gawin ang mga assignment ko ng may biglang kumatok sa pinto,kaya tumayo ako para pagbuksan ang kumakatok. “Hi hon,I miss you.” Bati sa kanya ni Daniel. Sabay halik sa kanyang ulo. “Hmmm pasok ka. Gusto mo ba kumain? May natira pa naman na pagkain dun sa dinala mo kanina.” Alok niya dito matapos nitong maupo sa couch. “No,I’

