Cristine Soriano/Daniel Valdez Kasalukuyan nga kami nasa kuwarto kung saan kami nakaasign ni Toneth para magpahinga ngayong araw. Gusto pa sana ni Daniel magstay dito pero nahila na ito ng mga kaibigan niya para mag inuman kahit konti pampaantok. Niloloko pa nga nila ito ng sinabi ni Daniel na magpapaalam muna sa akin bago sumama sa kanila,kung hindi daw ako papayag ay susundin niya pero ayaw ko naman limitahan ito lalo alam ko bihira lang sila magsama sama sa dami ng ginagawa nila sa araw araw. Kuwento ni Oscar sa akin kanina kaya talaga daw kung may pagkakataon ay lumalabas silang magkakaibigan,para magunwind,nakasimangot pa nga si Daniel nung pinayagan ko kaya wala itong nagawa nung hilahin na ni Oscar at Kenneth palabas ng kuwarto namin ni Toneth. “Grabe yung magkakaibigan na yun

