Chapter 9

1103 Words
Cristine Soriano. Kasalukuyang hinahain sa amin ang buko salad na aming dessert na talagang nagpagaan at nagpasaya ng araw ko kasi paborito ko ito. Sa probinsya namin nakakain lang ako nito kapag may kapit bahay na nagbibigay lalo na kapag may okasyon o fiesta,kaya talagan pinagtatabi nila ako nito kapag may nagbibigay sa amin nito. Bigla ko namiss sina nanay,naiisip ko kasi nakakain ako ng masarap,sila kaya doon sa probinsya nakakakain kaya ng ayos. Kaya determinado akong magaral ng mabuti at ng makapagtapos at makahanap ng maayos na trabaho para matulungan ko din ang pamilya ko. “Ayaw mo ba ng buko salad. I can order another dessert if you want?” Biglang tanung sa akin ni Sir. Siguro kasi nakita niya na nakatitig lang ako sa buko salad. “Naku! hindi.--.” Hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil biglang sumingit si Toneth. “Natutuwa lang po yan si Cristine Sir,kasi kung di po niyo naitatanung favorite niya po ang buko salad. Kaya nga niya ubusin hanggang 3 baso niyan hahaha.” Pangaasar ni Toneth sa kanya. “Toneth tumigil ka nga nakakahiya.” Saway niya dito. “Really it is your favorite. Now I know. Don’t worry refillable naman yan,kahit ilang baso pa yan no problem.” Sabi niya sa akin. “Naku! Sir hindi po,nagbibiro lang yang kaibigan ko,sadyang mapagbiro po talaga.” Masamang ang tingin ko dito. Pero talaga atang trip ako ngayon ni Toneth dahil sa sagot nito. “Hindi ah! Nagsasabi lang ako ng totoo,huwag ka na mahiya freny,minsan lang ito at libre pa kaya go lang ng go.” Sagot nito sa kanya kaya lalo siyang nakaramdam ng hiya. God! Bakit ba kasi ngayon pa talaga sinapian si Toneth? Minsan talaga naiisip ko kung paano ko ito naging kaibigan,nakakahiya kung puwede lang sana ako lamunin ng lupa sasama na ako. Tapos nakita ko pa si Sir na parang tuwang tuwa pa sa mga sinasabi ni Toneth tungkol sa akin. “Cristine,eat your dessert now. Don’t be shy, go ahead.” Sabi ni sir Valdez kanya na may lambing at pagsuyo. Kaya hindi ko napigilan na mamula. “Anyway how your first day in the University. Hindi ka naman ba nahirapan o nainip sa enrollment mo.” Biglang tanung sa akin ni Sir Valdez. “Hmmm ok naman Sir,mabilis po ang process. Salamat po talaga at nabigyan po ako ng pagkakataon para maging scholar po ninyo.” Tapat kong sabi sa kanya. “Your intelligence is one of the kind. Sa tagal ng nagsponsor kami ng scholarship,this is the first time na almost perfect ang nakuha score sa examination,kaya I proud of you and I’m really happy,we.ve met in the right time and in the right place. So brace your self because I will never let you go.” Sabi niya sa akin na kinagulat ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa huling sinabi sa akin ni Sir Valdez,pero hindi naman ako nakaramdam ng takot,siguro naiilang,dahil siya ang nagmamayari ng Valdez foundation. Hay naku Cristine huwag mo bigyan ng kung ano mang kahulugan ang mga sinabi si Sir Valdez,saway ko sa aking sarili,ang mahalagang pagtuunan ko ngayon ay magaral ng mabuti. Natapos na kaming maglunch at isa isa na nagpaalam para umalis,ang mga kapwa namin scholar. Pati si Ms. Lyn na secretary ni Sir Valdez ay nauna na kanina pa kasi may tatapusin pa daw itong report,kaya nung kami nalang ni Toneth,nagulat ako nung sinabihan ako ni sir Valdez kung puwede daw ba ako maiwan at may paguusapan daw kami. “Sige beshy una na ako may gagawin din naman ako.” Paalam ni Toneth sa kanya. Hindi na inaantay ni Toneth ang sasabihin ko bigla na lang ito umalis,humanda talaga mamaya sa akin ang babae iyon,pagdating ko sa dormitory, Sabagay harmless naman ata itong Sir Valdez at hindi basta basta gagawa ng hindi maganda. Tumikhim ako at ako na nagsimula magtanung kasi para wala siyang balak magsalita nung kami na lang dalawa. “Hmmm Sir ano po paguusapan natin?” Magalang kong tanung sa kanya. “Musta naman yung kuwarto na nakaasign sa iyo komportable ka ba? May mga kulang pa ba or may kailangan ka pa ba. Tell me para magawan ko ng paraan.” Sabi niya sa akin. “Hindi po ok lang, ang ganda nga po ng kuwarto at komportable ako.” Sagot niya dito. “Ok nice to hear that,atleast that moron done his part well.” Mahina nitong sabi. “Sir?” Tanung ko kay Sir. Bigla akong naguluhan sa huli niyang sinabi “Nothing,and what course you’ve enrolled?” Tanung niya ulit. “BS Psychology po Sir” Sagot ko sa kanya. Nakita ko ang pagtango niya,bigla akong kinabahan kasi hindi ko alam kung anu ang iniisip niya,hindi pa naman ako kasing daldal ni Toneth kaya kung hindi magtatanung si Sir pareho kami mapapanisan ng laway. “May mga gamit ka na ba for your first day of school.” Tanung ulit sa akin ni Sir. Napaisip ako anu nga ba kasi? Sinabihan na kami ng admin kanina na available na yung mga gamitin namin na bigay din ng foundation at kung may kulang naman siguro naman sasapat yung allowance na matatanggap ko bilang student assistant sa library ng University. Nagapply kasi kami ni Toneth para may konti kaming pinagkikitaan. “Wala naman po Sir all good naman na po at nasabi na po sa amin ng admin ng school na available na daw po ang mga gamit na namin na provided ng foundation.” Magalang kong sagot niya dito. “I see. Well kung ganun buti naman.” Sagot niya sa akin. Napahugot ako ng hinihinga habang inaantay ko ang sasabihin ni Sir Valdez at sa wakas mukhang makakauwi na ako. “Well kung ganun samahan mo ako para mamili ng gift para kay Mom. Magkakaroon kasi kami ng family dinner mamaya,and hindi naging maganda ang paghihiwalay namin ni Mom last time kaya gusto ko sana bumili ng gift pambawi..” Sabi niya sa akin. Nabigla ako sa sinabi niya na parang wala akong choice kung hindi pumayag na lang na samahan siyang bumili ng gift para sa mom niya. Kakaiba din ito hindi man lang ako tinanung kung puwede ko siyang samahan. “Cristine?” Tawag nito sa akin na para bang naiinip. “Ok po Sir sasamahan ko po kayo.” Sagot ko sa kanya. Nakita ko ang pagaliwalas ng kanyang mukha at ang pagngiti nito na lalo nagpaguwapo sa kanya. Oh! God Cristine,Anu naman kaya ang nakain mo at pumayag ka na samahan siya. Naiiling na lang siya sa kanyang naging desisyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD