Daniel Valdez/Cristine Soriano
Hanggang sa umalis ang mga loko kong kaibigan hindi nila ako tinantanan sa pangaasar. Aabangan daw nila kung paano dumiskarte ang isang Valdez. Talagang sumunod sila dito sa kumpanya ko pagkagaling namin kina Dela Torre,para makita daw nila kung may picture ako ni Cristine.
Napapailing na lang ako pero,kahit ganyan sila sa akin alam ko masaya sila dahil may nagpatibok ulit ng aking puso. Naalala ko na naman ang munting dalaga na nakilala ko sa foundation,hiling ko sana maayos ang buhay niya ngayon at may nagaalaga sa kanya.
Napatingin ako sa aking lamesa na lalo natambak ang aking ginagawa kapag dumarating talaga ang mga iyon mga istorbo sa buhay.
“Sir naconfirm na po yung reservation niyo for lunch sa mga newly granted scholars.” Inform ng kanyang secretary.
“Ok lets go now,baka andun na ang mga scholar.” Sagot ko sa kanya.
—————
“Girl nabalitaan mo na ba?” Tanung sa akin ni Toneth. Kababalik lang niya galing canteen at bumili ng maiinum namin. Nauna kasi itong natapos sa pageenrol at dahil mabilis yung napilahan niya kahit sabay kami pumunta sa register, Full load unit ang kinuha namin pareho,hindi ko mapaliwanag ang saya ko nung nakita na may tatak na enrolled yung papel ko. Talagang hindi ako nanaginip at magaaral na talaga ako,kaya hindi ko talaga ito sasayangin kasi hindi lahat nagkakaroon ng ganitong opportunity.
“May pawelcome lunch yung namumuno ng Valdez foundation. Suwerte nga daw ng batch natin kasi first time ito ginawa ng management. Siguro kasi ito lang ang batch na may nakakuha ng almost perfect score sa exam,siyempre proud best friend herekasi kaw lang naman ang tinutukoy nila freny. Kaya proud na proud ako sa iyo.” Proud na sabi sa akin ni Toneth.
“Ok yun atleast free na lunch natin,pero teka saan pala gaganapin yung lunch?” balik kong tanung sa kanya.
“Diyan lang daw sa pagtawid ng University yung Filipino restaurant diyan. Ang balita ko nga nakareserve daw ang buong restaurant para lang sa atin. Dapat daw mga around 11am andun na tayo,10:45 palang naman,hindi ka pa ba tapos?” Tanung niya sa akin. Sabay abot ng isang bote ng mineral water.
“Ok na tapos na. Nakuha ko na yung registration form ko .aluluha nga ako kasi hindi talaga ako makapaniwala na nabigyan ako ng chance para magaaral kaya magaaral talaga ako ng mabuti.” Sabi ko sa kanya.
“Oo naman friend totoo ito. Andito na tayo kaya talagang gagalingan natin. Tara na baka maubusan pa tayo ng upuan hahahah at nagugutom na din ako.” Yaya sa kanya ni Toneth.
_____________
Pagpasok ko sa loob ng restaurant umikot ang mata ko sa paligid. Sadyang may hinahanap akong particular ng tao,ang dahilan kung bakit ko pinareserve ang buong restaurant. Dahil hindi ko makita yung taong hinahanap ko. Kaya hindi ko na natiis na tanungin ang aking secretary.
“Lyn di ba ang instruction ko ay lahat dapat ng new scholar andito.” Seryosong niyang sabi dito.
“Yes sir,yun po ang instruction ko sa admin ng Dela Torre University.” Sagot niya sa akin.
“Pero bakit wala si--?" Bigla siya napatigil. Ng may nakita siyang 2 dalaga na nagmamadaling pumasok sa loob ng restaurant.
______________
“Naku! late na ata tayo girl nakakahiya tinitingnan nila tayo.” Nahihiyang sabi ni Toneth sa akin.
“Oo nga Toneth nakakahiya. Kaw kasi eh panay kuwento mo hindi ko tuloy namalayan ang oras.” Pagsisi niya dito.
“I believe the two of you are belong to this batch right?" Tanung niya sa dalawang dalaga. Tango ang nakuha niyang sagot sa dalawa bilang pagsangayon sa tanung niya na halatang may kasamang takot at kaba.
“Then come here now for us to start our lunch.” Striktong sabi ni Mr. Valdez
My god nakakahiya hindi namin akalain na yung mismo namumuno ng foundation yung makakasalo namin sa lunch. Kinakabahan tuloy ako baka hindi maging maganda nag impression nito sa amin dahil late kami.
Nakita kong wala ng bakanteng table na malapit sa kanila,maliban sa table nila Sir Valdez at sa maganda babae na kasama nito kaya hindi ko alam kung saan kami pupuwesto ni Toneth
“Here ladies puwede kayo dito table namin ni Sir maluwag pa naman para hindi kayo malayo sa amin.” Offer sa amin nung magandang babae na kasama ni Mr. Valdez.
Kaya wala kami sinayang na oras naglakad na kami papunta sa table. Nakakainis itong si Toneth naunahan ako sa tabi nung magandang babae,kaya tuloy ngayon katabi ko si Mr. Valdez. Bigla akong natigilan nung inusog ni Mr. Valdez ang upuan malapit sa kanya,kaya naamoy ko yung pabango niya na hindi masangsang sa ilong yung tipong gusto mong singhot singhutin.
“Easy honey baka maubos ang amoy ko niyan.” Mahinang bulong ni Mr. Valdez. Na kinapula niya at bigla siya nahiya sa sarili.
“Naku hindi po Sir.” Sabi niya. Pero ngumisi lang ito sa akin,nakakahiya hindi ko akalain na magagawa ko yun baka isipin niya nagflirt ako sa kanya. Kaya inayos ko agad yung upo ko.
“Girl ok ka lang ba?” Tanung sa akin ni Toneth.
“Oo ok lang.” Sagot ko sa kanya. Sabay uminum ako ng tubig na nasa harapan ko.
“Since andito na tayo lahat ipapaserve ko na ang lunch natin.” Sabi ni Sir Valdez. Narinig ko na nagutos ito na ipasok ang mga pagkain.
Nakita ko na isa isa na nilapag yung pagkain at biglang nanlaki ang mata ko sa nakitang pagkain na nilapag sa harap ko. Dahil Filipino restaurant ito kaya naiintindihan ko na puro filipino food ang iseserve dito,pero hindi ko naman akalain sa dinami rami ng filipino food na ihahain sa akin ay chicken adobo pa talaga,kung kailan nagugutom pa naman ako kaya iniisip ko kung anu gagawin ko, nakakahiya naman kung mamimili pa ako ng pagkain kaya bahala na mamaya,ang alam ko may dala naman ako gamot,kaya bumungtong hininga na lang ako kaya nung akto ko na isusubo ang pagkain bigla akong pinigilan ni Toneth.
“Girl diba may alergy ka sa manok? Huwag mo kainin yan baka mapaano ka pa.” Biglang sabi ni Toneth sa kanya.
Dahil sa lakas ng boses nito ay nakuha namin ang atensyon ni Mr.Valdez.
“Allergy ka sa manok?” Tanung sa akin ni Sir. Tumango ako bilang sagot ko sa kanya. Kaya ito na mismo ang nagtanggal ng pagkain sa harap ko at tinanong niya pa ako kung saan pa ako my allergy,sabi ko sa manok lang. Kaya nagorder siya ng ibang ulam para sa akin.
Tinanung din ng secretary niya yung iba kung my mga allergy sa awa naman at wala naman.
Kaya bigla akong nahiya kasi yung atensyon ni Mr.Valdez nasa akin lahat. Dahil sa nangyari at binigyan ako ng kakaibang tingin ni Toneth nung tiningnan ko siya,sabay ng nakakalokong ngiti sa labi.