Cristine Soriano “Hmmm snack muna tayo. Mas gusto ko kasi ng may kinakain kapag nagaaral ako.” Sabi ko sa kanya. Sabay baba sa lamesa ng tray na may lamang snack namin. “Ok come here hon. I will help you to answer your home work.” Yaya sa kanya ni Daniel. Naupo na ako sa tabi niya at inabot niya sa akin ang aking mga notes. Kaya nagsimula na nga ako magaral kasama siya at masasabi ko na namangha ako sa kanya,kasi ang galing niya magtutor sa akin,nagagawa niyang simple ang mga bagay kaya mas madali kong naiintindihan lahat. Dahil pareho kami nalibang sa pagaaral ay hindi namin napansin ang oras. Kaya nagpaalam siya na uuwi na. Parang nakaramdam ako ng panghihinayang na aalis na siya pero tama na kailangan na niyang umuwi,dahil bawal ang outsider na makitulog sa dormitory. Ibig sabihin

