Cristine Soriano Para nga masulit namin ang araw na ito ay sinabi ko kay Daniel kung puwede kami mamasyal ni Toneth at pumayag naman ito,pero sabi niya ay sasamahan niya kami lalo at bago lang kami sa lugar. “Dito beshy ang ganda ng view,sarap ang lamig grabe.” Sabi sa kanya ni Toneth. Kaming dalawa ang magkasama at hinayaan lang kami ni Daniel,habang siya ay nakaantabay lang siya kasama ang mga kaibigan nito. Akala ko nga hindi na sasama ang mga kaibigan nito pagkatapos namin mamili ng nga gamit namin,pero nagulat kami na sasama din daw sila mamasyal na hinayaan na lang namin,kasi kanina kahit tumanggi si Daniel ay nagpumilit pa din sila sumama. “Beshy picture tayo dali,sulitin natin ito para bukas sa ibang part naman tayo.” Sabi sa kanya ni Toneth. Yun nga ang ginawa namin at kumuha

